Akira's POV

4 na araw na ang nakalipas nung kinausap ako ng kuya ni Jiro.

Ngayong araw na to, napagdesisyunan ko ng kausapin si Jiro.

Nandito ako sa rooftop. Yes, my rooftop dito sa school namin. Wala namang tumatambay dito e. Mas gusto kasi nila sa garden, library, gym, etc.

I sighed. Kinakabahan ako...

*creeeck*

Ito na. Ohmy!

"AM." biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Oh no.

Andito na siya.

"Maupo ka. " sabe ko sa kanya. Nakatalikod ako sa kanya habang nakaupo.

Naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko. Ilang inches naman ang pagitan namin.

Pinikit ko ang mga mata ko. I breathe heavily.

Binukas ko na ulet ang mga mata ko. Nakita kong nakatingin siya sakin. Aish. Umiwas ako ng tingin.

"Handa na akong.... makinig sa.... sa explanation mo." kinakabahan talaga ako.

Mukhang nagulat siya sa sinabe ko. Hindi kasi siya nagsalita e.

"AM.... I-I don't know how to start." mahina niyang sabe.

"Bakit mo nagawa yun sakin?" mahina kong tanong. Parang gusto ko tuloy umiyak.

No! Hindi ako dapat umiyak. Ayokong makita niya akong umiiyak.

"I-I didn't mean to hurt you. I was a little drunk that time. Pumunta kasi si Rina sa bahay to visit me. And then..."

Jiro's POV

"And then...."

FLASHBACK

*knock* *knock*

"Pasok."

Bumukas ang pinto at tumambad sakin yung isa sa mga katulong.

"Sir, may naghahanap po sainyo sa baba." sabe niya.

"Sino daw?" tanong ko.

"Rina daw po." sagot niya. Napakunot ang noo ko.

"Sige, baba na ako." sabe ko. Tumango nalang yung katulong at lumabas.

Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba nasa London siya ngayon?

Bumaba na ako. Nakita ko siyang nakaupo dun sa sofa.

"Rina." tawag ko. Napatayo naman siya at humarap sakin.

"Kyle." masaya niyang sabe.

"What are you doing here?" tanong ko. Napasimangot naman siya.

"Bakit? Ayaw mo ba ako makita? Gusto lang naman sana kita kamustahin e. Its been 3? 4 years? since we last saw each other." sabe niya. Tsk. Bakit ba kasi siya bumalik?

"Actually, its 3 years already. "

"Ahh... yeah. Um, can I stay here? You know naman na wala akong kakilala dito sa Japan, bukod sayo diba? Vacation kasi namin, and I was thinking to spend my vacation here." nakangiti niyang sabe.

"I could get you an apartment. Maraming apartment na available dito."

Ayoko ko siya dito. Baka kasi mamaya kung ano isipin ni Akira kapag nakita siya.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!