KC's POV.

Shit shit! Late na akoooo. Waaaaaaaaaaa! Asan na ba kasi yung sundo ko? At hindi ako sinundo? Sinabi ko pa sa kanya na sunduin niya ako tapos.. Tsh.

Lumabas na ako at sumakay ng trike. Putcha kasi. Anong oras na noh?! Nakakainis!

Pagkababa ko ng trike, tumakbo na agad ako papuntang classroom. Sa di kalayuan..

..Tanaw ko na agad si DJ.

Sus, pumasok na pala ang mokong na 'to.

Papasok na rin sana ako..

..Nang biglang sumulpot si Megan sa tabi niya.

Magkasama sila? 

Sinundo niya si Megan?

Sabay silang pumasok?

Pero sinabi ko sa kanya na ako yung sunduin niya. 

Sa sobrang inis ko, nabitawan ko yung mga dala kong books. Na-siya namang kinatingin sakin nila DJ.

Nginitian niya ako. He gave me his sweetest smile. 

Pero hindi natanggal yung inis ko, dahil mas lalo lang akong nainis sa kanya.

Lumapit siya sakin, at tinulungan niya akong magbuhat ng libro.

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!