"Oo talaga! Para namang may iba pang magtuturo sayo dito. Hmpt. Bahala ka na nga." tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko.
"T-teka.." Natahimik siya bigla. "Turuan mo na ako." nakatungo niyang sabi. Hahaha! Narealize niya siguro mga pinaggagagawa niya.
"Sige, tuturuan na kita. Pero sa isang kondisyon.."
Napatingin siya sakin. "Ano?!"
"Don't fall inlove with me, dahil ititreat mo ako ng Coke Float." I teased him. Ewan ko kung sang banda ng aking utak ko nakuha yung coke float. Pero, I don't care. Gusto niya ng asaran? Gusto niya ng payabangan? I'll give him. Hahaha.
"Ang yabang neto! Para namang kagandahan ka!" magkasalubong na ang mga kilay niya.
"Maganda talaga ako!" nilugay ko yung buhok ko at tinaasan siya ng kilay. Hahaha. Alam ko napipikon na siya, let him! Gantihan lang to. XD
We decided na mag-aral nalang doon sa pavilion. Ano pang ineexpect niyo na mangyayari? Syempre, pikunan at asaran lang, walang nangyayaring matino.
///
For two months ganun ang routine namin, pipikunin niya ako, aasarin ko siya. Magyayabang siya, magtataray ako. Pero sa loob ng mga panahon na iyon, mas nakilala ko siya. Hindi naman pala siya mahina sa academics, ayaw niy lang pla talaga na pinipilit siyang mag-aral dahil magkukusa naman daw siya. Nabigla rin ako dahil nakakapasa nasiya ngayon sa mga activities, quizzes at exams. Hindi rin nman pala siya ganun kasama o kayabang na tao. Actually, he's a gentleman. Naalala ko tuloy nung minsang magmeryenda kami sa labas pagkatapos naming maglesson. Syempre, KKB kami nun, 'Kanya Kanyang Bayad.' Ano pa bang maasahan ko sa kanya, kuripot kaya siya. Haha.
Pizza ang meryenda namin nun, sarap na sarap ako sa pagkain kaya nman di ko namalayan na hot sauce na pala ang nilalagay ko imbes na ketchup. Sobrang anghang! Naubos ko na yung inumin ko nun pero sobrang anghang pa din, kaya binigay niya yung inumin niya sa akin. Binigyan pa nga niya ako ng Chubby na milk flavor para daw di na ako maanghangan. Natatawa pa nga siya dahil ang pula pula ko na daw. At ikinabigla ko nung lumapit siya sa akin at pinunasan yung sauce sa gilid ng labi ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nun, ewan ko ba kung bakit. And for some unknown reason, itinago ko yung balat ng Chubby.
///
Papalapit na ng papalapit ang graduation namin, at di ko rin maikakaila na close na rin kami. Lagi pa nga niya akong inihahatid pauwi. Kung dati rati puro kami bangayan, ngayon hindi na. Kung dati naiinis at nayayabangan ako sa kanya, ngayon hindi na. Natutunan kong tingnan ang good side niya, tingnan ang mga bagay na hindi nakikita ng iba sa kanya, tingnan kung pano siya mag-improve, at dahil sa kakatingin ko na yan, may nabuo ako. Nagkaron ako ng pagtingin sa kanya. Eto siguro yung dahilan kung bakit ko itinago yung wrapper nung Chubby, eto rin siguro yung dahilan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko nung pinunasan niya yung labi ko. Hayyyy. Naalala niyo yung kondisyon ko sa kanya? Yung "Don't fall inlove with me, dahil ititreat mo ako ng Coke Float."? Nagsisisi ako kung bakit ko nasabi sa kanya yan noon. Bakit? Kasi malay natin diba? Pinipilit niya yung sarili niyang wag mainlove sa akin dahil nga dun. Kasi malay natin, naghehesitate na siya. Ay! Ampupu. Nababaliw na ako. >.< Para naman kasing magkakagusto sa akin yun no. Amp.
*snap* "Hui! Nakatulala ka jan?" ay kabayo! Nagulat ako sa kanya.
"Ah eh, wala to. Tapos mo na bang masolve yan?" Tinuturuan ko siya ulit.
"Yup! At gets na gets ko. Haha."
"Yabang neto." >.< Pero tama yung sagot niya, infairness.
"Tara, meryenda tayo! Nakakagutom magsolve e."
"Hala! Wala akong pera no. Next time na."
"Ako bahala sayo." he smiled.
"Ililibre mo ako?" Waaaa.
Tumango siya then he said while smiling "Ititreat kita ng Coke Float." O.O
/////////
Haha! Gets niyo???? XD
Alam niyo naman na siguro kung anong kasunod nun diba?
Thanks for reading!
Coke Float
Start from the beginning
