Another walang katuturang one shot. Hahaha! Nagpop lang agad sa utak ko. Anyways, enjoy!
///
“Mister Jimenez! Bagsak ka na naman sa quiz! Ano ba naman yan?! 3 months nalang at graduation na. Ayaw mo bang magmarch? Hayyy.” hinilot ni Maam ang noo niya.
Ayan na nman, pinapagalitan na naman ang magaling kong kaklase.
"Well, I don't care, Maam." Oh diba? Magaling? Tsss.
"If you don't care, I care!"
"Psh." salita ng salita si Maam pero tong kaklase kong to, parang wala lang, parang inaantok pa nga eh.
"Ayokong may mapag-iwanan sa inyong magkakaklase. Kailangan mong pumasa!"
"Maam, bakit ba?!"
"Tsk. You really need help! Tingnan mo nga yang asta mo."
"Maam, I don't need help!"
"Yes, you do! At tutulungan ka ni Miss Morales sa pag-aaral!"
"WHAT?!" O.O Sabay pa naming nasabi.
"That nerd?!" ang yabang!
"That jerk?!" >.< Ayoko!
"Tutulungan ka niya, at tutulungan mo siya sa ayaw at sa gusto niyo!"
"But Maa-"
"No more but's! Besides, pareho naman kayong makikinabang dito. Kapag naipasa mo si Mr. Jimenez, may dagdag grade ka, that'll help you dahil you're running for Valedictorian. At ikaw nman Mister, benefit mo na ang paggraduate!"
"That's so unfair!"
"What's so unfair with that, Mr. Jimenez? Aba, ikaw na nga ang tinutulungan ko. Wala na kayong magagawa pa. I've already decided. Class, dismiss!"
Hay nako! Anong nangyari?! Tsk. Ayoookkkoooo! Tuturuan ko yan? Psh! Baka mag-away lang kami. Pero teka. Dagdag Grade? Hmmm. Pwede narin naman siguro siyang pagtyagaan no? XD
"Hoy, Nerd! Igawa mo ako ng assignment!" inihagis niya yung notebook niya sa desk ko. Duh! Ang yabang yabang niya talaga! Tsk. Nerd daw? Huh! I'm not even wearing glasses.
"Aba, Jerk. Sabi nin Maam, turuan kita. Hindi, ipagawa ang assignment mo. Blehh." :P
"As if naman matuto ako sayo no!" Ha! Gusto niya ng asaran? Go! Hindi ko siya aatrasan.
