dedication porr -- @JustanOrdinaryGirl21 ;)) 

PROMOTE-PROMOTE din!! new 'short' story ko ====>> (EXTERNAL LINK) ====>>

'That Break-up.' title nun. inspired by CJ's break-up. JOKE! ehe. read read read na lang sa may trip magread! salamats~ ;D 

- - - - 

x63: The Babysitter 




[RACHELLYN's PoV] 


"Io non parlo Italiano.. Si prega di parlare in Inglese.. Hmm.. Hehe.." 


Katuwa naman bigkasin ng mga Italian words. Kanina ko pa binabasa 'tong English-Italian dictionary na binili ko. 


Dumapa ako ng higa dito sa kama ko at nagpatuloy sa pagbabasa. Hanggang sa may phrase na kumuha ng atensyon ko. 


"Ti amo.." basa ko roon. 


It's Italian for 'I love you'. 


"Ti amo, Adrian.." 


O///O 


>///< 


Naitakip ko itong libro sa mukha ko. Ewan. Nakaramdam lang ako ng hiya sa sinabi ko. 


"MOMMYYY!" biglang pumasok dito sa kwarto si Andy. Nakatapis lang sya. "TAPOS NA KO MAGHILAMOS PO!" ^O^ 


"Wow.." umupo ako. Nang makalapit sya sakin, pinanggigilan ko ang mga pisngi nya at hinalikan sya sa noo. "Ang bango ng baby ko!" 


"HIHI.. WAH! MOMMYY! ANG BIG NG BAG MO PO!" tinuro nya yung maletang nakatayo sa gilid nitong kama. "MAG-I-SCHOOL KA PO WITH NEW AND BIG BAG?!" *o* 


"Ha? No." natawa ko. "Aalis kasi ako kaya ganyan bag ko." 


"OOH.. SAN KA AALIS PO?!" 


"Pupunta, baby." I patted his head. "Pupuntahan ko papa mo para pauwiin na sya dito." 


"WAAAAH! PUPUNTA KA KAY PAPA PO SA MILYA-MILYA?! SAMA KO PO!" *O* 


"E-Eh? Pero.." PATAY. 


Paano ko tatanggihan ang baby ko? Paniguradong di sya papayag na maiiwan sya. Di ko sya pwede isama eh kasi nga mahal ang pamasahe at may pasok pa sya. 


Tch. Dapat yata di ko na sinabi sakanya ang tungkol sa pag-alis ko. >.< 


"BABY." malakas na tawag ni CJ na sumilip sa may pinto. "Bihis na tayo." 


"MOMMYY!" niyugyog ni Andy ang braso ko."SAMA KO PO KAY PAPA!!" 


"CJ.." I pouted at CJ, asking for help. Nagets naman nya ko. 


"Baby, di ka pwedeng sumama kay Mommy.. Huhulihin ka ng pulis pag sumama ka.." natatawang pananakot ni CJ sakanya habang palapit sya samin. 


"PULIS?!!" gulat na nilingunan ni Andy si CJ. "HUHULIHIN NILA KO PO?!" 


"Yup." binuhat na sya ni CJ. "May school ka pa kasi bukas. At pag makita ka nilang gumagala at hindi nag-aaral sa school, naku..huhulihin ka nila at ikukulong mag-isa sa room na walang toys and TV." 


Natahimik at napaisip si Andy. Mukha syang natakot. 


"But don't worry. Pagbalik ni Mommy, kasama na nya papa mo." 


"REALLY MOMMY?" tanong sakin ni Andy. 


I smiled at him. "Yes, baby." 


"YEEEY! UUWI NA SI PAPA!" ^O^ 


"Pero bago yun, dapat magbihis ka muna at matulog ng maaga." sabi ni CJ sakanya. "Rachel, ikaw din, magbihis ka na para alis na tayo agad pagdating ng pinsan ni Adrian." 


"AH OO!" napatayo ako. Nalimutan ko nang magbihis kakabasa ng basic Italian phrases! 


At si Ate Hazel, papunta na nga pala sya ngayon dito. Sya kasi ang nagvolunteer na mag-babysit kay Andy habang wala ako. Nakakahiya rin naman kung si CJ pa ang gagawa nun eh busy din sya sa school at business nila. 


"Baby, good night." hinalikan ko si Andy na buhat ni CJ. "Wag pasaway kay Daddy ah?" 


"YES PO MOMMY!" 


Nagngitian kami ni CJ bago nila ko iniwan dito. 


Si CJ.. Ang bait talaga nya.. He didn't just set me free. He's also making sure that I'll be happy with Adrian. Kaya ito, tinutulungan nya kong mabuo ang pamilya namin. Tinulungan nya ko mula sa pag-asikaso ng mga papeles ko para makaalis ako ng bansa, hanggang sa tutuluyan ko sa Italy eh inasikaso nya rin. 


I sighed, feeling a little guilty. 3 days na rin ang lumipas mula nang i-let go ako ni CJ. Kahit nagagawa nyang ngumiti eh alam ko at nararamdaman ko na deep inside him, he still feels sad and hurt. Pero sabi nga nya, hayaan ko na lang sya na gawin nya ang gusto nyang gawin which is mapasaya ko. Magiging happiness nya na rin daw ang magiging happiness ko eh so I guess.. I guess, kailangan ko nang tulungan ang sarili ko na sumaya para mapasaya ko na rin si CJ. 


Huminga muna ko nang malalim tsaka ko kumilos para magpalit ng damit. Pagkabihis ko, chineck ko ulit ang mga dadalhin kong gamit sa pag-alis ko. 


"Dictionary, check.. Passport, check.. Plane ticket, check.." 


*DING-DONG-DING-DONG! 


Uh-oh, doorbell. Si Ate Hazel na yun! 


Nagmadali akong bumaba ng bahay. Pagbukas ko ng front door, ayun nga si Ate Hazel! 


"Ate Hazel!" tumakbo ko palabas at pinagbuksan sya ng gate. 


"CHEEELLE!" yumakap sya sa leeg ko. "AHH CHELLE! MAG-INGAT KA SA ITALY AH! UHM, PASALUBONG DIN! UWIAN MO KO NG PIZZA! AY! TSAKA SI ADRIAN! PILITIN MO SYANG UMUWI NA DITO! KUNG ALAM MO LANG CHELLE, HIRAP NA HIRAP NA KO! ANG HIRAP NG BUHAY KO KAPAG WALA AKONG ADRIAN NA PWEDENG ASARIN AT PIKUNIN!" 


Ano ba tong si Ate Hazel.. Kung makapagbilin parang aalis na ko ngayon din.. ^___^' 


"AH! SI ANDY BEYBE PALA?!" humiwalay na sya sakin. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!