DJ's POV.

Pauwi na kami ni KC ngayon. Actually nakasakay na nga kami sa kotse eh.

Ayun nga lang hindi niya ako kinakausap.

Paano ba naman kasi makayakap dun sa baby namin, akala mo mawawala eh.

HAHAHAAHAHA. Namin talaga? 

Syempre, ako nagbigay nun eh. Sakin galing yun. ^_____________________^

"KC, matulog ka muna, 9:30AM palang naman eh, baka mga 1 na tayo maka-uwi." Sabi ko.

"Sige, kapag inantok ako." Sagot naman niya habang nakikipagkulitan sa baby niya.

"Okay." Sambit ko habang nakatingin sa Window.

Hindi ko maiwasang hindi mangiti. Mukha akong gago dito. Pero natutuwa ako kapag nakikita kong masaya si KC, lalo na kung ako yung dahilan kung bakit siya masaya.

Ganun rin naman kay Megan. Kaya lang magkaiba. Mahal ko si Megan. Mahal ko si KC.. 

..Pero bilang kabigan lang.

Walang pang 10 minuto napalingon ako kay KC na kasalukuyang naghihilik. Baboy talaga. HAHAHAHA.

"Sabi na eh, makakatulog ka rin." Bulong ko, tapos sinandal ko na siya sa balikat ko.

Kaya lang, para akong nakuryente nung nadikit yung ulo niya sakin.

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!