Pansamantala

9 2 4
                                          

Pansamantala

By: Teacher Anny

Masarap lasapin. Masarap lasapin ang bawat sandaling kapiling kita. Mga sandaling tayo ay magkasama.

Masarap damhin. Masarap damhin ang bawat halik at haplos na pinagsaluhan nating dalawa, sa tuwing magtatago ang umaga. At doon sa dilim, atin ngang narating ang rurok ng kaligayahang kumikiliti sa damdamin. Doon natin dinama ang bawat yapos at tagumpay ng pagnanasa. Doon kita minahal dahil doon ko naramdaman, ang init na matagal ko nang kinasasabikan.

Doon sa dilim. Doon sa dilim ay paulit-ulit ang senaryo sa tuwing tayo'y pagtatagpuin. Masakit, ngunit nandoon ang saya sa aking damdamin. Nandoon ang saya na kahit sa isang sandali ay ikaw ay makakapiling. Na kahit sa isang sandali ay nabigyan ng pagkakataong iparating. Iparating ang totoong damdamin.

Subalit, doon sa dilim ay akin ding napansin. Napansin na iba ang sayang iyong nadarama sa sayang nasa akin. Ang sayang nasa iyo, ay ang sarap na magkasama tayo. Ngunit ang saya na nadarama ko ay iba sa pinupunto mo.

Masaya ako dahil kasama kita. Masaya akong maipakitang mahal kita. Masaya akong ibigay ang puso't kaluluwa dahil alam kong kapalit nito'y ang makasama kita.

Masaya ako na sa bawat pagbuka. Sa bawat pagbuka ay papasok ka at tatanggapin kita. Doon ay malaya ka. Malaya kang lulusot at malaya kang huhugot. Okay lang dahil mahal kita.

Masaya akong ibigin ka, kahit hanggang dito lang sa kama. Masaya ako kahit alam kong may masasaktang iba. Kahit alam kong mali ang ibigin ka. O bakit nga ba pinagpapatuloy ko pa? Kahit alam kong nakatali ka na sa iba. Bakit nga ba pinipilit ko pa? Kahit alam kong isa lang akong 'Pansamanta.'

Kahit sa pansamantalang romansa, masaya akong mapasaya ka at maibigay sa'yo ang pagkukulang niya. Sapagkat hanggang ngayon ay mahal pa rin kita.

PANSAMANTALAWhere stories live. Discover now