Chapter 1

3.2K 43 5
                                    

Mafia Boyfriend 2

Written by MisterYus

All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author and have no relation to anyone having the name or names. They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author, and all the incidents are merely inventions

Copyright © MisterYus, 2014

Chapter 1

"Lolo, mag-iingat kayo." Ngumiti si Em sa kanyang Lolo dahil pupunta na itong America. Doon muna ang kanyang Lolo dahil naroon ang mga kapatid nito. In short, doon na siya titira.

"Em, bantayan mo ang mama mo. Tatawag ako lagi para hindi mo ako mamiss ng sobra." Hinawakan nito ang ulo ni Em tsaka hinalikan ang noo.

"Sige, mauuna na ako." Naka-jacket ang Lolo niya at binitbit ang mga malalaking bags tsaka nagsimulang umalis ng bahay.

Nakatingin si Em sa pag-alis ng Lolo niya hanggang sa paglabas nito ng bahay nila at makasakay na ng tricycle.

Mahigit tatlong taon narin ang nakakalipas matapos mangyari ang karumal-dumal na naganap sa abandonadong bahay malapit sa university. Makalipas ang dalawang taon bago naresolba ang nasabing pangyayari. Para kay Em, hindi parin niya malilimutan ang nangyari. Nagpapasalamat nga siya sa Diyos na buhay pa siya at pinagpapatuloy ang buhay pati narin kay Sword, ganoon rin.

Panatag na sila at nahuli na ang mga mafia na kumuha sa kanila at tangkain silang patayin.

Napakabilis talaga ng panahon, pero para sa mga taong nabubuhay.. tuloy parin ang ikot ng mundo.

"Anak, wag ka nang malungkot.. diba sabi ng Lolo tatawag siya." walang ngiti ang makikita sa mukha ni Em, dahil kasi mas close pa ito sa Lolo niya kaysa sa Mama niya. Pero ganun talaga, kailangan mong tanggapin na may taong mawawala sa'yo kahit alam mong malulungkot ka.

Tumango lang ito tsaka niyakap ang Mama niya.

"Sige Ma, aakyat na muna ako sa kwarto." Tumango ang Mama ni Em tsaka ito dumiretso ng kusina. Sa nakalipas na tatlong taon, nakapagtapos ng pag-aaral si Em at kasalukuyang nagta-trabaho sa isang kompanya.

Tutal dalawa nalang sila ng Mama niya sa loob ng bahay, wala nang magpapatawa sa kanila, magtatanggol at wala nang lalaki sa bahay. Pero kailangan narin nilang magsanay at ituloy ang buhay.

Si Sword ay paminsan minsan ring nagawi sa bahay nila Em. Siguro mga isang beses sa isang linggo, bisi narin kasi ito. Pero hindi naman niya napapabayaan ang relasyon nila ni Em. Going strong kumbaga.

*Ding Dong* *Ding Dong*

Ibinaba muna ng Mama ni Em yung spatula na hawak sa mesa tsaka pinuntahan kung sino ang nag-doorbell. Lumabas ito,

"Tita Lourdes!" sigaw ng isang babae na nakasuot ng dress na color pink at tsaka may backpack na cute na cute sa likod na color pinrk rin. Mayroon rin siyang hawak na attaché case gamit ang dalawang kamay niya sa harapan niya at isang color pink na sapatos. May headband rin ito na pink. Halos lahat ng gamit pink, pwede na siya mag-camouflage sa pink na cotton candy eh.

"Ma'am, pinapasabi po ni Mr. Ricardo Gaca sa inyo muna siya titira.." binuksan ng Mama ni Em yung gate tsaka tinignan yung babaeng nasa harap niya mula ulo hanggang paa.

"Mica?!" bulalas nito at hindi makapaniwala.

"Ang laki mo na aah. Tsaka maganda parin." Ngumiti yung Mama ni Em tsaka hinawakan ang ulo nung babae na kausap niya sa harapan niya.

Mafia ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon