Actually, medyo malayo ang convenience store sa bahay namin pero naramdaman ko nalang kasi bigla na gusto ko maglakadlakad. Gusto ko lang muna mag-isa.
Papasok na ako ng covenience store ng may nabangga akong lalaki na may dalang beer na nakabalot sa plastic bag.
"Ay, sorry po---"
" Cee!" Tila nagulat si Calvin na makita ako at agad niyang itinago sa kanyang likod ang bagong biling beer. " Anong...ginagawa mo dito?"
" Ah, may bibilhin lang. Ikaw? May plano kang magpakalasing ngayong gabi?" I said pointing at the bottles of alcholic drinks placed in a plastic bag.
" Ahh~ hahahah. Hindi naman. Ilang araw din kasi akong walang pahinga dahil sa trabaho kaya gusto kong magrelax ng konti. Hehe.."
"Ahh...grabe ka naman kung makapag-relax. Ilang litro ba ang iniinom mo ha?"
" Aaah...kasi...."
" Hay... okay. Sige, pasok na ako--"
"Sandali!" pinigilan niya akong makapasok sa convenience store. " Alam mo, may mas maganda at mas murang convenience store doon sa kabila. Tara samahan kita."
" Hoy. Huwag mo nga akong pinaglololoko ha. Hindi man ako magaling sa direksyon pero alam kong nag-iisa lang ang tindahan na to."
" Hay! Huwag ka na ngang umangal diyan."
Agad niyang hinila ang kamay ko at pinatago ako sa isang malaking puno. "Hoy."
"Shh."
" Hoy, Calvin!"
Ang boses na to---Aki?
Pagkakita ko sa kanya, sumakit ulit ang dibdib ko lalo na nung hinalikan niya ang kasama niyang babae. Tila binalot ng yelo ang puso ko.
"Ano ba yan, Aki! Umalis na nga kayong dalawa! Dalhin niyo na tong pinabitbit niyong beer! Tsk." sabi ni Calvin sa kanila.
" Maghanap ka na kasi ng girlfriend, Cal. Halos 3 years ka ng single eh." Sabi ni Aki. " Si Cee ba't di mo nalang ligawan? Matagal ka ng may gusto dun dba?"
Ha?
"Tch. Gago ka ba, Aki? Sa tingin mo ganun lang kadali sa kanya ang nangyari? Oo gusto ko siya pero ayokong ipilit sa kanya ang nararamdaman ko kung hindi pa siya handa. Please lang Aki, don't talk about her like that."
"Okay-okay! Sorry na. Sige, mauna na kami."
Nang makaalis na sina Aki at ang girlfriend niya, binalikan ako ni Calvin at humingi ng tawad.
"Okay ka lang?" tanong niya.
"Palagay mo? Okay ako?"
He became quiet.
" Hay, alam mo, hindi ako sanay na may nag-aalala sakin ng ganito kaya pasensiya ka na kung nasusungitan kita. Salamat, Calvin. Magiging okay din ako."
He's still quiet.
"Oh sige. Bibili pa ako ng pagkain eh. May naghihintay sakin sa bahay."
"Ah, Cee." I stopped walking to listen to him. "Can I ask you out for a coffee?"
"Are you asking me out for a date?"
"Bakit? Pwede ba?"
"Hindi ko alam."
"Please tell me. Please tell me kung handa ka na."
I just smiled at him. "Thanks," I said and went inside the store.
We parted like that.
Lord, if he's the one you made me wait for 23 years, please tell me. Please guide both of us.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Diary of an Introvert
РазноеStay tuned to her boring adventures if you're free. arigato! Please read the WARNING before going through the chapters. I don't want to disappoint you. (Highest Rank #3 in Introvert, #3 in Prose, #41 poetry as of November 2018 😊)
Extra: Me and My broken heart
Начните с самого начала
