Nakatingin pa rin siya sa akin. Maya-maya at tumingin siya sa gilid ng stage at may itinuro siya.
Mula doon ay umakyat sa stage ang isang napakagandang babae. Sobrang ganda nito. Sobrang puti. Halos kuminang siya sa sobrang ganda niya.

"Thank you love," sabi nung babae at hinawakan naman siya sa bewang ni Kyle. At saka nila hinalikan sa labi ang isa't isa.

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko.

What is this. Tell me I'm dreaming. Please. Please. Kailangan ko nang magising. Please.

"You are not dreaming, Jeff." Sabi ni Kyle, nakamicrophone pa siya. Katabi pa rin nya yung babae.

"This is reality." Sabi niya at binigyan nya ako ng isang nakakalokong ngiti.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Habang tumutulo ang luha mula sa mata ko ay sinigawan ko sila.

"ALAM NYO? PAKYU!"

---

REALITY

"Ay pakyu!" Sigaw ko at napabangon ako mula sa pagkakaub-ob.

Napatingin ako sa mga kasama ko. Gulat na gulat silang nakatingin sa akin.

"Jeff? Ayos ka lang?" Tanong ni Gab sa akin.

Tumingin ako sa paligid. Wala si Kyle.

"A-asan siya? Asan si Kyle?" Tanong ko sa kanila habang palinga-linga ako sa paligid.

"'Yun oh, nasa likod mo" bored na sabi ni Ian.

Agad naman akong napatingin sa likuran ko. At nakita ko si Kyle, he's walking towards us, at nakangiti siya.

Napahinga ako ng maluwag.

Putek na panaginip naman 'yan oh. Halos atakihin ako. Nakakainis. Ang sakit nun. Para siyang bangungot kung tutuusin.

"Sorry Jeff," sabi niya habang nakangiti pa rin siya.

Walang hiya. Nan-trip ang gago.

Nilapitan ko siya at hinampas ko siya sa dibdib nya.

"Alam mo? Nakakainis ka! Pinaghintay mo na nga ako mant-trip ka pa sa panaginip ko? May pa 'share the same dream share the same dream' ka pa dyan! Nakakainis ka talaga!" Sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya habang patuloy ko pa rin siyang hinahampas sa dibdib nya.

"Marunong ka nang mag-lucid dream, 'diba? Dapat tinorture mo na lang 'yung babae sa panaginip mo." Sabi nya.

"Eh sabi mo kasi reality 'yun eh! Para kayang totoo talaga!" Sabi ko naman.

He chuckled, "I only tested you, Jeff. At least alam mo na ngayon. Don't worry, hindi na mauulit." Sabi nya.

Hindi ako nagsalita. Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Kung gusto mo, sa panaginip natin gawin ang lahat nang hindi natin nagagawa dito sa reality. Sa panaginip, makakain natin ang lahat ng masasarap na pagkaing gusto natin. Makakapunta tayo sa amusement park ng walang ka-effort effort. Makakapag-enjoy tayo. And lastly," he paused, then unti-unti siyang lumapit sa akin.

Hinawakan niya ang labi ko gamit ang kanyang daliri.

"Makakapag-sex tayo 'dun ng walang makakahuli sa atin. Unlimited orgasm. Ayaw mo nun?" He teased.

"G-gago ka Kyle," bulong ko sa kanya.

Bigla siyang humiwalay sa akin at tumakbo palayo.

"Bwiset ka!" Sigaw ko sa kanya pero hindi ko na siya hinabol.

Well, at least nalaman ko na panaginip lang 'yun.

Ito pa rin ang reyalidad.

And it's more than enough.














-WAKAS-

----------

MESSAGE NI JEJENG AUTHOR

Thank you po sa lahat ng nagbasa ng story na 'to. Sa mga consistent na vote, nagcomment, alam nyo na po kung sinu-sino kayo haha. Maraming maraming salamat sa inyo. Kahit paisa-isa lang kayo, namo-motivate pa rin ako.

Bale lima o anim na buwan din palang on-going ang story na 'to. Kung tutuusin guys, masipag naman ako mag-update kung di lang talaga maraming ginagawang paper works. Kaya ko nga po ito natapos dahil medyo matagal kaming bakante. 'Yung Pain nga isang buwan lang tapos na. Kahit 'yung revision nya. Kasi December ko po 'yun ginawa at wala kaming pasok non.

Tumigil lang ako sa pagwa-wattpad saglit kaya tumagal yung HDS at A Love that Never Fades.

At ngayong may pasok na uli kami, I will try my best to balance my schedule. Magu-update ako sa panibago kong story, which is ip-publish ko ang prologue/pre anytime soon at the same time magf-focus ako sa acads ko.

Thank you sa inyo mga labs!

-kuya y

Hinahanap-hanap Kita ☑️Where stories live. Discover now