dedication porr -- @XiiMakulet ;)) 

- - - - 

x62: Her Pain, His Pain 




[RACHELLYN's PoV] 




CJ kept his blunt look at me, making me more nervous every second. 


"C-CJ.." GOD. Ano nang sasabihin ko? Anong idadahilan ko sa nakita nya? 


"Uhm.. Tulog na pala si Andy?" tanong nya na medyo nagpa-pawi sa kaba ko. Siguro.. di nya ko nakitang umiyak. If he did, hindi dapat ganun ang tanong nya diba? 


"O.. Oo.." sagot ko. 


Lumapit sya sakin. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at niwipe ang..ang luha sa mga mata ko? 


Oh God. Hindi nga nya ko nakitang umiyak pero nagtira naman ako ng ebidensya! 


"Antok ka na, Mhie.. Naluluha ka na sa antok oh." 


Dahil sa antok? P-Pwede.. 


"O-Oo nga eh. Hehe." sasabayan ko na lang itong maling akala nya. 


"Magpahinga ka na kasi." 


"Teka lang po.. Maghihilamos pa ko.." 


"Mm." binitawan na nya ko at medyo nagsmile. "Uuwi na rin pala ko." 


Tinitigan ko sya. Uuwi na raw sya. Pag umuwi sya, malamang, iiyakan ko na naman si Adrian. Ayoko na nun. 


"Dhie.. Pwedeng dito ka na lang matulog?" tanong ko sakanya. 


Kita ko ang pagkagulat sa mga mata nya. Pero tumango rin naman sya agad. 


"Sige.. Pwede.." sagot nya. 


Nginitian ko sya at hinawakan ang kamay nya. Pumunta kami ng kwarto ko. Doon ay humiga sya agad sa kama ko at kinalikot ang phone nya. Siguro nagtetext sya para magpaalam kina Tita. 


Kumuha naman ako ng mga damit at naghilamos sa CR sa baba. After that, bumalik na ko ng kwarto ko. 


Nakahiga pa rin si CJ sa kama. Di na nya gamit ang phone nya. Nakatulala na lang sya sa kisame. 


"Dhie, kaw naman maghilamos." naghalungkat ulit ako sa cabinet ko para hanapan sya ng damit. 


Tsk. Ang gulu-gulo na pala ng side na toh ng cabinet ko! Natabunan na yung mga damit na naiwan ni CJ! >___< 


Ayun. Nakahatak ako ng isang tshirt nya! 


"Yan na Adrian! Hilamos ka na." binato ko yung damit nya sa isang silya malapit sakin. Di ko kasi maalis ang isang hawak ko sa mga damit dito. Magla-landslide sila pag gawin ko yun! 


"ANONG SABI MO?" CJ asked that on a low but serious tone. 


Nilingunan ko sya. Nakaupo na sya sa kama. 


"Sabi ko, maghilamos ka na." sagot ko sakanya. 


"I know. But not that." 


"Huh? Eh ano? Yun lang naman sinabi ko ah.." nanatili lang na nakatingin sakin si CJ. "DHIE? ANO BA YUN?" 


"Ah.." he rubbed his eyes with both of his palms. "Wala.." 


Wala? 


Pft. Adik ni CJ. =3= 


Sinara ko na ang cabinet ko. Bukas ko na lang toh aayusin. 


Kinuha ko ang damit ni CJ pati yung towel nya na nakasabit sa isa ko pang cabinet. Tapos ay nilapitan ko sya sa kama at inabot ang mga yun sakanya. 


"Hilamos ka na para makatulog na tayo.." tumingala at tumingin sya sakin pero yun lang. Di nya kinuha itong mga inaabot ko. "DADHIE?" 


Kinuha na nya yung mga gamit nya. Ay di pala! Hinatak nya ang dalawang braso ko eh! Hinatak nya ko pahiga sa kabilang side ng kama at niyakap ako ng mahigpit! 


"CJ?! Ehh.. Maghilamos ka na muna.." >.< 


"Ayoko.." 


T3T 


Gusto ko talagang maghilamos muna sya kasi nga personal hygiene yun pero..okay lang kahit di nya gawin. Ang bango-bango kaya nya. Kahit lalaki sya, malinis din naman sya sa katawan. 


Niyakap ko na lang din sya. Ramdam ko naman ang pagdiin ng mga labi nya sa noo ko. 


Then my heart.. It started rumbling. Not in happiness but in longing. 


Adrian. Adrian. Adrian. Sigaw ng puso ko. 


I miss Adrian doing this to me. I miss his hug, his kiss, his-- AHHH ANO BA?! 


CJ, SI CJ ANG KASAMA KO NGAYON! At pina-stay ko sya dito ngayong gabi para di ko maisip at iyakan si Adrian! 


Pero bakit ganito.. Iniisip ko pa rin sya at.. At iiyakan.. 


Oh no, Rachellyn. Don't cry. 


I was getting teary at sakto, niyukuan ako ni CJ. He saw me again on this state. 


Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib nya. "Dhie, pakamot ng likod ko.." 


"Ayoko nga.." 


"PLEAAASE.." 


"Ayoko. Usap na lang muna tayo." hinaplos ng isang kamay nya ang ulo ko. 


Tumango ako. Mas maganda nga siguro yung mag-usap kami. It's a better distraction. Sana yung kasal ang maisipan nyang pag-usapan namin. 


"Hmm, Rachel.. Alam mo ba ang dahilan..kung bakit nahulog ang loob ko sayo noon?" tanong bigla ni CJ. 


Magrereminisce kami? Pwede na rin. Bakit nga kaya nahulog ang loob nya sakin non? To think that isa akong disgrasyada, nakaka-turn off yun diba? 


"Kasi.. Kasi nagandahan ka sakin? Hehe." hula ko naman. 


Medyo natawa sya. "Wrong." 


"Oh.. So hindi ka pala nagandahan sakin.." = 3= 


"No. Nagandahan din ako sayo. But that just made me develop a crush on you." 


"Hm?" Wow lang. Nagkakaganun din pala si CJ? Nagkaka-crush? 


"Having a crush and falling in love, they are two different things, Mhie. So there should be different reasons too why you experience them." 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!