Panaginip.

Humawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Halos hindi rin ako makahinga dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Humawak ako sa aking pisngi at napansin kong nabasa ang aking mga daliri. May luha. Pinunasan ko ito. Ngunit sa halip na mapawi ito ay lalo pa akong napaiyak.

Miss ko na siya. Miss na miss.

Ilang buwan na siyang hindi nagpapakita. Hindi pa siya dumarating. Noong araw na dapat parating siya ay hindi siya natuloy. Grabe 'yung pag-asa ko noon. Akala ko makikita ko na siya at masasabi ko na sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin.

Pero hindi. Walang siya na nagpakita sa amin. Kahit sina Erika ay nagtataka. Then, a week after, napag-alaman namin na hindi na nga matutuloy sina Kyle na pumunta dito.

My last ray of hope vanished into thin air.

But that thin air -- I'm keeping it until now.

"Anak, may bisita ka sa baba." Sabi ni mama mula sa labas ng kwarto ko.

"Opo ma. Wait lang pasabi." Sabi ko at nagsimula na akong mag-ayos. Mukhang alam ko na kung sino ang bisitang 'yon.

I looked at myself in the mirror. Pugto ang mata ko. Pero hindi naman masyadong halata. Para lang akong nalahian ng korean suddenly.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba.

Then I saw him. Nang makita niya ako ay napatayo siya at binigyan niya ako ng isang ngiti.

I smiled sadly.

~*~

"Hinihintay mo pa rin talaga siya, 'no?" Tanong sa akin ni Van habang naglalakad kami dito sa kalakhan ng aming subdivision.

I sigh. "Oo. Palagi niya akong binibisita sa panaginip ko. Kaya alam mo 'yun, nagkakaroon ako ng pag-asa na baka anytime, bumalik na siya. At pagbalik niya, bumalik na rin ang mga alaala niya. Kahit hindi ako siguradong babalik ang nararamdaman niya sa akin." Sabi ko.

Hindi nagsalita si Van. Kasi totoo naman. I'm completely aware of it. Anong alaala kaya ang babalik kay Kyle? Ang alaala ni Farjusan? Imposible. Pero malay mo, 'diba? Sabi nga nila, ang isip nakakalimot. Pero ang puso, hindi. Dahil ibang koneksyon ang itinatatag ng puso sa pagitan ng dalawang tao.

And if only...if only Kyle could gain his memories with me.

I will be the happiest.

"I'm sorry." Pabulong na sabi ni Van.

"Sorry? Saan?" I asked him.

"For everything. Alam mo na 'yun. Sorry." Sabi pa niya.

Nginitian ko lang siya. "Anong gagawin ko? Alangan namang hindi ko tanggapin 'yang sorry mo. At isa pa, Van, tumulong ka. Tinulungan mo kami. Ako, si Kyle, si Farjusan. Kung tutuusin, dapat na magpasalamat pa ako sa'yo."

"Right. Pero sorry pa rin. Kasi may pagkamoody at basagulero talaga ako. Pasensya na sa ugali ko. Nakasanayan ko lang na mabilis ma-badtrip." Sabi nya.

"Hindi rin kita mapipigilan dyan. Ikaw 'yan eh." Sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin saglit, at saka siya ngumiti. Iniiwas din niya kaagad ang tingin niya.

"One more thing... I realized something. Once, I have told you na nakikita kita sa panaginip ko. Naiintindihan na kita kung bakit mo nasabi sa aking hindi tayo soulmates." He said.

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang sabihin ang gusto niyang sabihin.

"Dahil ang totoo niyan, I don't often enter the Door of Soulmates. Ang palagi kong pinapasukan ay ang Outside door. At doon kita palaging nakikita. At ngayon ko lang din naintindihan kung bakit ayaw mong ipakita sa akin ang mukha mo doon--"

"Wait, eh sino 'yung palaging bumibisita sa panaginip ko?" I asked him, interrupting his words.

"That wasn't me -- but my doppelganger. Isa iyong pekeng sugo ng pekeng alhuego. Isang beses ko nang tinangkang pasukin ang Door of Soulmates but I just saw my doppelganger. Hindi ko pa alam nung time na 'yun na peke pala iyon. Doon ko lang din lubos naisip kung bakit nasabi sa akin ni Kyle na hindi ako nag-eexist sa reyalidad. Dahil akala niya, ako ang pekeng imahe na nilikha ni supremo." Sabi pa niya.

Napatingin ako sa kawalan at saka ako unti-unting napatango. Sa simpleng pagbanggit niya ng pangalan ni Kyle ay nalulungkot ako. But it wasn't Kyle that's he's referring. It was Farjusan.

"At isa pa... Kaya ayaw mo akong lingunin sa panaginip ko was because you're lost. Hindi mo ako kilala. Isa lamang akong estranghero kada maliligaw ka sa panaginip mo. Pero masaya ako. Na sa pamamagitan ng kantang isinulat mo, kahit hindi tayo soulmates...naging konektado pa rin tayo sa panaginip natin." Sabi niya.

Hindi na lang din ako nagsalita. Patuloy ko nang nalalaman ang lahat sa puntong ito. Ngayon na rin ako nalinawan.

"Pero sana, bumalik na si Kyle. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng ginawa niya para lang mailigtas ka." Sabi pa niya.

"But that's just his body. Si Farjusan talaga 'yon." Sabi ko.

"Well, you can't tell. Malay mo nagkaroon na ng connection ang isip nilang dalawa. Kyle may adapt Farjusan's memories. He may gain Farjusan's memories. At isa pa, mahal mo siya. Paano pa kaya kung maramdaman niya 'yon, 'diba?" Sabi niya sa akin.

Ngumiti ako. "Kaya hinihintay ko pa rin siya hanggang ngayon." Sabi ko sa kanya.

Matagal-tagal pa naman akong mabubuhay dito sa mundo. At habang nabubuhay ako, willing akong hintayin sya.

~*~

-KYLE-

I felt the warm breeze of air as we landed here in Manila. Nandito na kami ngayon sa aming home country.

Sabi ni mom, hinihintay na raw ako ng mga kaibigan ko rito. I wonder, are they still the same as the last time I met them?

Kilala kaya nila ako? Kilala pa kaya nila ako? I hope so.

"Mom, alam ba nila na ngayon tayo bumalik?" I asked mom.

"Hindi. I bet you wanna surprise them that's why. Am I right?" Sabi niya.

Napaiwas ako ng tingin. Sa totoo lang, ayoko muna silang makita. Para bang feeling ko, ang laki ng kasalanang nagawa ko sa kanila. Parang nahihiya pa ako.

Should I feel this way? Ganito ba dapat ang maramdaman ko? Bakit parang kinakabahan ako?

"No, mom. Thank you sa hindi pag-inform sa kanila. I will take my time muna bago ko sila harapin."

"Take your time? Bakit naman?"

"Nakakahiya. Ang tagal ko silang pinaghintay. It's been months." Sabi ko.

Ayun ang dahilan. Sabi ni mom, after kong ma-discharge sa hospital pwede na kaming makabalik dito sa Pinas. She even informed my friends to wait for us in the NAIA. Sa kasamaang palad, hindi kami natuloy.

Nagkaroon ng malakas na bagyo saktong araw ng pag-alis namin. Napakalakas nito. Tumagal ng isang linggo 'yung bagyo. Kaya cancelled din ang flights noon. That's why we decided na dito na lang ituloy ang medication ko ng ilang buwan.

I had an accident. A car accident. Pero hindi naman ganun kalala ang naging epekto nito sa akin. A week after my admission doon sa hospital, nagkaroon ako ng malay but my memories are in a complete reset. Wala akong maalala na kahit na sino. The doctors confirmed na nagkaroon ako ng amnesia dahil sa aksidente.

At dahil doon, nasabi na ni Mom sa mga kamag-anak at kaibigan ko dito sa Pinas na nagka-amnesia nga ako and I will be getting discharged after a few days.

And it may seem funny pero noong na-discharge ako, saka naman bumalik ang lahat ng alaala ko.

Dahil nagkaroon ako ng amnesia ngunit hindi ito anterograde o retrograte, kundi short-term post-traumatic amnesia na tumagal lamang ng ilang araw.

I can clearly remember every single thing. Lahat, bawat detalye. Not only my mind.

But my heart as well.

---

Hinahanap-hanap Kita ☑️Where stories live. Discover now