kabanata 20

2.9K 64 1
                                    

Lorice's POV

"Nice shot Ford!" agad na akong lumapit kay sir Ford matapos siyang kunan ng litrato.

Iniabot ko ang tubig at pinunsan ang pawis na nasa noo niya. Gaya ng dati, balik na naman siya sa pagiging masungit. Pero hindi na ako natatakot. Ang cute niya kapag ginagawa niya yon.

"Ganito pala talaga ang buhay ng isang artista sir?" ibinigay niya ang tubig sa akin. "Grabe."

He nodded. "Masanay ka na. We'll have lots of this."

"O-okay."

Buumalik na siya roon. Ako naman, nakatayo lang at pinapanood ko sila. Ang gwapo niya talaga.

Naalala ko yung sinabi niya sa akin dati noong nag inuman kami sa club. Iniwan siya ng babae na sanang papakasalan niya. Ewan ko ba. Tingin ko, wala namang mali kay sir. Medyo masungit nga lang.

Nakailang ulit pa sila sa photoshoot at nang matapos iyon ay kaagad na kaming sumakay sa van.

At nang nilingon ko siya, nakita ko siyang natutulog. Tinitigan ko lang siya. Napagod siguro siya sa trabaho niya. At, hindi magawang umalis ng mga mata ko sa mukha niya.

Ngayong nakikita ko siyang tulog ay nakikita ko ang maamo niyang mukha. His thick eyebrows, apple red lips, and haircut that really looks good on him.

Matapos ng photoshoot at ang pupuntahang fanmeeting, didiretso na kami sa unit para maghanda sa pupuntahang party mamaya.

Ewan ko ba.

Naalala ko yung sinabi niya sa akin. Yung tungkol sa pagiging fake girlfriend ko. Hindi ko alam pero siguro dahil na rin sa nangangailangan talaga ako kaya ko ito tinanggap.

Isa pa, wala na akong matitirahan. Kaya nang sinabi niyang hahayaan niya akong tumira sa unit niya ay napasubo na ako. Agad ko nang kinagat ang oportunidad dahil minsan lang naman ito mangyayari.

Ilang oras pa ang lumipas at sa wakas ay narating na namin ang venue. Nagising na rin si sir Ford. Ako naman, inayos ko ang kanyang buhok bago kami lumabas ng van.

"Ang gwapo mo, sir." nakangiti kong sinabi. And with that, napangiti siya. Napangiti ko siya!

"I know." he smiled. Maya maya pa ay lumabas na siya ng sasakyan. Sumunod naman ako.

Grabe, mula sa labas hanggang sa makarating kami sa loob ng venue ay napakarami nang mga nag-aabang. Ganito pala talaga sila kasikat.

Agad kaming dumiretso sa dressing room at nang makahanap ng mauupuan ay umupo na ako. Ang sakit na ng likod ko.

"Wait for me here." sabi niya at napatango lang ako.

Tsaka ko lang ipinikit ang aking mga mata ng tuluyan nang makalabas na siya ng dressing room.

Sa wakas, makakapagpahinga na rin ako.










Ford's PoV

"POSIBLE BANG BUMALIK ang CHANSE?" Tanong ng isang fan. Nasa isang fanmeet kami ngayon.

Ngayon lang ulit kami nagkasama nina Drag nang kaming apat matapos kaming ma-disband.

"Maybe, soon." sagot ni Drag na dahilan ng sigawan na naririnig namin ngayon.

"Umm, Dragon. May tanong ako. May balak ka bang papasukin sa showbiz si baby Zairre?"

"Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko na tahakin niya ang talagang gusto niyang maabot sa buhay. If he wants, walang problema sa akin. And if Zie is okay na ipasok siya, then go."

"Ang sweet naman... Sana all!"

"Kiel, kayo na ba ni Ginger?" tanong ng isang fan.

"Soon."

Dahil sa sinabi niya, napuno na naman ng sigawan sa venue. Natawa na lang kami nang tingnan ni Dragon si Kiel.

Nang matapos ang fanmeeting ay agad akong dumiretso sa dressing room. And... I just saw her, sleeping.

I looked at the time. It's already 8. Mom texted earlier that the party tonight will be moved the day after tomorrow. And dad did the same thing, sa susunod na araw rin yung kanya.

I just sighed. They're just the same.

Tiningnan ko ulit si Lorice. Masyado yata siyang napagod. Kaya hinayaan ko muna siyang matulog.

I sit beside her and saw my old phone na hawak niya. Kinuha ko iyon. I will borrow this for a while.

I opened it, at dumiretso sa gallery. And then I saw her, and Fudge, and their pictures together. They look so cute. Kailan lang, takot na takot siya rito pero napakabilis naman nilang maging friends.

Maya maya pa ay napalingon na lang ako... when she just... leaned on my shoulder.

Then my heart's beats changed.

Hell! Hindi pa ako nakakaramdam ng ganito! Never! Even on Tracy. Naramdaman ko lang ito one year ago, with that girl. And now, with Lorice.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon