Kumunot yung noo niya at tumingin kay Diego saka tinulak si Diego. Umiwas ako sa mata ni DJ at ginulo yung buhok ko habang sumasayaw.

"Iyan ba yung sasayaw kay DJ mamaya?"rinig kong sigaw ni Katsumi at nag-apir naman sila nila JC. Nag-neon green ang kulay ng paligid, Nagpalit ng ilaw ito na yung cue para sumayaw ako kay DJ. Hindi ko nakakalimutan ang sinabi sa akin ni Zharm kahapon at totoo nga ang sinabi niya makakaramdam talaga ako ng awkward at hiya lalo na't si DJ ang sasayawan ko.


I wonder kung saan pinagpupulot ni Zharm ang mga iniisip at pinaplano niya. Lumapit ako kay DJ at inikutan siya, Napakagat na ako ng labi ko sa sobrang hiya ko habang hinahaplos ang dibdib niya't sumasayaw.

"Your eyes and lips are familiar."rinig kong bulong ni DJ sa akin ng nag-bend ako sa kanya, Titig na titig siya sa akin kaya umupo ako sa lap niya at ngumisi. Hanggang ilong lang kasi ang mascara ko kaya nakita niya ang labi ko, Dapat pala hindi na lang ito ang pinili ko.

"Whoo hindi na KJ sa fafa DJ!"sigaw ni Lester at naghiyawan ang lahat, Hinatak ko ang collar ng polo ni DJ at ngayon ko lang narinig yung kalabog ng puso ko sa sobrang kaba. This is just a sexy dance iyon lang!


Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinatak ang batok ko't hinalikan ako. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya, Paano kung ibang babae ito? Hahalikan niya rin? Sht! Tinulak ko siya sa dibdib niya pero grabe yung halik niya sa akin kaya napasabay na ako.


Lumakas ang hiyawan at sigawan sa loob, Pati sina Aria narinig ko ang sigawan. Nang magkalas kami ng halik nakita ko ang pag-angat ng labi niya kaya naman agad akong kinabahan sa ngisi niya pero mas naiinis ako. Paano kung ibang babae? Edi hinalikan niya?! Playboy pa rin!

"Kath stop doing this kung ayaw mong mapa-aga ang honeymoon."bulong niya sa akin at napahalakhak pa siya bago ako bigyan ng smack sa lips. Napa-awang ang labi ko sa gulat sa sinabi niya sa akin. Alam niya?! Sinabi ni Diego?!



"Uhm.. Ano lalabas muna kami, Mag-enjoy kayo! Keep it up DJ you're a man."sabi nung isang lalaki sa party ni DJ na hindi ko kilala kaya ayun, Kinuha ko yung heels kong mataas ang takong at hinagis ko sa lalaking iyon.


Gago siya so kung hindi ako hinalikan ni DJ hindi siya lalaki? Paano kung iba nga yung babae at hindi ako? Tsk!Lumabas na sila at naiwan kaming apat nila Julia dito sa loob, Tinanggal ko ang mascara ko at tinignan ko ng masama si Diego.

"Binulong mo sa kanya? Sinabi mo?!"asar na sabi ko kay Diego na nag-hands up ngayon at si Julia naman tumayo para hatakin si Diego.

"No hindi ko sinabi, Ang sabi ko lang tignan ka niya at mag-enjoy. Ewan ko sa kumag na iyan kung paano nalaman."sabi ni Diego at inakbayan si Julia bago sila lumabas, Hinagis ni Julia ang kamay ni Diego at tuluyan na silang nawala sa paningin namin ni DJ.

"Anong pinag-iisip mo't nag-suot ka ng ganyan?"nakangisi pero may inis sa mga matang sabi sa akin ni DJ, Napahinga ako ng malalim at magsasalita na sana ako sa kanya ng ma-realize kong naka-upo pa rin pa pala ako sa lap niya.


Tatayo na sana ako ng hawakan niya ang waist ko kaya napa-upo ako. Tinitigan niya ako sa mata kaya naman kinabahan ako.

"You're not going anywhere until you explain to me, Bakit ganyan ang itsura mo? Kath what are you thinking?"sabi niya sa akin at umiwas ako ng tingin. Kinagat ko pa ang labi ko sa sobrang kaba ko lalo na't nakaka-concious ang titig niya.

Same Love at House [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon