"Kaya natin ito, Go powerpuff girls!"sabi ni Kiray pagkalabas namin ng Elevator. Napa-angal naman agad si Zharm.

"Ang KJ kasi ni Julia kung pumayag siya edi sana Sexy Four tayo hindi Powerpuff girls, Tsk!"sabi ni Zharm bago kami pumasok sa hotel room namin. Walang kesyo kung mag-ingay kami sa hallway kasi soundproof ang hotel rooms.


Agad akong nagpalit ng damit dahil kanina pa text ng text si Diego sa amin. Napa-upo naman ako sa kama habang malakas ang paghinga ko sa kaba. Nilalamig din ako sa suot kong damit pero carry lang.

"Too much skin, Buti na lang hindi ako kasama."reklamo ni Julia kahit na hindi nga siya kasama. Pumasok sina Zharm sa bedroom habang inaayos ang buhok niya, Natawa naman ako sa mga itsura namin.

"Syet! Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ito."sabi ni Aria habang pulang-pula ang mukha, Si Julia naman kumakain lang ng kiwi sa tabi at iniilingan kami. Naglilihi na ang buntis at kiwi ang pinaglilihian niya.


"Kawawang Diego, Hindi makakapag-enjoy mamaya."matawa-tawang sabi ni Kiray habang tinitignan si Julia na kumakain lang ng kiwi na nakalagay pa sa tupperware. May ibang prutas din doon pero mas marami talagang kiwi.

"Pero mas nakakahiya talaga ang suot natin."sabi ni Aria sabay lagay ng bunny ears sa ulo niya. Si Diego lang ang nakakaalam na sasayaw kami, Si Albie? Hindi alam ni Albie kahit na nandoon siya at narinig niya kasi pinush talaga ni Zharm ang suggested plan niya, Dinawit pa niya sina Kiray at Aria.

"Okay lang Aria may maskara naman kaya hindi ka makikilala."sabi ni Kiray sabay hinawi ang buhok niyang kinulot at nilagay ang maskara niya. Nilagay ko na rin yung maskara ko habang malakas ang paghinga ko, Napatingin pa ako sa sarili kong repleksyon sa salamin.


Sobrang iksi ng suot kong dress na masyadong hapit na hapit sa katawan ko buti na lang may stockings akong suot. Hindi ko ma-imagine sa buong buhay ko na gagawin ko ito pero okay na siguro para naman kay DJ.

"Eto na papunta na kami, Buksan mo na ang pinto."reklamo ni Julia habang kausap si Diego sa phone niya. Inayos ko ang sarili ko buti na lang may maskara kaming suot kung hindi sobrang nakakahiya sa mga ibang dumadaan sa hallway.


Pinagbuksan kami ni Diego ng pinto, Pinapasok niya kami kasama si Julia buti na lang madilim at hindi napansin na kasama namin si Julia kung hindi sira ang plano ni Zharm.

"Mabuti naman at dumating na sila, Kanina pa ako naaasar sa walang kwentang laro ni Diego."rinig kong bulong ng isang lalaki na kilalang-kilala ko kung sino. Leche ka kulot humanda ka mamaya kay Julia kahit na moody si Julia at inaaway si Diego basta si Diego pinaguusapan susungalngalin niya yung mga mang-aaway kay Diego kahit na childish fight lang.

Nagkaroon ng dim lights kaya kitang-kita ko kung paano pumalakpak yung mga boys at humiyaw except sa isang lalaking walang pake na nakatingin sa one way mirror ng Hotel na pangalanan nating DJ. Naunang mag-sayaw sina Zharm at Kiray, Mabuti na lang at naka-maskara si Aria kasi alam kong nangangamatis na ng sobra ang mukha niya dahil sa tenga niya.



Nung bumukas yung ilaw ako na yung nag-sayaw. Sht! I will never ever forget this night! Sobrang nakakahiya lalo na ngayong nagdi-dirty dance ako sa gitna, This is embarrassing pero para kay DJ go lang! Narinig kong humiyaw sila at bumulong si Diego kay DJ hindi ko alam kung ano yung binulong niya dahil bulong nga pero napatingin si DJ sa gawi namin at nagtama yung mata naming dalawa.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!