Lethal

11 1 0
                                              

"Hindi kita kilala" hindi ako makapaniwala sa kung ano man ang narinig ko sa mga oras na ito. Pakiramdam ko tinalikuran ako ng ulirat sa mga pagkakataong ito at ang nais ko na lamang mangyari ay sana panaginip ang lahat ng ito.

"I'm sorry but I really don't know you" at mukhang hindi pa nakuntento si tadhana dahil muli nanamang binanggit ito ng lalakeng nasa harapan ko.

Hindi ako makapagsalita. Walang gustong lumabas na kahit anong salita mula sa bibig ko. Pakiramdam ko ay may malaking bara ang mga lalamunan ko na nagiging dahilan upang mahirapan ako kahit sa aking paglunok. Ni ang aking isip ay hindi ma proseso ang mga kaganapan ngayon.

Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin. Kung paano ko sasabihin sa kaniya.

Kung kakayanin ko ba, gayong lahat sila nakalimutan na ako.

Pati ba naman siya?

"What do you mean? Rehan, it's me -Thelane, your fiancé" nang sandaling magkaroon ng konting lakas ang aking bibig na bumuka ay ito agad ang namutawi dito.

Tinitigan ko ang si Rehan at sinuri siya. Maputi ang balat, katamtaman ang kanyang katawan. Ang kaniyang mga mata ay tulad pa rin ng dati na tila mga tubig at alon ang mga kulay. Ang kaniyang labi na mas mapula pa ata sa akin. Ang kanyang matangos na ilong na may nunal sa kaliwang parte.

Hindi ako nagkamali ng tinawag. Hindi ako nagkamali ng pinuntahan. Sigurado ako, Siya si Rehan. Ang lalaking kaisa-isang minahal ko at siyang pakakasalan ko.

Ngunit bakit ganito? Hindi niya ako kilala.

"I'm sorry miss, pero I really don't know you. Maybe you're just mistaken and akala mo ako yung hinahanap mo" mukhang naiirita na siya sa akin sa paraan ng pagsasalita niya. Tila ano mang sandali ay basta niya na lamang akong iiwan dito sa kinatatayuan namin.

Humakbang ako ng kaunti ay umambang hawakan ang kaniyang braso. Ngunit bago ko pa ito magawa ay iniiwas niya na ito sa akin at humakbang paatras palayo sa akin.

Gusto ko siyang hawakan. Gusto ko ulit maramdaman ang mainit niyang balat. Pero bakit ganito? Pakiramdam ko sobrang layo niya sa akin.

"R-rehan, it's me. You're fiancé. Ako 'to si Thelane. Bakit hindi mo ko kilala?" nagsisimula ng pumatak ang mga luha ko mula sa aking mga mata. Hindi ko gustong umiyak sa harapan niya lalo pa't ramdam ko ang atensyon na pinupukol ng mga taong napapadaan at napapatingin sa gawi namin. Pero hindi ko kasi mapigilan. Pakiramdam ko trinaydor ako ng buong mundo sa nararanasan ko ngayon. Do I deserve this one?

"H-how? May asawa na ako, miss. So how can I be your fiancé?" saad nito sabay taas ng kaniyang kaliwang kamay na may nakasuot na singsing. Dito na ako tuluyang bumigay sa sinabi niya. Hindi ko namalayang bumigay na pala ang kanina pang nanghihina na tuhod ko at bigla na lamang ako napaupo sa lapag.

Ramdam ko ang titig niya. Ang mga tingin niyang tila nalilito at may halong awa marahil dahil may isang babaeng walang patid ang pagluha.

Hindi ko na kinakaya. Hindi ko na alam ang gagawin.

After 5 years of missing and looking for him. Ganito lang ang madadatnan ko.

I found him just weeks ago and I was so happy but I didn't expect this kind of surprise.

My fiancé does not remember me.

And worst of all, he already has a wife.

My soon to be husband was someone's husband already.


LethalWhere stories live. Discover now