CHAPTER 22: LETTER

58.7K 732 67
                                    

CHAPTER 22

"LETTER"

Tatlong taon. Tatlong taon na ang nakakalipas simula noong sinabi saakin ni Lady ang nangyari kay Lena. Tatlong taon na siyang hindi pa rin napapalitan saaking isipan. Tatlong taon ko na rin siyang pinipilit na ibaon sa limot. Tatlong taon.

"Tatlong taon na Aldrin. Lagi mo nalang tinititigan 'yang picture niya."

Nginitian ko lang si Aireen na ngayon pinuntahan pa ako sa loob para lang yayaing sumama na magsaya sa labas.

"Lady ikaw nga mangumbinsi dito sa mokong na 'to."

Sa oras na iniisip kong kalimutan ko na lang siya ay siya namang oras ng pagdating ng kambal niyang si Lady. Si Lady na kapareho niya ng mukha at ng boses.

Paano ko nga naman makakalimutan ang kapatid niya kung nandito siyang pinapaalala saakin na huwag kong kalimutan si Lena?

"Aldrin. Halika na. Huwag kang KJ."

"Susunod ako."

"Promise 'yan hah? Sige mauna na ako sa labas."

Tatlong taon ko na siyang pinipilit kalimutan pero may parte talaga sa isipan kong nagsasabi na huwag kong ituloy.

Pero sa totoo lang gustong-gusto ko na siyang kalimutan. Gusto ko na lang maglakad paabante para lumayo sa nakaraan.

Tatlong taon na siyang wala at sa tatlong taon na iyon ay nagkukunwari lang akong masaya at hanggang ngayon ay nagkukunwari pa rin akong okay lang saakin ang lahat. Na wala na siya. '

Hanggang ngayon tuloy ay hindi pa rin ako nagkakaroon ng matinong relasyon. Ilang babae na ba ang napaiyak ko dahil lang sa babaeng wala na?

Bakit ba kasi siya pa rin ang hinahanap ko kahit may iba naman na?

Bakit ba ang hirap niyang kalimutan?

Bakit sa tuwing may kasama ako ay imahe pa rin niya ang nakikita ko?

Ang dami kong katanungan pero maski ako ay hindi ko masagot.

"Hoy Aldrin! Halika na!" Hinila na ako ni Jolo palabas ng bahay nila Aireen. "Party 'to pare! Party! Anuba?" Kulang nalang ay isubsob na niya sa mukha ko ang Party na ito.

"Edi party kasi."

"Ihahanap kita ng chikas pre."

"Asa ka! Alam mo namang choosy ang friend nating ito." Isa pa si Aireen.

"Huwag niyo nga akong pagtripan, isa pa may nakita na ako kanina." Kako nalang saka kumuha ng maiinom. Birthday kasi ngayon ni Aireen kaya may party ngayon.

"Nasan?" Sabay nilang tanong saakin. Kaya naman itinuro ko nalang yung babaeng kanina ko pa napapansin.

"Maganda nga, hindi mo naman type." Sabat ni Lady.

"Nandito ka pa pala."

"Grabe ka naman." Inagaw ko nalang yung hawak niyang baso na may lamang alak. "Ibalik mo nga!"

"Huwag ka masyadong malakas uminom. Gusto mo bang sapakin ka ng kapatid mo?"

"Sana nga sapakin nalang niya ako. At least nandito siya." Siguro kulang nalang ay ang pag-akyat niya ng puno, maging mas maingay at sa pananamit baka maging kapareho na niya si Lena.

"Akin na nga. Last na promise. Hindi pa naman ako lasing."

Graduating na rin kami ngayon at proud naman ang nanay ko dahil hindi naman ako nagloloko kahit na minsan ay lumalabas kami para pumunta sa kung saan-saan lang.

Sumama na muna ako sa ibang mga nandito at nakipagkwentuhan. Grupo-grupo na ang naganap hanggang sa nagsiuwian na ang iba.

"Hoy Aldrin! Yung girlfriend mo lasing na."

"Wala naman akong girlfriend."

"Ay hindi na ba kayo ni Lady? Sige pakisabi kay Aireen happy birthday nalang ulit."

"Ge."

Pinuntahan ko si Lady dahil tumba na siya. Mahimbing na siyang natutulog ngayon sa sofa.

"Dito nalang kaya siya matulog?"

"Magagalit naman ang mga magulang niya." Paliwanag ka.

"Kaya mo ba siyang ihatid sakanila?"

"Oo."

Kinarga ko nalang siya sa likuran ko at saka nagtaxi nalang papunta sakanila. Naalala ko tuloy si Lena dahil sa pagkarga ko kay Lady kanina. Kinarga ko rin noon si Lena noong lasing na lasing na siya.

Kelan ko ba siya tuluyang makakalimutan? Shete talaga.

Bakit ba sobrang mahal ko siya?

Sana ikaw nalang ang buhat-buhat ko. Kung sana nandito ka.

***

Pagkahatid ko kay Lady sakanila ay may napansin ako. Nang mapadaan ako sa kwarto ni Lena ay medyo nakabukas pa ang pinto. Ang dahilan kung bakit napasilip ako sa loob. Dalawang taon din akong hindi nagpunta sa bahay nila. Walang nagbago sa kwarto niya.

Pumasok ako at nilibot ko ang kwarto niya. Hindi pala ito nanatili sa dati. May nagbago. Katulad nalang ng mga nagkalat na papel sa study table. Tinignan ko kung ano ang mga iyon. Kung anong nakasulat doon.

I was born to hide

And to love you so tight.

That even if they changed my heart

You're still my life.

I love you

And that will remain.

I'm now again a replacement!

Not for "her"

But for another girl.

She died

But it was thanks to her

That I survived

And now living in a world of lies

I love you

And I wish to be with you again.

I love you

And I want to hug you like I used to.

But I can't..

Because for you guys,

I'm gone...

I love you Aldrin and this picture of you isn't enough.

-Lena Labanza

Pagkatapos kong basahin ito ay sakto naman ang pagbukas ng pinto. Bakla na kung bakla pero putek! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang gulat niyang mukha. I knew it. Siya nga. Siya nga ang taong nasa harapan ko ngayon. Buhay siya.

"Lena."

Hindi ko maipaliwanag ang hitsura niya ngayon. Pero isa lang ang masasabi ko. Nangingilid na ang mga luha niya. Parang namumutla siya.

"Lena? Hindi ako pwedeng magkamali, ikaw si Lena." Pagkasabi ko niyon ay bigla nalang siyang lumabas at tumakbo. Nakita kong umiiyak siya samantalanag ako ay hindi makapaniwala. Totoo siya. Si Lena nga.

Nagsimula akong maglakad at sinundan ang direksyong tinahak niya. Naririnig ko pa rin ang mga yabag ng pagtakbo niya. Hindi ko na rin namamalayan ang sarili ko na tumatakbo na.

Fck! I missed her so much. Gusto ko lang siyang yakapin.

Sinundan ko siya hanggang sa lumabas siya ng bahay nila. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Si Lena nga. Ang dami kong gustong itanong. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko na siya nakita pa sa dilim.

"LENA!" Sinubukan ko siyang tawagin pero hindi siya sumagot.

Naghahallucinate lang ba ako o nakita ko talaga si Lena?

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon