14 "Mission Accomplished"

47K 825 64
                                          

14

"Mission Accomplished"

SCHOOL

Parang hindi din naman ako nakatulog. Kaya maaga palang eh gising na ako. Kakababa ko lang ng jeep at naglalakad papuntang school.

Feeling ko mukha akong walking zombie sa laki ng eyebags ko. Sino ba namang hindi makakatulog. Pakiramdam ko bibitayin ako today.

OooooppS!!

Naku nakalimutan kong icheck yung letter. Hinanap ko sa bag ko yung letter. Mabuti andun pa din sya. Kinuha ko yung letter at inamoy ko. Mmmmmmm ang bango. Sana magustuhan 'to ni Cliff. Kinabahan na naman ako. Naku Torrence umayos ka. Wag kang papalpak this time.

Biglang nagring yung phone ko. Si Katy natawag.

"Hello bes, bakit?"

"Nasan ka na ba? Dumating na si Cliff dito." Nangangarag nyang sabi. Medyo maingay yung background so I assumed na nandun na nga sila.

"What?" Tingin ako sa relo ko. "9:00 pa lang ah."

"10am ang start bes. Malamang andito na sila before 10:00. Nasan ka na ba?"

"Nandito na ko sa gate. Papunta na ko dyan."

"Okay. Bilisan mo."

"Okay. Okay."

Tumakbo na ako papuntang court. Mahigpit kong hawak yung letter baka kasi malaglag. Ang daming tao sa court. Practice game lang 'to pero ang daming manonood. Malamang dahil yun kay Cliff.

Hindi ko malapitan si Katy sa other side ng court. Kausap nya kasi yung mga classmates nya. Intayin ko na lang na mapatingin sya sa pwesto ko.

Please please. Tumingin ka dito.

ESP! ESP! Tumingin ka dito. Makapangyarihan ang mind ko. Tumingin ka na Katyyyyyy! Sigaw ko sa utak ko.

Ayun!

Sa wakas napatingin din sya. Naramdaman nya ata ang matalim kong tingin. Tinuturo nya yung way papuntang locker room. Senyasan lang kami syempre bawal may makarinig. Pasimple kaming dumiretso sa may locker room.

"Ang tagal mo bes. Kinakabahan na ko." Bulong ko.

"Eh tumakas lang ako sa mga kagroup ko. Sabi ko magccr lang ako." Habang natingin sya paligid namin.

"Ganun ba? Alam mo na ba kung nasan yung locker ni Cliff?" Bulong ko ulit sa kanya habang nanginginig yung boses ko.

Tumingin muna ulit si Katy sa paligid then may kinuha syang maliit na papel galing sa bulsa nya.

"Ayan, nakasulat dyan yung locker number ni Cliff. Sabi nung janitor hindi naman daw nagsasara ng locker si Cliff kaya ang swerte mo."

"Huh? Buti hindi sya nananakawan?" Sagot ko sa kanya tsaka ko kinuha yung papel na iniabot nya.

"Wag mo nang problemahin yun. May sarili kang problema." Nagmamadaling sabi ni Katy.

"Eh teka, mahirap yan. Paano kung may mawala dun tapos makita nya 'tong letter ko. Baka ako pa ang pagbintangan nun." Hala naging complicated na tuloy ang lahat. Paano na 'to.

"Ay grabe ang dami mong problema eh. Sa Security Center nag-iiwan si Cliff ng mga importanteng gamit."

Kuminang bigla ang mga mata ko.

"Wow bes, galing mo talaga mangalap ng information." Nakahinga ako ng maluwag.

"Hoy 2,000 ang binayad ko dun sa janitor para malaman lang yang info na yan." Pagrereklamo nya.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon