"Ion, pagkauwi mo, text moko agad ah....good night"
"Good night" walang emosyong sagot nito.
Sinara ko sng pinto at nag drive na ito paalis.
Umakyat naman ako sa condo ko.
Nasa hallway palang ako ay tanaw ko na na may tao sa harap ng pinto ng condo ko, lumapit pa ako ng konti upang makita ko kung Sino ito.
"Shaks, anong ginagawa mo dito abueva??" tanong ko sa isip ko.
Ion's POV
Kakauwi ko lang sa bahay namin, agad akong sinalubong ni Jackie.
"San ka nanggaling?" tanong nya sabay inabot ng bag ko.
Di ako sumagot at ibinagsak ang katawan ko sa sofa.
Lumabas naman ng mga kwarto nila sila, Vhong, Jhong at Stephen.
"Anong meron?" tanong ni Stephen.
Malakas kasi ang kalabog ng pagbagsak ko.
"Pagod si Babsie" sagot naman ni Jackie.
Ipinikit ko ang mata ko at nakatulog.
"Gab-gab?!" sigaw ng isang pamilyar na boses.
"Sino ka?!" sigaw ko pabalik.
"Gab-gab?, Nasan ka bespren?, Bumalik na yayo sa bahay natin, natatakot na ko dito sa gubat" sigaw nito.
Iminulat ko ang mata ko at nagising ako na nasa isa akong gubat, hindi lang ito basta gubat, pamilyar ako sa gubat na ito pero nakakatakot parin kasi madilim at malawak ito.
"Gab-gab!" iyak ng isang pamilyar na boses.
Sinundan ko ang boses at nakita ko ang isang batang lalaki na umiiyak sa tabi ng mababang bangin.
Sinilip ko kung ano ang iniiyakan nito, may nakita akong isa pang batang lalaki.....Teka hindi lang ito basta batang lalaki, ito ay ang batang bersyon ko.
"Gab-gab!, Tu-tulungan kita, hintayin mo lang ako" umiiyak na sigaw ng bata sa tabi ng bangin at dahan-dahan itong bumaba sa gilid ng bangin.
"Gab-gab, sandali nalang to, malapit na ako" dugtong pa nito
Maayos naman ang pagkababa ng bata ngunit nadulas ito at nahulog rin katabi ng batang bersyon ko.
Sinubukan ko ring bumaba para tulungan sila ngunit nahulog din ako at bigla akong nagising.
"Hindi!!!" sigaw ko.
Nataranta namang lumapit saakin si Jackie, stephen, Vhong at Jhong.
"Anong nangyayari sayo kuys?" nagaalalang tanong ni Jhong.
"Kuys napanaginipan mo nanaman ba si Victor?" si Stephen
Pagkasabi ni Stephen non tsaka ko lang naaalala ang pangalan ng batang lalaki na umiiyak.
Sya yung kaibigan ko, best friend ko when I was still a child.
"Another nightmare.....okay lang naman ako" sagot ko sakanila.
Agad namang kumuha si Jackie ng tubig at pinainom ito saakin.
"Matulog ka na nga sa kwarto mo tsaka mag linis ka muna ng katawan bago matulog para di ka bangungutin" utos nito.
Sinunod naman ako sa sinabi nito at pumasok sa kwarto ko.
I was taking a bath ng may tumawag saakin, hinawi ko ang kurtina at tinignan ang phone ko na nakapatong sa counter.
Nagpunas na ako at kinuha ang phone ko sabay sinagot ito.
"Hello..vice??" bungad ko dito.
"Hello, ion busy ka ba?, Punta ka sa condo ko...no actually sa lobby ka muna or sa canteen" pabulong na sabi nito.
"Bakit?"
"Basta... I just want to see you okay?"
Sasagot pa ako pero binabaan nya na ako.
Nagbihis na ako at kinuha ang Susi sa kotse ko.
Paglabas ko ng kwarto ay nandon si Vhong at Jhong na maglalaro ng baraha.
"San ka pupunta kuys? tanong ni Jhong.
"Kay vice, gusto daw ng kasama" simpleng sagot ko naman.
Tumayo naman bigla ang dalawa sabay sabi ng "sama kami"
"Sige, lika na" sagot ko.
Sinunod naman sila saakin papunta sa sasakyan.
"Anong gagawin natin don?" excited na tanong ni Vhong.
"Di ko alam, baka gusto lang talaga ni vice ng kasama" sagot ko.
"Inom kaya tayo??, Malaki yung condo non tsaka maraming wine yun sa ref" si Jhong.
"Tsk, tsk, tsk, sira ulo" tanging sagot ko.
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa loob ng building ni vice.
"San ka pupunta?, Dito ang elevator tawag" sakin ni Vhong at Jhong.
"Hintayin nalang natin sya dito" Sabi ko.
Palakad palang ako ay hinila nila ang magkabila kong braso papunta sa elevator.
"Aakyat na tayo sa condo nya" pilit ng dalawa.
Wala na akong magawa...nakasakay na kami eh.
Chapter 24
Start from the beginning
