Chapter 72: I Would Do Anything For You

74.8K 1.8K 569

Chapter 72: I Would Do Anything For You


Break muna sa serious stuff! Salamat sa bestfriends ko na tinulungan akong isulat 'tong chapter na 'to. Masyado na raw seryoso ang kwento kaya light lang 'tong chapter na 'to 

Inspired by Foster The People's song. Enjoy 

**

Ayon sa schedule ng Seniors, ang kasunod nilang activity after ng Students Week ay ang Finals nila. Nabawasan na ang exams nila: finals nila ang Prom for MAPEH at Investigatory Project for Physics.

Saturday, March 9. Dapat pahinga ang student teachers para makapagreview for their finals sa Tuesday. Kaso.. iba ata ang trip ng ilang Seniors.

**


"BARANG!!! BARANG!!" *blag blag* "BARANG!! GUMISING KA DYAN!"

"Putek ayoko!!!" binato pa ni Barbs ang libro nya sa Econ sa pinto para tumigil na si Cielo.

"Late na!! Bumangon ka nga dyan!!!"

Sinilip ni Barbs ang oras sa phone nya. Heck, it's just 8:30am! Di pa kaya late! "NATUTULOG PA AKO OKAY?! Panira ka!!"


She briefly relieved what happened yesterday after her outburst : may ilan na lumapit sa kanya at sinabing di naman sila galit sa kanya etc. And to her surprise, may ilan na nagpa-autograph and picture pa sa kanya. Feeling celebrity pa ang babae.

Babalik na sana talaga sya sa pagtulog nang..


*ring ring ring*


Sinilip nya.


Si Cyrus.


Agad nyang kinancel ang tawag. Kahapon pa 'tong epal na 'to eh. Pasimple kasi syang tinatawanan ng tukong 'to nung nakatambay sila sa Pop's habang pumpirma sya ng autograph. Baka mang-iinis lang sya.


*ring ring ring*


Irritated, sinagot na nya ang tawag. "P*tangina lang Casabueno kung hihingi ka ng fansign please lang gago ka ba. Natutulo--"

"Fansign? Bakit naman ako hihingi ng fansign, ha?"

Medyo nagising si Barbs sa boses na yun. Di nya talaga mapigilang mainis. "Kahapon ka pa kasi!! Akala mo nakakatawa!"

"Eh nakakatawa naman talaga! Anong gusto mong gawin ko, iyakan yung nakakatawa?"

=.=' "Bwiset. Panira ng umaga!" she was about to hang up nang may marinig syang..


"O Cyrus upo ka muna!"


Nanlaki ang mga mata ni Barbs. Si Cielo yun ah!!! Agad syang bumangon at..


(O___O)


"ANONG GINAGAWA MO DITO!?!"


Muntik nang mabitawan ni Cielo ang basong iaabot nya sana kay Cyrus. "Barbara! Wag ka ngang sumigaw, ginising mo mga kapitbahay eh!"

Tinuon ni Barbs ang tingin nya kay Cyrus. Mas lalo syang nainis nang mapansin nito na kakagaling lang ng lalaki sa pagjojogging. Naka-tshirt at jersey shorts ito ng Ravens. "BAKIT KA NGA NANDITO?!"

"Makikiinom lang ng tubig si Cyrus, Barbs! Gra--"

"KELAN KA PA NAGING SI CASABUENO, CIELO!? Sya kinakausap ko!"

Pinipigilan na lang ni Cyrus na humagalpak sa kakatawa. "T-tama naman sabi ni Ate Cielo ah, makikiinom lang ako ng tubig. I ran out earlier."

"ANONG AKALA MO SAMIN, CRYSTAL CLEAR WATER REFILLING STATION!? OKAY KA LANG!?"

Nagkatinginan na lang sina Cyrus at Cielo at sabay pang tumawa ang dalawa. "PUTEK BAKIT NYO BA AKO TINATAWANAN!? AT BAKIT DITO KA SAMIN NAGJOJOGGING!? WALA NA KAYONG STREET!?"

"May village ordinance ba na bawal magjog ha?"

Barado dun si Barbs, na kinatuwa naman ng ate nya. Minsan lang kasi nya makitang mabara ang matapang nyang kapatid. "Ewan ko sayo pakshet ka! Bahala ka na sa buhay mo!!" Babalik na sana sya sa loob ng kwarto nang pigilan sya ni Cielo.

"Hoy Barang, binibisita ka nito! Be welcoming naman!"

"HINDI AKO WELCOMING TUMAHIMIK KA DYAN PWEDE!?"

"Nako Ate okay lang po," painosenteng sabi ni Cyrus. "Pasensya na po sa abala. Napadaan lang talaga ako Barbs. Bakit naman kita dadalawin diba?"

Sumama lalo ang tingin nito sa lalaki. "Whatever, Tikoy!! Umuwi ka na nga sa bahay nyong dilaw!!"

"Wait a minute, you own the Yellow House?" amused na tanong ni Cielo. Cyrus nodded. "Wow! Barbs di ba fascinated ka--"

She instantly dismissed the topic. "Dati yun, di na ngayon. Matutulog na lang ako!! Leche."

"Sige una na ho ako, salamat sa tubig!" pagpapaalam ni Cyrus. Kaso..

"Wait! Mainit na ah. Masama yan sa skin, diba?" pang-eepal ni Cielo.


Napansin ni Barbs ang scheme ng ate nya at agad nya itong binara. "Ate.. pwede bang umalis ka na dyan? Di ba may pasok ka pa?"

The sisters exchanged deadly looks bago bumigay si Cielo. "Fine, you win. Sige Cy, ingat ka! Pag naubusan ka ng tubig don't hesitate to come over here!" Cyrus gave her a small wave before going outside the house.

Right after he left, isang malaking unan ang sumalubong sa mukha ni Cielo. "What the fck Barbara!?! Ano ba masakit yun!"

"Hoy ate ang landi mo lang ah!!! 5 years tanda mo dun nilalandi mo!! Pedophile!!!"

"Bakit ganyan ka makareact!? Crush mo ano?" natigilan si Barbs. "Uuyy crush mo nga noh! Bakit, sya ba yung nagpadala ng gown nung prom? Sabi na nga ba eh!"

"Leche ka!! Hello bakit naman ako papadalhan ng gown nun diba!? Baliw ka ba?" sigaw nya habang umaakyat ng hagdan. "Itulog mo na lang yan Ate!! Goodnight!!"

*

Pero ayaw paawat ni Cielo. The next day, around 6:30am, hinila nya si Barbs mula sa napakahimbing nitong tulog para magjogging. After ilang mala-Survivor Series na main event, napilit din si Barbs na tumakbo palibot ng village nila.


"Kadiri ka Cielo, alam mo yun?" disgusted na sabi ni Barbs. "You're running after this.. kid! Kadiri!"

Tuloy lang sa pagjogging si Cielo. "Whatever, Barbs. Di ba nagjojogging naman tayo dati? Nung nagbabasketball ka pa? I kinda miss those days! Palagi ka na lang nasa school.. I missed you."

Nagtroll face si Barbs pero deep inside namimiss din nya ang mga ate nya. Mahirap kayang tumira sa bahay na minsan lang kayo nagkakasama! Nirerelive ni Barbs ang sisterly moments nila nang..


"Sige Barbs uwi nako! Enjoy the run!!"

"HAAAA!?! WHAT THE HECK CIELO IIWA--" naputol ang pagwawala nya nang may mabangga sya.. and meron syang clue kung sino yun.


"Bakit ka nagjojogging?"

Bago pa kung anong gawin sa kanya, agad syang dumistansya dito. "Si Cielo sinamahan ko lang. Nainspire ata maging si Lydia de Vega dahil sa'yo kahapon."


Natatawa na ewan si Cyrus sa pinaggagawa ni Barbs. "Pauwi na ate mo ah. Ba't andito ka pa?"

"BAKIT MASAMA NA BANG TUMAKBO? Pamparami 'to ng neurons!!"

"Talaga? San mo naman nakuha yun?"

Di naman tanga si Barbs, nahalata nyang pinapahaba ni Cyrus ang usapan nilang dalawa. "Whatever. Bahala ka na dyan." At nagsimula na sya sa pagtakbo.

Ever persistent, sinundan pa rin sya ni Cyrus. "Not a fan of small talk?"

"Obvious naman diba? The heck's the problem with you?"

"Nagreview ka na sa exams?"

"Math lang. Tapos yung Econ buk-- quit talking to me!" binilisan pa nya ang pagtakbo.

Of course Cyrus did the same. "Nagtatanong lang. Di kaya boring pag may kausap ka habang nagjojogging."

"Ang sarap pumatay ng tao pag maingay, alam mo yun?" binilisan pa nya.


Ganun lang ang trip ng dalawa, as if nasa Olympics si Barbs na nagmamadali papunta sa finish line. This exaggeration made Cyrus laugh so hard that he lost his balance. Napaupo na lang sya sa sidewalk malapit sa basketball court.

"You suck, Casabueno! Wala.. wa..wala ka pala eh!" hingal na hingal si Barbs after that run.

Walang tigil sa kakatawa ang lalaki. When it subsided, nagsalita na sya. "Ba't ba ang exaggerated mo gumalaw?"

"Wala kang pake, okay? No go on with your life."

"You're so funny."

She glared at him. "Itakbo mo na lang yan! At ako uuwi na lang ako, at least may papasok na sa utak ko." Tumakbo na sya ulit sa direksyon papunta sa bahay nila. Medyo nakakalayo na sya nang tawagin pa sya ni Cyrus.

"Barbs!"

"What now?"

"Tatakbo ka ba next week?"

Tumigil sya sa pagtakbo. "Why would I?"

"Uhh.. exercise? We could invite the others kung naiilang ka."

She ignored the 'naiilang' part. "Bahala na. Ask them."

"Pag tinanong ko ba sila sasama ka?" a smile formed on his face.

Hindi na lang sumagot si Barbs. Rather, her middle finger did it for her.

**

Walang pasok ang Seniors ng Monday kaya nagdecide na magpacheckup si Rocky kasama si Wes. Sabi ng doctor the week before the graduation matatanggal ang cast nito, followed by a series of rehab.


"Doc bawal po bang bilisan yung pagtanggal nito? Pwede po ba next week?" tanong ni Wes bago sila umalis. Rocky lightly nudged him, kakasabi lang ng doctor na in 2 weeks time pa nga.

"I'm afraid we can't, sir. From the looks of it may swelling pa rin sa ankle nya kaya di pa natin pwedeng tanggalin."

"Naku doc sorry po, talagang epal lang po talaga 'to," Rocky sheepishly said, covering Wes' mouth before he could even comment back.

Aliw na aliw naman ang doctor sa kanilang dalawa. Since nung ginamot nya si Rocky last month, he developed this certain fondness to the couple. "Personal question, okay lang? How long have you been together?"

"One month po," sabay nilang sagot.

"Nice. Goodluck sa college! Same campus?"

Umiling si Rocky. "I passed Los Baños, he got in Diliman."

Tumango na lang ang doctor. "Oh. Goodluck sa college! Don't worry, you look good together."


Todo ngisi naman si Wes nang sumakay sila ni Rocky sa elevator. "Narinig mo yun? We look good together daw."

"Yep, heard that loud and clear.. and why are you grinning?"

"Nothing.. marami nang nakakapansin na bagay tayong dalawa."

Kinikilig naman si Rocky dahil dun. "Shut up, beh. Nga pala.. about the time capsule thing.."

"Hey, excuse me lang pero my time capsule video is not derogatory or something. In fact, declaration of love yun."

Bumukas ang elevator at lumakad sila patungo sa parking lot. "I know.. I was just wondering if.. we could.. last that long."

Wes immediately stopped walking. "What are you talking about? Are you breaking up with me?"

"NO!! Ano ka ba I'm not!!" natakot bigla si Rocky sa sinabi ni Wes. "No one's talking about breaking up or something. Wag ka nga!!!"

Nakahinga nang maluwag si Wes dun. "Akala ko.. yung sinabi kasi ng doctor kanina na.."

"He's an @ss anyway. Ayoko sa lahat nung tono nya. Parang walang tiwala satin! Pakain ko sa kanya 'tong plaster!!"

He pulled her closer to him and planted a soft kiss on her temple. "Chill lang. No need to be a psychopath agad."

"Naiinis lang ako.. bakit walang tiwala yung mga matatanda sa high school relationships? I mean.. a lot of people made it till the end, right?"

"Yeah.. do you want us to make it till the end?" he eagerly asked.

"Ayan ka na naman sa madadrama mo spiels eh!! Of course I want to! Ano ka ba!" she said this so fast that Wes ended up bewildered. "O bakit?"

"Ulitin mo nga? Di ko naintindihan promise."

"Sabi ko.. I want us to be together till the end. Just like what you've said on your video.. sabay natin papanoorin yung time capsule video."

"Well.. napanood na natin yan last week.. pano yun?"

She smiled at him widely. "Ano ka ba, edi dapat tayo pa rin pag nag-HS reunion! Nakakainis naman 'to!"

"Talaga? Walang break break?"

"Kanina ka pa sa break break Rodriguez ah, babalian kita ng buto."

"Pano mo gagawin yun eh ikaw nga 'tong may baling buto?"

(=___=) "Isa pa, nakakainis ka na!"

"Teka, bakit tayo lang?" inosenteng tanong ni Wes.

"Ha?"

"Sabi mo dapat sa reunion tayo pa rin. I calculated it.. hmm.. around 27 or 28 na tayo by then.. bakit 'tayo' lang?"

"Hoy can you please get to the point? My leg hurts, I can't focus on your jibber-jabber."

Nginitian lang sya ni Wes.. at..

"Ang akin lang.. sana by then.. Mrs. Rodriguez ka na talaga."


Todo blush naman si Rocky dun. "Come to think of it.. kung papakasalan kita di rin pala magbabago apelyido ko. It's a good thing though, I like my last name."

"Uuyy iniimagine na nya kasal namin!" pang-aasar ni Wes.

"Shut up and drive me home!" pero natatawa sya nyan ah.


**

TUESDAY


Simula na ng finals ng Seniors. At himalang di nagkacram si Barbs.


"Naks, ayaw mo talaga magbuklat ng notes tomby? Ni isang notebook?" paninigurado ni Janine na medyo kinikilabutan sa setup ni Barbs.

"Yeah I'm good. Sakto na yung review ko kahapon."

The bell rang, signal na ilang minuto na lang at magsisimula na ang exams. Inutusan sila ni Ms. Medina na ilagay sa may blackboard ang lahat ng gamit nila. Nasa ganung pwesto sila nang dumating si Cyrus, at tumabi ito kay Vivien.

Guys.. pwede ba kayo sa Saturday?" tanong nito sa barkada. Kunwari walang narinig si Barbs at nagpatuloy lang ito sa pag-aayos ng gamit.

"Saturday? Anong meron?"

"Ano.. jogging lang, if you like."

"Eto naman si Cyrus, nang-iinis pa ata!" pabirong sabi ni Rocky sabay turo sa cast nito.

Cyrus apologetically waved at her. "Ay sorry! Pero you can join us, breakfast sa Pop's."

"Sounds good to me! Tara Chestie sama tayo, ha? Please please? I missed jogging!" - Janine.

Sumang-ayon naman ang iba.. at napatingin sila kay Barbs. "O bakit?"

"Jogging daw sa Sabado, free ka?" tanong ni Chester.

Umiwas sya ng tingin kay Tuko. "Okay lang. No big deal." Todo ngiti naman si Cyrus dahil dun.

"And that's settled! Salamat guys, masarap kasing magjogging na may kasama.. at kausap," and his gaze ended to Barbs, which was answered by her death glare.

Nakakainis talaga!!

**

Sa Pop's dumiretso sina Vivien, Janine at Chester sa Pop's para magreview.


"Grabe naman 'to! Last stretch ng pahirap sa Econ!" nth time na reklamo ni Janine sa kanila habang kumakain ng onion rings. "Di ko naman 'to magagamit sa future!"

"Okay lang yan, Ja. At least you know the basics!" pangchcheer up ni Vivien.

Sinarado ni Chester ang Econ book ni Janine. "Wag na muna yan ang reviewhin mo, Jan. Dun ka muna sa TLE para mas madali lang. We'll review it later."


Di mapigilan ni Vivien na mapatitig kina Janine at Chester. Isip-isip nya, parang dati lang ang immature pa nitong dalawa tapos ngayon.. they've matured already. Bet nyang magtatagal 'tong dalawang 'to.


"VIVIEN WHY ARE YOU STARING AT US!?"


"H-ha? No need to shout!" agad na bumalik si Vivien sa pagbabasa. "Wala lang. Natutuwa lang ako sa inyo, that's all. You look cute together."

Todo ngiti naman si Janine habang si Chester pa ang nagblush. "Wag ka nga! Magreview ka nga dyan!"

"How I wish may ganyan din ako, in the future I mean."

Nagulat ang dalawa sa sinabi ni Vivien. "Seriously, you want a boyfriend?!"

"No no!! Boyfriend agad?" nagblush si Vivien. "Okay na sakin ang happy crush. Yun na yun! Nothing more!"

If I FallRead this story for FREE!