Maaga akong nagising pagkatapos kong umiyak at nagkandaloka loka sa nangyari kagabi. Hindi ko parin kasi lubusang matanggap na may mahal ng iba si Alex. namumugto pa rin ang mga mata ko.

bumangon naman ako sa pagkakahiga pagkatapos ay nag ayos ng sarili. Typical Sophia for today,Bumaba ako mula sa kwarto na ang suot lang ay isang malaking tshirt,manipis ito at nakikita rin ang suot kong underwear at bra. Comfortable kasing pantulog.

"yaya mommy..anong ulam?" tanong ko sa kasambahay namin, pero nagulat ako nung makita kong nakatayo sa harapan ko si alex. Kinusog kusot ko pa ang mata ko para masigurado kong di ako namamalikmata.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko bago tuluyang humakbang pababa at patungo sakanya pero kagaya ng mga cliche movies ay ngayon pa ako natanga at tuluyang naout balance kaya ang resulta?

🎶Heto ako, basang basa sa- 🎶

Okay, sinalo ako ni Alex. Biglang nanlumo ang tuhod ko. I miss his touch.

Dug. Dug. Dug.

Bigla na namang tumibok ng pagkabilis-bilis ang puso ko. First time to. Body Contact with him. Ang harot!

"Next time be careful and by the way I came here to give these."sabi ni alex.."nakalimutan ko kasi kagabi.."

Tatlong malalaking paper bags. bawat isa ay may pangalan sa labas ngunit napansin kong walang akin. Ano yun? wala akong pasalubong ganon?

"ganun ba.." suminghap ako pagkatapos ay tumungo na sa kusina.."ilapag mo nalang diyan.." Kumain ka na ba Alex? gusto mo bang sumabay? Aish! gustong gusto kitang yayain pero nakakasama ng loob na wala kanb ibibigay sa akin.

"sige..by the way.." sumeryoso ang tingin sa akin ni Alex. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay lumapit sa akin.

"what?"

"ganyan ba talaga ang mga sinusuot mo ngayong pantulog?" napatingin kaagad si ako sa suot-suot kong damit. Ha! Serves you right pero di ko parin maiwasang mamula.Gusto ko mang mataranga pero wala na e, kita niya na. Kung bakit kasi nawala  sa isipan kong nakapantulog pa ito at ang malala pa nasa harapan pa ako ni Alex. Damn those freaking stare Alex parang gusto ko nalang takpan yung mukha ko at lumubog nalang sa kahihiyan kaso wala na talaga akobg magagawa.

"e ano naman ngayon?" tanong ko.

Nagulat ako nung bigla niya nalang hinubad yung coat niya at ibinalot sa akin.

"borrow it for a while, balik mo nalang sa sunod." pagkatapos ay naglakad na siyang palabas ng bahay. sinundan ko naman siya hanggang sa gate.

"alex.."tawag ko.

"Why?" mas lumapit pa ako kay Alex suot suot yung coat niya para sana yayain siyang lumabas ngunit Natigilan ako nung may narinig akong boses ng babae. Hindi pamilyar na babae!

"honey, what are you waiting for, malelate na tayo sa appointment natin.." kinilatis ko ang babaeng naglalakad papalapit sa amin..isang babaeng malaki ang hinaharap ang ipinagpalit sa akin ni Alex?

"honey!"ipinulupot ng babae ang kamay niya sa braso ni Alex. Gusto ko sana itong tanggalin ni at putulin pero hindi pwede!wala ako sapwesto para patayin ang babaeng ito.sino ba naman ako para maging possesive kay Alex. "So you must be Sophia?"

Oo, impokreta! Hindi pa ba halata? Hindi ba nakwento sayo ni Alex na nakapag asawa siya isang Dyosa?

"Yes,kilala mo pala ako?"

SEDUCING MY EX-HUSBAND OPERATION ( to be published )Mga Kuwentong Mamahalin Mo