Compiled Stories 10

Start from the beginning
                                    

Yun lamang po di man po sya sobrang nakakatakot but I couldn't forget that experience. Thank you po.

A/N : although effective talaga ang prayer, alam ko kapag ganyan nagbabaliktad dapat ng damit eh.

Lungsod ng Quezon - 1977

Kwento ito ng tiyahin ko, bunsong kapatid ng aking ina, si Ante Ema.
Walong taon pa lang si Ante Ema nang maranasan nya ito, noong mga panahong nakatira pa sila sa Murphy sa may Cubao.

Kapwa may trabaho ang lolo't lola ko noon, si Lolo Nior ay konduktor ng isang bus at si Lola Rita ay isang mananahi sa isang kilalang tatak ng damit noong dekada sitenta, yamang kapwa may trabaho sila lolo at lola ang nanay ko ang nag-aasikaso sa mga nakababata niyang mga kapatid habang wala ang kanilang mga magulang.

Ang siste ay aasikasuhin ng nanay ko sila Ante Ema at iba pa niyang nakababatang mga kapatid tuwing umaga bago pumasok sa eskwela. Noong una'y hatid sundo ng nanay sila Ante, pero nang naglaon ay hinahatid niya na lamang sa eskwelahan ang mga kapatid, at tinuruan na lamang umuwi ng sila-sila na lang, upang makatipid sa pamasahe.

Noong natuto nang umuwi mag-isa sila Ante Ema ay dito na nagsimula ang kahindik-hindik nilang karanasan.

Simulan na natin.

Dahil nga natuto ng umuwi nang kanya-kanya ang mga nakababatang kapatid ng nanay ay natuto na ding gumala ang mga ito, natuto na ding bumarkada at minsan ay inaabot sila ng alas siyete ng gabi sa pag-uwi, ang dahilan -- nakikipaglaro sa mga kaklase.

Madalas ay nasasaktan sila ni Lolo Nior kapag nauuna itong umuwi ng bahay at dadatnan na wala pa ang mga anak. Pihado lahat sila ay makakatikim ng sinturon, pati ang nanay ko na siyang nagturo sa mga nakababatang kapatid na umuwi ng sarili lang nila.

Nagpatuloy na ganoon ang sistema nila. Minsan ay nagkwento si Ankol Obet kay nanay (isa pang nakababatang kapatid ni nanay) para daw may sumusunod sa kanya papasok sa kanilang compound, mapuno pa kasi ang Cubao noong mga panahong iyon at medyo madilim pa. Palagi daw ganon yon, parang may mga aninong nagkukubli sa likod ng mga puno at sa madidilim na mga sulok sa tuwing siya ay gagabihin ng uwi. May ilang araw na daw niyang napapansin yun.

Isang gabing naghahapunan silang pamilya ay nakarinig si Ankol Obet ng sitsit mula sa bintana nila sa gilid ng bahay na nakatapat sa madilim na parte ng kanilang bakuran.
Nagpatuloy ang pagsitsit mula sa bintana, ngunit tila ba si Ankol lang ang nakakarinig. Muli na namang sumitsit, tinitignan niya ang mga kasamang kumakain, ngunit tila ba wala silang naririnig. Muli na namang sumitsit at halos tumayo na ang balahibo niya nang tila ba may napansin siyang gumagalaw mula sa labas ng bintana nila, ngunit nanatili siyang hindi lumilingon, sabi sa sarili'y "kahit anong mangyari hindi ako lilingon sa kaliwa" tumigil din ang pagsitsit. Ngunit nung pagsapit ng gabi ay inapoy ng lagnat si Ankol Obet, halos kwarenta ang temperatura. Napuyat sila lolo at lola at ang nanay ko sa pagbabantay kay Ankol Obet.

Dalawang araw inapoy ng lagnat si Ankol Obet, dahilan upang hindi siya makapasok ng ilang araw sa paaralan. Habang nagpapagaling ay doon lang nanatili sa kwarto sa ikalawang palapag si Ankol Obet.
Isang hapon, kakauwi lang ni Ante Ema galing eskwelahan ay inutusan siya ng nanay ko na silipin muna si Ankol Obet sa kwarto sa taas, salatin ang noo kung mataas pa ba ang lagnat nito dahil nag-aasikaso ng hapunan ang nanay. Habang binabaybay ni Ante Ema ang hagdanan paakyat patungong kwarto ay may narinig siyang kumakaluskos sa taas, marahil siguro ay magaling na si Ankol Obet turan niya sa sarili..
pagdating sa kwarto ay agad tinulak ang pinto. Ngunit hindi si Ankol Obet ang nakita niyang gumagalaw sa itaas, dahil tulog na tulog pa din sa kutson si Ankol Obet. Napakunot ang noo nya nang may nakita siyang babaeng hindi pamilyar ang hitsura na nasa loob ng kwarto at nakaupo pa sa tabi mismo ni Ankol Obet, habang nakatingin ito sa natutulog kong tyuhin, sabi ni Ante Ema sa sarili "hindi ito normal." Nagsimulang umakyat ang kilabot niya sa buong katawan, nagtataka dahil marahil hindi matanto kung papaanong nakapasok ang babae sa loob ng bahay. Tatawagin na niya sana si nanay sa baba. Akmang aatras na siya nang biglang lumingon ang babae sa kanya. Halos panawan siya ng hininga at atakihin sa puso nang makita ng dalawang mata niya ang paraan ng babae sa paglingon. Ulo lang ang lumingon sa kanya, hindi kasama ang katawan. Kitang-kita niya ang mukha ng babae na may malaalambreng buhok, pulang mga mata at bibig na kasya ang kamao ng tao. Noong nagtama ang tingin nila ay nawalan ng malay-tao ang tiyahin ko sa nerbiyos at nahulog sa hagdanan. Napilayan si Ante Ema at inapoy ng lagnat sa loob ng isang linggo matapos mangyari iyon.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now