Karina

Karina

Paglabas niya ng bathroom ay nakita niyang nakaupo sa gilid ng kama si Ethan at nagpupunas ng basang buhok. He must have took a shower at the other room. Secretly, she smiled to herself. No doubt, he wanted to fulfill his promise to Katrina.

            “Thank you again for coming.” Katrina said to them. “We should do this more often. Pwede naman pala tayong magsama-sama ng walang nag-walk-out at nagkakainisan eh.”

            They were in the parking lot, she and Ethan were about to go home. Some of Jaime’s friends were still inside. But since Mary Ann mentioned that this past few days, Ethan had been going to work late, she opted to leave early.

            Para makapagpahinga na ang asawa niya at mas maaga niya itong magising bukas at ng hindi na ito ma-late pa sa trabaho. Somehow she felt responsible for she’s the one who insisted that they stayed in Greenhills.

            “Sige sabihin n’yo lang. Sa susunod kami naman ni Karina ang manlilibre.” Ethan replied.

            “Oo kapag magka-baby na rin kayo ni Kari.” Her sister smiled at Ethan. “Hopefully soon. Maganda sana na kapag lumabas ang anak namin ni Jaime magkakaroon agad siya ng pinsan para may kalaro at kasabay siya sa paglaki.”

            “Hayaan mo, mag-double time kami. Simulan namin mamayang pag-uwi.” Pagbibiro ni Ethan.

            If that conversation happened before, she would be jealous. Pero alam niyang siya ang mahal ni Ethan, paulit-ulit na sinasabi at ipinaparamdam iyon sa kanya ng kanyang asawa kaya wala ng lugar sa anumang selos at pag-aalinlangan.

            “Ang tagal mo sa loob.” Kunwaring reklamo ni Ethan pag-angat nito ng ulo at makita siya.

            “Kaya ba hindi ka na makapghintay at nag-shower ka na sa kabila.” Sabi niya bago siya lumakad papuntang closet para kumuha ng maisusuot. Nakatapis lang siya ng puting twalya.

            “Sayang ang oras, kailangan nating mag-double time eh.” Ani Ethan.

            She’s right, he was thinking about it.

            “You don’t have to wear anything, huhubarin ko lang din ‘yan.” Sabi ni Ethan para pigilan siya sa tangkang pagbibihis.

            “Anong gusto mo matulog ako ng nakatapis lang ng twalya?” Isinara niya ang pinto ng closet at humarap rito.

            “Sinong nagsabing matutulog na tayo.” Ani Ethan sabay kindat sa kanya. Tumayo ito at inilang hakbang ang pagitan nila. “Sobrang na-pressure ako sa kakambal mo. Nanghihingi na ng pamangkin.”

            His hands automatically pulled her close.

            “Don’t mind her, hindi naman ganoon kadaling makabuo. Sa tingin ko may lahing rabbit lang si Jaime kaya nabuntis agad si Katrina.” Napahagikgik siya ng maalala niya ang itsura nni Jaime ng makita niya itong nakatakip lang ng unan.

            “Ang alam ko, great grand uncle ko si Bugs Bunny.” Pagbibiro ni Ethan bago ito yumuko at magaan na kagatin siya sa balikat. “Ibig sabihin related pala kami ni Jaime?” He added.

            He would alternately bit and kissed her shoulder and neck.

            “Hmmm,” she moaned. “Should I be thankful to this uncle of yours?”

Sweetest Lie (To be published by PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!