Speaking of them, kumusta na kaya ang tatlong kamonteng Arellano na iyon? Hindi na nila ako ginugulo.

Nagpatuloy ulit ako sa pagkain pero ramdam ko na nakatitig na naman siya sa akin. "But not this time..."

Natapos ako sa pagkain na halos walang itinira sa lamesa. Namamanghang mga mata ng waiter ang sumalubong sa amin nang tawagin na sila ni Samonteng lamig para sa bill.

"Do you want more, Shanti?"

Ngumisi ako sa kanya. "I'm full. Nahihiya naman ako, boss."

"That's all." Aniya sa waiter.

"Wait, milk tea kaya? Bakit parang biglang humina ang aircon nila? I want to drink something cold."

"All right. Milk tea."

"S-sir, wala po kami—"

"You heard her."

"Right away, Sir! Milktea!"

May lumapit na rin sa amin na isa pang waiter dahil tinawag siya ni Samonteng lamig para linisin ang lamesa namin. Nakatanaw na ako sa labas habang nakapangalumbaba.

"Ganda talaga rito..."

"Yes."

"Dapat madalas sa mga lugar na ganito, boss. You know... para hindi ka lagi stress sa trabaho mo."

"I'll try..."

"I can always join you."

"I will deduct it next time..."

"It's okay. Kaso walang hawak sa likuran at bewang ng Mexicana."

"Hmm...nevermind."

Ngumisi ako humarap sa kanya. "I am just kidding."

"You're such a simple girl, Shanti."

Hindi ako nagsalita at hinintay ko siyang sabihin pa ang gusto niyang sabihin sa akin. "I mean... you're carefree, bubbly, wala kang arte sa katawan, you eat a lot and you're not even bothered with judgmental eyes, you're silly, you don't care about your appearance, you smile a lot, and you're a tease but too innocent..."

"Very observant, boss... hmm..."

Dumating na ang isang waiter na parang hinihingal na, ibinigay niya sa akin ang milk tea at nagpalapad sa ngiti ko.

"Thank you."

Bukod sa ibininayad ni Samonteng lamig kanina, binigyan niya pa ulit ang waiter na nagbigay sa akin ng milk tea. Tip ba iyon? Ang laki, ah. Baka bangungutin ang instik kong boss kapag nahimasmasan siya mamaya.

Lumabas na kami ng restaurant habang humihigop ako ng milk tea.

"Hindi ka ba nahihilo?"

Umiling ako sa kanya. "Maybe, you're just talkative..."

"What?"

Hindi siya sumagot sa akin. Pero pansin ko na ilang beses na siyang sumulyap sa kamay ko, gusto niyang humawak ko pero pareho iyong abala, ang isa ay nasa milk tea habang ang isa ay may hawak ng sombrero ko.

"I saw something there..." may itinuro siya sa akin na Nipa Hut na nagtitinda ng mga sombrero. Nagtungo kami roon, eksakto na kaunti lamang ang tao roon, kinuha niya sa kamay ko ang aking sombrero at humarap siya sa lalaking nagtitinda.

"We need a chin strap."

"Saglit lang po ito, Sir."

"Good."

Naupo muna kami ni Samonteng lamig habang patuloy ako sa pag-inom ng milk tea. Ramdam ko na paulit-ulit na pagsulyap niya sa akin na parang hinihintay niya na may gawin ako.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon