"The good news is that Mr. Viceral is now stable. Kinakailangan niya lang magpahinga upang manumbalik ang kanyang lakas at pwede na siyang madischarge mamaya," bilin ng doktor kay Anne na hanggang ngayon ay bakas pa rin ang pag-aalala. Napainom nalang siya ng kape dahil na rin sa natamong hangover dulot ng inuman nila kagabi.
Naalimpungatan si Vice nang magsara ang pinto pagkalabas ng doktor. Nagulat naman ang kanyang kaibigan nang makita na dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkahiga at napahawak sa kanyang ulo dahil sa matinding sakit at pagkahilo.
"Thank God, you're awake! You had me really worried! Ano bang nangyari sayo kagabi? Bat mo ko iniwan mag-isa? And why were you at the beach?!" sunod-sunod at nagtatakang tanong ni Anne.
"A-ano bang nangyari? At bakit ang sakit ng ulo ko?" balik na tanong ni Vice at nilibot ang kanyang paningin. Napagtanto niyang nasa ospital sila ngayon.
"Some fishermen found you at the shore. Basang-basa ka at wala kang malay. Paano ka ba napunta sa dalampasigan?" tanong ulit ni Anne, maging siya ay hindi maalala ang mga ginawa at pinagsasabi niya kagabi.
"Ewan ko! Hindi ko alam!" sigaw ni Vice na halatang wala talagang maalala, lalo tuloy sumakit ang kanyang ulo.
"Tangina. Ang sakit talaga ng ulo ko. Bat kasi ang dami ng pina-inom mo sakin kagabi?!" reklamo niya pa at napahiga nalang ulit sa kama.
"Hey, don't point fingers at me. Nag-enjoy ka rin naman kagabi, no! At hindi ko kasalanan na muntik ka ng malunod. Dahil sa katangahan mo yon," sumbat ni Anne. Sanay na rin naman kasi silang magkaibigan na magsalita ng ganun sa tuwing nagtatalo.
Napairap lang naman si Vice at napahilot sa kanyang sentido. "A-alam ba ni lolo?" nag-aalangan niyang tanong dahil dagdag problema at alala na naman itong nangyari sa kanya.
"No, I didn't tell him about what happened. Sinabi ko na rin kina Billy na wag ng ipaalam sa lolo mo." Napatango naman si Vice, at least may bagay kung saan nagkakaintindihan sila ng kaibigan.
"Ano ba talagang nangyari sayo, waks? Wala ka ba talagang maalala?" Napailing lang si Vice ng tatlong beses dahil maging siya ay sobrang naguguluhan na rin sa kung anong nangyari sa kanya kagabi.
Hapon na nang payagan si Vice na makalabas sa ospital upang bumalik sila ni Anne sa Maynila. Dala ni Vice ang sarili niyang sasakyan pero hindi naman pumayag ang huli na magmaneho ito.
"Wag ka ng mapilit, wakla. Iwan mo nalang dito tong sasakyan mo tapos pakuha mo nalang bukas. Sa akin ka sasakay, baka kung ano pang mangyari sayo sa daan," ma-awtoridad na giit ni Anne.
"Kabayo? Sasakay sa babaeng malaki ang bunganga? Hindi ko keri, teh. Parang ang sagwa," pang-aasar pa ni Vice at binigyan naman siya ng matalim na tingin ng kaibigan.
Akmang hahapasin siya ni Anne nang matigilan silang pareho sa bukana ng ospital. Nagulat sila nang may babaeng nakatayo roon habang hawak sa mga balikat ang isang batang lalaking mukhang pamilyar kay Vice.
Napatingin naman ang babae sa bata at tumango ito na para bang may kinokompirma. Napaatras naman si Anne at binulungan ang kaibgan. "Bakit ganyan makatingin sayo tong dalawa? Kilala mo ba sila?"
Napailing naman si Vice at bahagya ring naguluhan. Buti nalang ay nagsalita na rin ang babae kahit pa medyo nahihiya ito.
"M-magandang hapon po sa inyo. Ako po pala si Amy at ito naman ang anak kong si Khalil. G-Gusto lang sana naming ibigay ito sa inyo bilang pasasalamat," sabi nito at inilahad ang isang sako ng saging at iba pang prutas.
"Pasensiya na po kung yan lang ang kaya naming maibigay kapalit sa ginawa niyo para sa anak ko," patuloy nito habang nakatingin kay Vice. Napansin din naman ito ng ibang taong nandoon dahilan para bigla silang makiusyuso.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Puso
FanfictionNoong unang panahon, ang apat na makapangyarihang nilalang na tinatawag na mga sang'gre ang siyang naghari sa buong sanlibutan. Sila ang apat na magkapatid na tagapangalaga ng mga brilyanteng nagbibigay buhay at balanse sa kalikasan. Ang brilyante n...