23

7K 134 37
                                                  

Unedited

"Nanay.." Mahinang bulong ni Vanna habang nakatingin sa ilang mga kl-klase na inihahatid ng mommy at daddy nila.

Ang mga mata niya ay tila nangungusap at puno ng pangungulila habang kagat-kagat ang pangiba-bang labi.

Kasabay ng pagyuko niya ay ang pagkalas ng munting kamay niya sa kamay ko.

Kasabay noon ay ang dahan-dahang pagsakal ng aking puso , paunti-unti hangang tila kinapos na ako ng hininga.

Sa kabilang bahagi naman ay ang blankong mukha ni Vandreb. Pilit nitong binabaon ang sakit pero dahil bata pa ito para magtago ng emosyon ay bakas parin sa mukha nito ang sakit.

No! My children, their hurting already. Ano bang gagawin ko? Kung pwede lang akuin ang sakit na niraranas nila ngayon aakuin ko. Mga anak, sorry..

Habang tinutonton ang daan patungong munisipyo ay tulala parin ako. Kung paano ako nakaalis sa sitwasyon iyon ay hindi ko alam.

Paulit-ulit na rumirehistro sa utak ko ang pagbalatay ng sakit sa mga mukha nina Vanna at Vandreb.

Ng marating ang harap ng munisipyo ay agad kong ki-nondisyon ang sarili at sinupil ang ilan pang kakarampot na emosyon.

Pagpasok ko ay may iilang kakilalang bumati sa akin. Kasama na roon si Mayi. Kailan lang kami nagkakilala dahil kaka-graduate lang nito last year ng Geodetic Engineer at naka assign ito ngayon sa asseccesor's office pero tila sadyang may mga tao talaga na kelan mo lang nakilala pero ang gaan-gaan na agad ng loob mo.

At yoon si Mayi. Sinamahan pa na makulit at medyo kulog ito ay mas lalong ginusto ko sa kanya.

Naala-ala ko tuloy sina Jana at Aubrey. Kumusta na kaya ang dalawang yon. Hindi pa naman ako nakapagpaalam sa kanila ng maayos.

"Tary, okay kalang? Parang namumutla ka ata. May sakit ka ba?" Si Mayi na sinapo pa ang noo ko.

Umiling ako at binigyan ito ng malaking ngiti.

"No. I'm perfectly fine. Malamig lang sa byahe." Tumungo ito tila kumbensido.

"Akala ko na pano ka. By the way birthday na ng kambal next week. Just call me kong may plano ka ha? Alam mo naman pagdating sa kanila.."

Nasapo ko ang aking noo at tumawa. Sa kakaisip ko kay Vaughn at sa sitwasyon ng kambal nakalimutan kong kaarawan napala nila sa susunod na linggo. My babies are finally turning five.

"Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. Sige tatawagan nalang kita ng matulungan mo ako kung anong theme ang maganda."

"O, siya mauna naako. Pupunta pa ako ng Valencia may susukatin pa akong lupa doon."

Tumungo ako at umakyat na sa ikatatlong palapag. Di tulad ng mga kapitolyo sa ciudad na modernisado na at may mga elevator dito sa Monterico iba.

Tatlong palapag lang ito pero malapad. Pinanatili din dito ang espanyol na interior at exterior na arkitektura.

Kaya nga maraming naliligaw na tourista sa munispyo. Nakakapasok naman ang mga ito pero may restricted area lang kong saan sila pwede.

Apat na taon na akong nagtr-trabaho dito pero araw-araw parin akong namamangha sa mga paintings na nadadaan ko na gawa ng mga ulilang bata at katutubo bago marating ang pwesto ko at umupo.

Naulinagan kong bukas na ang ilaw sa loob ng opisina ni Leandro kaya alam kong naandiyan na siya sa loob.

Di tulad ng sa kompanya na strikto sa oras sa munispyo hindi gaano.

Well kailangan mo rin namang pumasok talaga on time dahil bawas din sa sweldo, pero interms sa mga gawain kailangan mo talagang maaga sa kompanya dahil marami kang gagawin.

Di kagaya dito. Noon sa kompanya maraming beses akong nalilipasan ngayon mabibilang nalang ng daliri sa loob ng apat na taon. Kaya mas minahal ko ang trabaho dito.

Aside sa naalagaan ko pa ang kambal nagkakaroon narin ako ng oras para mas pahalagahan ang aking sarili, mahilin at bigyan ito ng oras.

Ngayon naiintindihan ko na, na ang Personal space ay importante din dahil isa pala ito sa kaugalian na nagko-konekta sa panlabas at panloob na tayo.

Kung wala tayo nito maaapektuhan ang mga tao at sitwasyon sa ating paligid.

Kaya nga marami ang sawi sa panahon ngayon dahil nauna pang mahalin ang iba kaysa sa sarili. Bigay ng bigay hangang wala nang natitira para sa sarili.

Hindi naman masamang magmahal wag lang sobra at lubos. Kagaya ko..

Inayos ko muna ang ilang nagkalat at na misplace na mga file at ang ilang kakailanganin ni Leandro ngayon araw. Inipon ko lahat ng iyon sa aking harapan.

Marahan akong tumayo at plinantsa ang slack sa may pangupo na medyo nakunot.

Napansin ko lang din matapos kong makapanganak lumapad ng bahagya ang aking balakang at mas umubok ang aking dibdib na dati rati di kalakihan.

Motherhood isn't really bad at all, for me it was a great and amazing experience, to those women out there who are scared that there figure might destroy, accept and understand that it's part of being who we are. Beacause it is our essence to bear and consive a child.

Nevermind those strechmarks, fats, or etc. They might be ugly but they are the living proof that we succeeded being a woman and a mother to our children.

Inayos ko din ang aking buhok at inipit iyon sa aking magkabilang tenga bago abutin ang ilang folder.

Ipiniksi ko ang aking balikat ng tila may naramdaman akong tensyon at kaba sa loob ng aking sarili. Isa sa nagpatunay doon ay ang malalim kong pagbuntong hininga ko.

Ano ba Tary! Si Leandro lang yan. Mayor ng Monterico, ninong ng mga anak mo at kaibigan mo na mapaglaro sa babae. Anong kinakaba mo?

Para mawala ang pagalin-langan at pamilyar na agam-agam sa aking dibdib ay walang kurap na binuksan ko ang narrang pintuan pagkatapos na kumatok ng dalawang beses.

Pagkapihit ko nito ay tila halos matulos ako sa aking kinatatayuan. Kasabay ng panlalamig ng aking kalamnan ay ang paninigas ng aking mga paa.

P-Paano?

"Hello, my old dear Secretary." Si Vaughn na naka upo sa lamesa ni Leandro na may mapanguyam na ngisi sa mukha.






--------------------------------------------------------------------------
Chikas ni Author

@Ann_giee thanks for reading❤

And to all my readers. Patience guys, five or more chaps to go and were done.

Kung napansin niyo bakit Mayi, alam niyo na. Kaway2 sa nanunuod ng Prima Donnas.

Btw high way!

Nangutang patalaga ako sa surf sos at niredeem ko ang aking mga points para lang may data at makapagUD. Yan, ganyan ko kayo kamahal❤❤

SecreTary [R-18]Where stories live. Discover now