Chapter 26

819 14 1
                                    

CHAPTER 26

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata. Sa una ay malabo iyon pero ng ipikit ko at idinilat ulit ay unang tumambad sa akin ay isang puting kisame. Naririnig ko rin ang tunog ng machine galing sa gilid ko. Inilibot ko ang aking mata at nakita ko ang isang lalaking may tinatawag sa labas..

"Doc! Doc! Gising na siya!" Sigaw nito. Napakunot naman ako ng noo, unang sumagi sa isip ko kung Anong nangyare pero wala akong naalala at unang tanong Ang unang sumagi sa isip ko..

Nasaan ako?


Sinimulan na akong icheck ng mga doctor base sa pananamit nila. Pagkatapos noon ay tinanggal na nila ang aparato na nakakabit sa akin.

Nang maitanggal na iyo ay tinulungan ako ng lalaki na iupo ako at isinandal niya ako sa headboard ng kama.

"Sino ka?" Unang bungad niya sa akin. Nagtataka naman ako, hindi niya ako kilala?

Natigilan ako sa tanong niya at sa tanong ko sa sarili ko.. Oo nga, Sino ba ako?

"H-hindi ko a-alam.." Sabi ko dito habang paos ang aking lalamunan. Napakunot naman ng noo ang lalaki saka sumimangot.

"Hindi mo alam? Sarili mo hindi mo kilala?" Natigilan siya sa tanong niya at nagtataka akong agad siyang nagtawag ulit ng Doctor.

Sinabi niyang hindi ako nakakaalala kaya sinuri ako ng mga doctor. Tinanong nila ako ng tinanong pero ang tanging naisasagot ko lang ay hindi ko alam..

Pagkatapos akong tanungin ng mga doctor ay kinausap niya ang lalaking kasama ko ngayon pero hindi ko siya kilala, napasulyap siya sa akin at tumango tango sa doctor ng ibaling niya ulit ang tingin niya sa doctor.

Natapos na silang mag-usap at nakita ko siyang nagbuntong hininga habang nagbabalat ng mansanas.

"Anong nangyare? Bakit ako nandito? Bakit ako--Teka, nasaan ba ako? Sino ako?--"

"Alam mo Miss, hindi nga kita kilala masasagot ko pa kaya ang tanong mo." Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Totoo naman ehh.

"Miss, isa isa lang ang tanong dahil mahina ang kalaban. Una, nasaan ka? Nandito ka sa bansang Alferian, dito sa Koloteros Province. Bakit ka nandito? Kasi nakita kita habang humuhuli ako ng tilapia sa sapa para sa panghapunan namin Nang makita kitang palutang lutang sa sapa. Nilapitan kita at ganoon nalang ang gulat ko Nang nakita kong may Tama ka sa bandang tiyan mo.." napatingin naman ako sa tiyan ko at kinapa kapa iyon at naramdaman ko ang bukol na nasisiguro kong iyon ang ginamit para takpan ang sugat ko..

"Anong nangyare?"

"Hindi ko alam."

"Sino ka?"

"Aba'y hindi ko rin alam" sagot niya saakin habang nagbabalat nang mansanas at binigay sa akin. Tinanggap ko naman iyon at nagbuntong hininga.

Kung nakita niya akong palutang lutang sa sapa, Anong nangyare nun? Bakit ako nakalutang sa sapa?

Pilit kong inaalala ang nangyare pero nakaramdam ako nang sakit ng ulo kaya napasapo ako doon.

"O! Bakit?" Tanong nito.

"Masakit ang ulo ko" sagot ko dito. Napakamot naman siya ng ulo

"Ipikit mo muna ang mata mo at kapag naramdaman mong wala na Ang sakit siyaka mo idilat ang mata mo" sinunuod ko naman ang sinabi niya. Nang maidilat ko ang aking mata ay bigla itong nagtanong

"Wag mo munang ipilit na aalalahanin ang lahat. Sabi ng doctor, base daw sa mga sagot kong puro hindi mo alam ay nagkaamnesia ka." Napakunot naman aking noo sa sinabi nito.

"Baka nakalimutan mo rin ang salitang amnesia?" Tanong nito. Umirap ako sa kawalan.

"Anong makakalimutan, hindi! Inaalala ko lang kung bakit nga ba ako sa sapa--"

"Sabi na ngang wag mo munang pilitin!" Ginulo niya ang kanyang buhok dahil sa frustration.

Napabuntong hininga ako. And what now?

"Isang buwan kang nakaratay diyan sa kama. Naka coma ka kasi daw nawalan ka na daw ng dugo. Buti daw may supply pa sila at kapareho ng blood type ang dugo. At tumama ang ulo mo at napasukan daw ng tubig ang baga mo Kaya ayun.." napakagat labi ako sa sinabi niya. So, isang buwan akong nakatulog.

"Ako nga pala si Makilang" pagpapakilala nito sa akin. Tumango ako bilang sagot.


"Kung hindi mo alam ang pangalan mo.. E di ipapangalan ko sayo.... Ahmmm... Aha! Si Prinsesa!" Sumakit ang ulo ko sa naisip niyang pangalan.

"O-oyy! Anong nanngyare sayo? Bakit--"

"Ok lang ako. It's little bit---"


"Nakakapag english ka?" Nagulat ako sa tanong nito. Hindi ba siya marunong mag english?

"Y-yeah" sagot ko dito.

"Kung ganon pala.... Turuan mo naman ako diyan... Prinsesa!" Napangiti ako sa request nito.

"Sige ba!"


~*~*~*


"Ito nga pala sina Bayani, si Alon at si Bagwis. Mga kapatid ko" napatingin ako sa tatlong lalaki na nakaupo. After one week, nakalabas narin kami Sa wakas.

"Hi! Kamusta ka na?" Tanong ni Bagwis saka tumayo para paupuin ako.

"Thanks" Sabi ko nung umupo na ako, "Ahmm, ok lang ako"

"Mga Brad, may amnesia siya at hindi niya alam kung nasaan siya nakatira kaya pansamantala na dito muna siya sa atin.." paliwanag ni Makilang. Nagsitanguan ang tatlo.

"Kung ganun naman pala. E di may babae narin Sa bahay natin?" Nagtataka naman akong napatingin kay Bayani. Anong ibig niyang sabihin?

"Oo, at siya na rin Ang magiging kapatid natin!" Napatingin naman ako kay Makilang na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.

"Ayos lang ba sayo iyon Prinsesa?" Tanong nito. Ngumiti ako at tumango. Bakit ako pumayag? Pakiramdam ko kasi ang babait nila. At gusto ko rin silang maging kapatid!

"Ok" Sabi ko dito kaya napasuntok sila sa hangin.

"O, sige, anong gusto mo prinsesa? May niluto na kami doon. Kasi sinabi na sa akin ni Kuya na magaling ka nasa at makakauwi na rin kaya nagluto kami." Saad ni Alon. Tumango na ajo dahil nakaramdam ako ng gutom.

Nagsitayuan na sila kaya tumayo na rin ako at sinundan sila patungong kusina. Pagkarating namin doon ay nakahanda na ang mga pagkain. Sinampalukang bangus ang ulam nila ngayon at nanunuot iyon ng aroma sa aking ilong. Ang bango!.


Umupo na ako sa tabi ni Makilang, sila ang nangsandok sa akin. Nagsimula na rin silang magkwento sa mga buhay nila, may tawanan, kulitan ang nangyare sa hapag. Ang saya nilang kasama dahil ang kukulit nila para silang bata na 7 years old na naglalaro sa labas.

Kanina pa kami ng tawanan ng tawanan habang kumakain ng may marealize ako..




Parang may kulang...



=====================

To be continue.....

His Runaway Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon