12 "Well-Planned"

51.7K 890 17
                                                  

12

"Well-Planned"

BAHAY

"I'm home!" Sigaw ko pagdating ng bahay tsaka diretso sa kwarto.

Sobrang nakakapagod today dahil umulan kaya dinagsa kami ng tao. Pero maganda na din yung kasi lumaki din ang benta namin.

Napaharap ako sa salamin habang nagbibihis at naalala ko ang sinabi ni Cliff na maganda daw ako. Ngayon lang may nagsabi sa'kin na lalaki na sobrang gwapo ng ganun bukod kay papa syempre.

"Anak kumain ka na!" Sigaw ni papa mula sa baba.

"Busog pa po ako, pa." Makita mo ba naman si Cliff sinong hindi mabubusog. Kanin lang solve na ako basta si Cliff ang nasa harapan ko.

"Ilalagay ko muna sa ref 'tong pagkain mo. Iinit mo na lang kapag kakain kana." Sagot ni papa sa'kin. Hindi nya ako mapilit today, siguro madami syang ginagawa.

"Sige po!" Sigawan lang talaga kami ni papa. Dalawa lang kasi kami dito sa bahay kaya okay lang yun.

Naisip kong itext si Katy para sabihin sa kanya na magtatapat na ako kay Cliff.

To: Bes Katy

Msg: Bes, yung sign. ~_~ nangyari na. Magtatapat na ako kay Cliff. Maybe tomorrow or the day after tomorrow. Basta! Mag-iisip ako ng way.

Message sent!

Bigla namang nagring yung cellphone ko. Nakakagulat lang huh. Si bes pala ang tumatawag.

"Hello." Bati ko.

"Bessssssssss!!!!!!!!! Magtatapat ka na talaga?"

Grabe yung sigaw nya parang nandito lang sya sa tabihan ko. Tinalo pa yung loud speaker. Excited ba sya o nagwoworry dahil mawawalan sya ng 10,000?

"Oo nga. Kailangan nasigaw ka pa din? Kakastress lang huh. Sakit sa tenga." Pagrereklamo ko kaya I put her on speaker na lang para kapag sumigaw sya ulit hindi na ako mabibingi.

"Sorry naman. So kelan ka magtatapat?"

"Ih, hindi ko pa alam. Magiisip pa ko. May masa-suggest ka bang plan?" Humiga ako sa kama pagkatapos magbihis.

"Hmmmmm. Bukas kaya?" Halos napabalikwas ako sa sinabi nya. Gusto naman nito agad-agad.

"What? Eh wala pa nga akong letter eh. Wala pa akong plan. Wala pa akong kahit ano." Ginugulo ko ang buhok ko dahil naguguluhan ako. Bumalik ulit ako sa pagkakahiga habang nakatingin sa ceiling.

"Aysus, madali na yan. Gumawa ka ng letter before ka matulog. Eh di bukas okay na." Sagot nya.

"Duh! Tingin mo ganun lang kadali yun? Asa pa bes. Yung pagsulat ng letter madali. Pero yung pagbibigay ng letter kay Cliff? Naku! Naku talaga! Baka hindi ko pa magawa." Alam ko namang hindi ko talaga yung ibigay sa kanya.

"O sya eh di bahala ka na. Baka hindi na kita matulungan sa mga susunod na araw." Yung boses nya parang pinagmamadali ako. Hindi kaya badly needed na nya yung pera kaya aatras na sya?

"Huh? Hindi kita maintindihan. Anong ibig mong sabihin?" Bothered kong tanong.

"Eh hindi mo naman pala kaya eh. Wag na lang." Parang disappointed ba sya o nangongonsensya o ano na hindi ko maintindihan.

"Wait wait bes. Ano bang naiisip mo?" Umupo ako habang yakap ang unan ko.

"Kasi bukas may practice game sina Cliff eh icocover namin yun para sa first activity ko sa major subject. Meaning before dumating sina Cliff sa court eh nandun na kami." Paliwanag ni Katy.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon