" Okey ka lang ba? "
" Ha? "
" Natulala ka kasi.. " Ah! Napatigil pala ako sa pag-iisip kay Blue.
" Oo, okey lang ako. " sagot ko pero nakatingin pa rin ako kay Blue. Napansin ni Enzo yun.
" Sino ba yan? Ah! Sya yung kasama mo dati nung binubully ka nina Ayu di ba? " tumango ako.
Di ko alam kung bakit sa tuwing sasabihin ko na ang totoo kay Courtney ay may biglang nangyayari para di ko masabi. Nauunsyami. Kahit ilang beses ko ng sinubukan kapag may chance, yun! Bigla na lang may sisingit sa eksena. Nakakainis lang eh. Paliit na ng paliit ang chances na masagip ko pa sya sa sakit na mararanasan nya. Mukhang malakas ang kapit ni Enzo eh. Tulad ngayon, eto na ang last chance para masabi ko na sana kay Courtney ang balak ni Enzo pero ayun na naman, naunsyami ulit. Malas ata ako pagdating kay Courtney.
" Blue, ano ba ang sasabihin mo? " agad nyang tanong nung nakalapit sila ni Enzo sa akin. Paano ko ba sasabihin eh andyan si Enzo?Masasabi ko bang ang kasama nya ngayon ay niloloko lang sya, pinagpupustahan ng barkada nito at sasaktan sa huli dahil di naman talaga sya gusto nito? Paano? Kapag sinabi ko yun, di sya maniniwala dahil ikakaila ni Enzo yun. Tiyak na sya ang papanigan nito.
" Wa-wala. Saka na lang siguro. " alam kong di tamang talikuran ko sya at umakto ako ng ganun pero yun ang ginawa ko. Umalis ako at iniwan silang dalawa dun. Di ko maiwasang mainggit eh dahil lagi silang magkasama. Siguro selos na rin dahil alam kong gusto ni Courtney si Enzo kaya alam kong di talaga siya maniniwala sa akin. Narinig kong tinawag pa nya ako pero di ko nilingon.
Di ko alam na ang pagtuklas ko sa pustahan nina Enzo ay magiging dahilan para mainlove ako sa babaeng pinagpupustahan nila. Okey sana kung nasabi ko agad ang totoo pero hindi eh!
Iniisip ko ang mangyayari bukas. Ipinagdadasal ko na sana di sya sagutin ni Courtney sa kabila ng pagkagusto nito kay Enzo. Na sana maisip nyang maaga pa para sagutin nya eto. Sana.. Sana lang! Dahil di ko gusto makitang iiyak o masasaktan si Courtney dahil sa lalaki na yun.. dahil sa katotohanang di naman pala sya nito mahal. Pinaglalaruan lang pala sya.
Kinagabihan habang nag-oonline ako sa fb, nagbabasakali akong magonline din si Courtney pero inabot lang ako ng magdamag sa harap ng computer sa kakaasa na may Courtney na mag-o-online.
Napagdesisyunan ko na lang na iPM sya kahit di sya naka-online. Mababasa nya rin yun eh pero di ko alam kung kelan.
* Hi Courtney, kamusta ka na? Ilang araw na kitang inaabangang magonline pero bigo ako. Busy ka ata. Matagal ko na tong gustong sabihin sayo kaso kapag sasabihin ko na, may biglang nangyayari.. Ewan ko ba! Personal ko sana tong sasabihin sayo kaso naunsyami lang ulit. Kung mabasa mo to sa mismong araw na nasent ko, ngayon, sana wag mo ng gawin ang binabalak mo pero kung hindi baka huli na ang lahat. Baka nagawa na nya ang gusto nya. Sasaktan ka lang nya. Paaasahin! Ney, pinagpupustahan ka lang nina Enzo at ng barkada nya, pinagpupustahan nilang mapapasagot ka nya. Ayaw kong masaktan ka dahil alam kong may gusto ka kay Enzo. :( Pero sya wala! Sorry kung di ko agad nasabi nung una tayong nagkakilala. Di ko kasi alam kung maniniwala ka sa akin eh. *
Pagkasent ko nun, pinasya ko ng matulog.
Grabe! Antagal kong nawala! (0A?) Alam kong namiss nyo ako. Free hugs Guys. Haha.
Anyway, siraulo talaga tong mga barkada ko noh? Muntikan na akong mapahamak at maunsyami ang pustahan dahil sa ginawa ni Ice. Isa pa, pinsan pala ng nerd na yun ang gf ni Jude. What the -- ! Paano kung ibuking nya ako sa jowa nya? Nakuu naman! Sarap batukan! Umaayaw na nga si Ice pati tong si Jude aayaw din. Aba! Di pupuwede yan lalo na sya ang may pasimuno. Siya ang nagbigay ng ideya na to! Pero kahit papaano um-okey ulit pagkatapos naming mag-usap kahapon. Nagka-gf lang ang dalawa eh, nagkaganun na! Mga siraulo!
This is it! June 30. Last day na at ngayon ang araw na sasagutin ako ni Courtney. Lakas ng confident noh? Naman! Alam kong may gusto talaga sya sa akin at no one can resist my charm! Chus! Thats so gay! :D
Naligo ako ng anim na beses para mabango ako. Sampung beses akong nagpalit palit ng damit. Gusto ko kasing maging gwapo sa paningin ng nerd na yun at di nya ako matanggihan. Di ba? Di ba? Walang babae ang nakakatanggi kay Enzo Perez. The one and only Enzo! Haha. Ipinasawalang bahala ko na lang ang mga kakaiba kong nararamdaman. Natural lang siguro yun dahil first time kong pag-interesan ang nerd.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, sinundo ko na sya. Ang gara noh? Sinundo ko pa. Ganun talaga!
Laking dismaya ko nung makita ang kanyang ayos. Ano ba yan! Ni man lang nya pinaghandaan. Hay naku talaga!
Magsuot ba ng long sleeve at magpalda ng mahaba. Eh ang init init! Manang na manang talaga ang dating.
" Okey na ba ang ayos ko? " ngiti nyang tanong nung nasa kotse na kami. Lihim akong napaismid at napangiwi. Kulang na lang magbraces pa sya para maging si Betty La Fea na sya.
" Ah. Hehe. Oo naman. Ang ganda mo nga eh. " Betty La Fea. Tsk.
" Hehe. Salamat. " yumuko pa sya na waring nahihiya. Pshh.
Di na ako umimik hanggang makarating kami sa isang park. Amusement park.
Lahat ng rides. Sinakyan namin. Kita ko ang saya sa mukha nya. I felt something strange. Naging irregular ang beat ng heart ko. I dont know why. Her smile. Di ko alam kung ano meron sa ngiti nya na nakaramdam ako ng ganun. Di ko maipaliwanag ng maayos. Ay ewan! Lintik na buhay to!Kung ano ano ang nararamdaman ko. Bwesit!
Di ko na lang nga pinansin.
" Courtney, " nasa tuktok kami ng perris wheel ngayon at minamasdan ang mga ilaw na nagkikislapan sa buong bayan. Ginabi na kasi kami sa kakalibot sa park eh.
" Hmmm? " busy sya sa kakatingin sa mga ilaw.
" Ano na ang sagot mo sa tanong ko? " napatingin siya sa akin.
" A-Ano kasi.. "
" Di ba sabi ko, ngayon kita tatanungin ulit? "
Tumango sya. " So, ano na? Would you be my girlfriend? " nagpuppy eyes pa talaga ako eh. @.@
" Eh? "
" Please? Ive waiting for so long para sa sagot mo.. Sana naman wag mo ko biguin! " nakatitig sya sa akin. Wari ay parang inaarok nya ang mga mata ko.
Wooh! Bakit ba di sya nagsasalita? Antagal eh. Grrr.
" Oo. Gusto ko.. Gusto kong maging girlfriend mo! " Wahahaha! Yes!
**
Ano daw? Hala! Ang kinatatakutan ni Blue ay nangyari na? Ano ang sunod na mangyayari?
Abangan..
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomantizmIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
chapter 19
En başından başla
