"Pwede basta ingatan mo tong anak ko." sabi ni Mom.

"Opo Promise." sabi ni Axel.

"Ano pang ginagawa mo Chrisha maligo ka na at mag-ayos." sabi ni Mom.

"Ito na po." sabi ko at umakyat na.

Bawat kwarto nga pala dito sa bahay ay may kanya-kanyang cr. Pagpunta ko sa kwarto ko ay naghanda muna ako ng isusuot bago maligo.

Naisip kong isuot na lang yung isa kong croptop tapos highways na black at sapatos na white na ang tatak ay Nike.

Pumunta na ako sa cr at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nagsuklay. Bumaba na ako ng kontento na ako sa ayos ko.

"Tara na." sabi ni Axel at tumango na lang ako bilang sagot.

Habang nasa kotse ay tahimik lang akong nakatingin sa bintana.

"Okay ka lang ba??" tanong ni Axel kaya napatingin ako sa kaniya.

"Oo...may iniisip lang." sabi ko.

"Siguro iniisip mo kung kailan mo ako sasagutin." biro niya.

"Hahaha tumigil ka nga." sabi ko.

"Opo tatahimik na." sabi niya at nag-focus na lang sa pagda-drive.

Pagdating sa simbahan ay pinagbuksan pa niya ako ng pinto bago bumaba.

"Thank you." sabi ko.

"Always welcome to you my beautiful princess." sabi niya.

"Tumigil ka nga masyado na akong kinikilig." sabi ko...wait what nasabi ko...patay.

"Talaga kinikilig ka...Hayaan mo mas pagbubutihan ko pa." sabi niya.

"Tara na nga." sabi ko at nauna ng pumasok sa simbahan at sumunod naman siya.

Umupo na kami sa upuan at makinig na sa pari. Nang patapos na ang misa at nagsabihan na ang mga tao ng Peace be with you.

"Peace be with you." sabi ko sa isa kong katabi.

"Peace be with you." sabi ko sa iba.

"Peace be with you." sabi ko kay Axel at biglang lumapad ang ngiti nito.

"Please be with me." nakangising sagot nito.

"Hay naku hindi talaga matigil ang kakulitan mo eii ano." sabi ko sa kaniya.

"Diba nga sabi ko mas pagbubutihan ko pa." sabi niya.

"Saan na pala ang punta natin??" tanong ko.

"Basta." sagot niya at nauna ng pumunta sa kotse at pinagbuksan ulit ako ng pinto.

Habang nasa biyahe nakatulog ako.

Axel POV

Nakita kong nakatulog si Chrisha. Ang ganda niya pa rin kahit tulog siya bilib nga ako sa pormahan ng babaeng to ang astig kase. Ang sarap sa pakiramdam na napapakilig ko siya kahit masiyado akong corny.

Pupunta nga pala kami dun sa resort namin na iniwan sakin ni Daddy bago siya namatay. Sa akin na ang resort na yun pero kumuha ako ng magmamanage kase hindi ko pa naman kayang i-manage yun.

Pagdating namin sa resort ay ginising ko na agad si Chrisha.

"Chrisha nandito na tayo." sabi ko at kinukulbit pa siya.

Unti-unti naman niyang minulat ang mata niya at uminat pa kaya nakita ko yung tiyan niya kase nga naka-croptop siya kaya hinawakan ko yung laylayan ng damit at binaba kaya napababa din yung kamay niya.

"Tara na." sabi ko ko at pinagbuksan siya ng pinto.

"Nasaan tayo??" tanong niya.

"Nandito tayo sa resort namin." sabi ko at pumasok na.

"Good Afternoon sir." bati ng security guard namin.

"Good Afternoon din." sabi ko.

"Girlfriend niyo sir??" tanong nito habang nakatingin Kay Chrisha.

"Soon to be Girlfriend nililigawan ko pa lang eii." sagot ko.

"Ganon po ba good luck sir." sabi nito.

Tumango naman ako at tinanong si Chrisha.

"Chrisha Can I hold your hand??...kahit ngayon lang." sabi ko.

Hindi na siya sumagot at siya na ang humawak sa kamay ko. Agad naman akong ngumiti sa kaniya.

"Thank you." sabi ko at hinila siya.

"Ang dami ng tao." sabi niya.

"Hahahha dun tayo sa maganda ang view." sabi ko.

Dinala ko naman siya dun.

"Wow ang ganda." manghang sabi niya.

Yung pool kase nasa taas tapos kapag nandon ka sa gilid ng pool makikita mo yung buong lugar.

"Bakit mo ako dinala dito??" tanong niya sakin.

"Kase gusto kong makita mo ang resort na ima-manage nating dalawa pag sinagot mo ako." biro ko sa kaniya.

"Di nga??" tanong niya.

"Kase alam kong magugustuhan mo ang lugar na to kaya dinala kita dito. Nagiging masaya kase ako sa tuwing makikita kitang masaya." sabi ko sa kaniya.

"Thank you kase lagi mo akong pinapasaya kahit nung hindi mo pa ako nililigawan." sabi niya at lumapit sakin para yakapin ako.

Niyakap ko rin naman siya kahit nagulat ako sa pagyakap niya sakin.

"Tara kain muna tayo." sabi ko at bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin.

Habang kumakain kami tinanong ko siya tungkol sa isang bagay.

"Chrisha kapag ba torpe ang isang lalaki ibig sabihin ba nun sa mga babae duwag??" tanong ko sa kaniya ng nakatingin sa mga mata niya.

"Siguro sa iba ganon. Sakin kase hindi para sakin kase if torpe ang isang lalaki it means na nahihiya siya sayo or nahihiyang magsabi ng nararamdaman niya." sagot niya.

"Edi duwag nga kase nahihiyang magsabi ng nararamdaman niya sa isang tao." sabi ko

"Hindi pa rin kase yung iba kaya torpe natatakot magsabi ng nararamdaman dahil baka hindi mutual yung feelings tapos kaya nahihiyang magtanong or magsabi tungkol sa isang bagay kase nga baka ayaw ng babae yung idea nila at baka ireject yung mga sinasabi nila eii ang duwag naman yung mga takot harapin ang mga pagsubok at yung mga taong humihingi ng tulong sa iba para sabihin ang nararamdan nila." paliwanag niya.

"Ahh eii ako para sayo torpe ba ako??" tanong ko.

"Yang lagay na yan ni hindi ka nga nahihiya sakin tapos lagi ka pang nagpi-pick up line tapos ang galing galing mo pang bumanat." sabi niya.

"So hindi ako torpe." sabi ko at tumango siya.

"Ano ba ako sayo?? Mahal mo na ba ako?? May gusto ka na ba sakin??" tanong ko.

"I don't know...I think may gusto pa lang ako sayo." sabi niya ng namumula.

"Hayaan mo pagbubutihan ko pa ang panliligaw para yung like maging love." sabi ko.

"Hahaha." tawa niya.

"What??" tanong ko.

"Kase bawat oras yan ata ang iniisip mo." sabi niya.

"Hahahah siyempre." sagot ko.

Pagkatapos naming kumain ay nag-uli pa kami at hinatid ko na rin siya agad pagkatapos.

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now