Chapter 1

1.2K 41 10
                                                  

Sakay ng bus ay hindi ko mapigilang pagmasdan ang paligid habang unti-unting nawawala ang naglalakihang building sa paningin ko. It's been ten years mula nang huli akong nandito. Simula kasi nang dalhin ako sa Maynila ay doon na ako nagtapos ng pag-aaral at nag-trabaho.

Napatingin ako sa phone ko nang mag-ring 'yon.

"Hello, beshie?" sagot ko sa tawag nang makitang si Erika 'yon. Siya ang tinuturing kong kaibigan sa opisina, at siya rin ang nag-kumbinsi sa akin na umuwi ng probinsya.

"Ano, beshie? Nararamdaman mo na ba ang paglinaw ng utak mo? Nalilinis na ba ng sariwang hangin 'yan?" sabi niya mula sa kabilang linya na ikinatawa ko.

Naiiling na lumingon ako sa bintana na nakasarado dahil airconditioned ang bus na sinasakyan ko.

"Well, ang alam ko lang, sumasakit ang ulo ko dahil sa lamig nitong aircon na hindi ko masara-sara kasi sira," sabi ko.

Kahit na hindi ko siya nakikita ay nai-imagine ko na kung paano siyang naka-nguso.

"Hay naku, sana pagbalik mo galing d'yan, matauhan ka na. Nakakaloka ka! Ikaw lang ang galing sa break-up na akala mo walang nangyari!"

Napahinga na lang ako nang malalim dahil doon.

Naaalala ko kung paanong ipinamukha sa akin ni Erika na sobrang haba ng naging pasensya sa akin ng dating boyfriend ko. Come to think of it, tama siya. Kahit kailan ay hindi ako nag-exert ng effort o kahit maisip man lang 'yon para sa binata. Palagi nang siya ang nag-eeffort para lang sa'kin. Somehow, na-guilty ako dahil doon.

"Alam mo, pagbalik mo talaga at hindi nagbago kahit konti 'yang ugali mo, pagagawan na talaga kita ng korona. 'Yong gawa sa yelo para katulad mo," sabi niya pa.

Tinawanan ko lang siya. Sobrang close kami kaya naman nagagawa niya akong sabihan ng mga ganung bagay at hindi ako na-ooffend kahit na konti.

"Oo na po. Sige, magpapagupit ako ng buhok dito, makikisabay ako sa trend ng mga brokenhearted para wala ka nang masabi," sabi ko.

"Ay, gaga talaga! Oh siya, sige na, tinatawag ako ng asawa ko. Babush! Mag-iingat ka d'yan," sabi niya.

"Opo, inay!" tumatawa pa ring sabi ko bago ibinaba ang tawag.

Inilalagay ko ang phone ko sa bag ko nang napa-angat ang likod ko sa nakita. Sa labas, kita ko roon ang dating university na pinapasukan ko. Hindi ko mapigilang maalala ang mga nangyari ng unang taon ko rito. Kung paanong nakilala ko ang mga kaibigan ko... at kung paanong naranasan kong magkaroon ng unang boyfriend.

It was a total disaster from the beginning until the last minute. He was my classmate. Nanligaw siya noon sa'kin habang may girlfriend siya—which is ako lang pala ang hindi nakaka-alam sa buong klase. Simula pa lang, lokohan na. Sinagot ko siya at umabot din ng isang buwan bago ko malaman ang totoo, pero hayun, binigyan ko siya ng pagkakataon since siya naman ang nagkusang umamin sa akin ng totoo.

Since then, palagi na kaming nag-aaway. Kahit simpleng bagay, pinagtatalunan namin. Pero in fairness, inabot kami ng 8 months, walong buwan na walang humpay na away. We broke up. But what made it worse is, kinabukasan pagkatapos naming maghiwalay, naging sila na ng 'best friend' niya—na classmate namin.

Iniyakan ko 'yon, of course. Nag-invest ako ng oras ko sa kanya e. Pero sandali lang 'yon. I moved on. Kahit na araw-araw pang nakikita ko sila ng bagong girlfriend niya. Naisip ko noon, mabuti na lang na hindi ganun kaayos ang naging relasyon namin. At least 'pag may binabalikan akong memories, wala masyado akong makitang maganda roon.

***

Pagkatapos ang 3 oras na biyahe ay nakarating ako sa lugar namin. Kailangan ko pang sumakay ng tricycle at maglakad para makarating sa bahay dahil nasa pinakadulo iyon. Pero dahil may dala akong bagahe ay naisipan ko na lang na magpa-special at diretso nang maihatid sa bahay.

Glass HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon