"Ganon kase ginagawa ng mga nanay pag may masakit sa anak diba, isang magic kiss " paliwanag ni ion habang nakahawak sa may bandang kilay nya.
Nakaisip ako ng Plano para mabwiset sya ng very slight.
Lumapit ako kay ion at akmang ikikis ko sya pero kinaltukan ko sya at natumba sya sa pagkakaupo at tumama pa ang ulo nya sa table ko.
"Aray, ito na talaga masaket" daing nanaman ni ion.
This time naniniwala na akong may masaket sakanya kaya inalalayan ko syang tumayo at pinaupo sa sofa sa tabi ng bintana, tinabihan ko din sya.
"Grabe ka talaga mag-alaga!, magkaka-amnesia yung tao sa SOBRANG PAGAALAGA MO" pilosopong sabi ni ion.
Natawa naman ako sabay inilapit ang ulo nya sakin. magkatabi kasi kami.
"Ito na ikikiss na nga" Sabi ko sabay kiniss ko yung ulo nyang tumama sa lamesa.
"Dito pa sa kilay, yung sinipa mo ako" angal pa nito.
Iniharap ko na din ang mukha ni ion at kiniss ang kilay nito.
"Dito pa, parang natamaan mo din to" Sabi pa ni ion habang nakaturo sa labi nya.
Binatukan ko sya ulit.
"Aray!" daing nanaman nya.
Tumawa naman ako at kinuha ang ulo nya at isinandal sa balikat ko sabay kiniss ulit Ito.
"Ayan na advance na" natatawang sabi ko pa.
"Alam mo, kanina yung babae sa office ko sinubukan akong halikan" kwento ni ion.
"Oh pake ko?, Gusto mo rin naman yon for sure" pilosopong sagot ko
"Oy hindi ko gustong halikan yon, best friend ko yon tsaka, di ko sya trip, iba gusto ko"
"Ay sus!!. Kunwari ka pa, alam ko namang type mo yung babaeng isda na yon!"
"Anong babaeng isda?"
"Mukha syang isda eh, mas may itsura pa akong bakla don, imagine ako lang to ah"
Humarap si ion saakin sabay ngumiti.
"Oo nga eh mas maganda ka pa sakanya" malambing na sabi ni ion sabay titig nang malagkit saakin.
Kulang nalang matunaw ako sa titig nya, it's so awkward, pero buti nalang ay may biglang kumatok sa pinto.
Napahiwalah kami sa isa't-isa. ako ay pumunta sa table ko, si ion ay pinagbuksa ng pinto ang kumatok.
"Kuys Este sir may client po sa baba, hinahanap po kayo" Sabi ni Vhong.
"Sino?"
"Hindi po namin sure kung totoo po ang sinasabi nya pero kineclaim nya po na sya daw po ang ama ninyo"
Di ko masyadong marinig ang usapan nila ion at Vhong basta bigla nalang tumakbo pababa si ion, nacurious ako kung anong meron kaya pagkaalis ni ion ay tinawag ko si Vhong.
"Yes ma'am?"si Vhong.
"Anong meron sa baba?"
"Yung dad nya DAW po kasi ay nasa baba, dinaman po namin makumpirma kung yun po ba talaga ang dad ni ion"
"Why?"
"We've never seen po kasi yung dad ni ion, sa tagal po naming magkakasama, sa picture lang namin nakita ang dad ni ion" paliwanag ni Vhong.
"O-okay, samahan mo na sya sa baba please, di ako makakababa eh"
'yes po ma'am"
At lumabas na nga ng office ko si Vhong.
Ion's POV
Pagkababa ko agad akong tumingin sa waiting area at nakita kong iisa lamang ang tao dito, lalaki na may hawak na cellphone, nakaupo sya patalikod saakin kaya't di ko makita ang mukha nito.
"Sir,may lalaki pong nagsasabing sya daw po ang dad nyo at gusto daw po nya kayong makausap" sumbong ng front desk receptionist.
"Nasan sya?" formal na tanong ko sakanya.
"Ayun po, yung lalaking nakaupo sa waiting area"
"Sige, salamat. Pakisabi sa mga empliyado na wag munang bumaba, ayokong may maka-kita saamin maliban sayo"
"Yes po sir noted" sagot naman ng employee ko.
Lumapit din ako sa mga guards na pakisara muna ang pinto at wag magpapapasok ng kahit sino. Tinted ang salamin sa ibaba ng building kaya sigurado akong walang makakakita saamin.
Dahan-dahan akong lumapit sa lalaking nakaupo sa couch, nanginginig ako, di ko alam kung anong sasabihin ko sakanya, paano ko sya kakausapin, ano kayang gusto nya saakin.
Chapter 14
Começar do início
