CHAPTER 8

6.8K 229 204
                                    


"DON'T worry. I'll take her home."

Awtomatikong napalingon si Cheezer kay Stone. Wrong move. Nakatutok pala sa kanya ang mga mata ng lalaki na tila sinusubukan siyang basahin. Mabilis niyang inilipat ang atensyon kay Rexter na abot tainga ang pagkakangiti.

"Oo nga, Book. Grabe ka naman sa amin. Hindi mo kailangang mag-alala. Kami na ang bahala kay Cheezer. Besides, mukhang may iba kang kailangang ihatid."

Sinundan niya ng tingin ang direksyong inginuso ng binata. Doon lang niya napansin na may nakaupo palang babae sa katapat niyang mesa at mukhang kanina pa nanonood sa kanila. Alanganing ngumiti ang singkit na estranghera sa kanila at bahagyang kumaway pa.

"Are you really okay? Kusa ka bang sumama sa kanila rito?" maya-maya ay tanong ng kaibigan sa kanya. Nacurious man sa babaeng kasama nito ay hindi na siya nagtanong. Tutal naman ay mukhang hindi talaga siya gustong makita ng lalaki.

"That hurts, man. Hindi kami nangingidnap ng babae. OA ka."

"Okay lang ako. Hindi mo ako kailangang alalahanin. Hindi na rin naman ako bata na kailangan pa ng patnubay ng magulang."

Mataman siyang tinitigan ni Booker saka napabuntong-hininga. "Okay. Give me your phone." 

Kinuha na nito ang teleponong ipinatong niya sa mesa kanina bago pa man siya makaalma. Ang kaibigan na rin ang humila sa kamay niya at naglapat ng kanyang hintuturo sa likuran ng cellphone upang mabuksan iyon. 

"Ise-save ko muna ang number ko as number 1 speed dial para mabilis mo akong matawagan kapag kailangan mo ako. Palitan mo nalang kapag nakauwi ka na. And I'll inform Justice that you're here," dire-diretsong wika nito habang kinakalikot ang hawak na gadget.

She pouted and threw him a deadly look. Pero hindi na siya kumontra. Wala rin namang kwenta ang anumang sasabihin niya. Siguradong isusumbong pa rin siya nito sa pinsan kahit magmakaawa siya rito.

Nang matapos ito sa pagkalikot sa cellphone niya ay mataman muna siya nitong tinitigan bago tuluyang iabot iyon sa kanya. Ilang beses pang bumuntong-hininga ang lalaki na waring nakikipagdebate sa sarili kung iiwan talaga siya. Maya-maya pa'y walang-salitang tinapunan nito ng tingin ang misteryosang babae na agad namang naintindihan ng huli dahil mabilis itong tumayo at nauna nang naglakad palabas ng kainan. Sumunod na rin ang kaibigan niya pero kitang-kita niya nang sandali itong huminto sa gitna ng dalawang kaharap. Wala siyang narinig na kahit ano at hindi rin siya sigurado kung may sinabi nga si Booker dahil likod nalang nito ang nakikita niya. Ang magkaibigan naman ay parehas na blangko ang ekspresyon ng mukha.

"So... let's go?" Si Stone ang bumasag sa nakakailang na katahimikang namayani nang maiwan na silang tatlo roon.

"Ahmmm...saan?" kunot-noong tanong niya.

"Ihahatid na kita."

"Ahhh..."

Bakit may iba ka bang ineexpect na pagdadalhan sa 'yo? paninita niya sa sarili. Hindi niya inaasahang seryoso ang lalaki sa sinabi kanina.

"Kung okay lang, gusto ko sanang mag-stay nalang dito for tonight. Don't worry, I'll just pay for my room. Ngayon lang kasi ako nakapunta rito so I might as well enjoy it."

"Ohhh... what a brilliant idea! Sure, sure. Hindi mo naman kailangan magbayad pero kung do'n ka komportable go lang."

Ngumiti siya sa tinuran ni Rexter. Nagpapasalamat siyang jolly ang lalaki at madaling kagaanan ng loob. Kahit papaano ay nawawala ang awkwardness na nararamdaman niya kapag nakikita ang kaibigan nito.

"Tamang-tama pala dahil may event ngayon sa bar. Birthday ng isang kaibigan. Tara, makiparty-party ka muna," walang-babalang hinawakan siya ng lalaki sa palapulsuhan upang hilahin sa kung saan mang balak puntahan. Pero nakakailang hakbang palang sila nang bigla na lamang itong napahinto dahilan para mapasubsob siya sa likod ng binata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Union Of Bloods (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon