"Whatever. Na-send ko na sa email mo ang kailangan mo." Supladong sagot nito.

Agad niyang binuksan ang laptop niya. "Thanks, bud."

Mabilis na nawala sa kabilang linya ang kaibigan niya kaya napailing na lang siya.

Binuksan niya ang sinend sa kanya ni Jiro. "So...Having the time of your life, huh, fvcker." Bulong niya habang binabasa ang file at tinitingnan ang mga pictures. "So this is your hoe." Komento niya nang makita ang babaeng kasama nito. Ito yata ang tinutukoy ni Shynne na empleyado na tinalo ng boyfriend nito.

Sumandal siya sa swivel chair at ipinatong ang mga paa sa mesa saka pinag-krus iyon. "Tingnan natin kung hanggang kailan 'yang maliligayang araw mo." He smirked while thinking a lot of ways on how to make that animal suffer.

Natigil ang iniisip niya nang tumunog ang telepono ng office niya.

"Yes, Alfred?"

"Sir, nasa line po si Ms. Mateo ng Olympus Publishing." Imporma sa kanya ng secretary niya.

Naalala niyang may interview pala siya sa publishing company na iyon. "Oh..Connect her to my line."

"Yes, sir."

Mabilis nitong ikinonekta ang tawag. "Mr. Clarke, speaking." Bungad niya.

Tumikhim pa ang nasa kabilang linya. "Yes, Mr. Clarke, good morning. This is Ms. Charlyn Mateo from Olympus Publishing. I called to remind you about our scheduled interview later this afternoon."

He smiled. Naalala kasi niya si Shynne. "Yes, I'm ready for the interview."

"Thank you, Mr. Clarke. See you later." Masiglang sagot nito.

"Yes, thank you." Tinapos agad niya ang tawag at tumayo na para lumabas. "Gotta go get my girlfriend for the interview." Imporma niya sa secretary niya na mukhang nagulat.

"Girlfriend po?" Paninigurado ng sekretaryo niya habang hinihintay niyang bumukas ang elevator.

Namulsa siya. "Yeah. Girlfriend. May girlfriend ako."

Ngumiti ang sekretaryo niya na halatang tuwang-tuwa sa balita niya. Alam din naman kasi nito ang mga itinatapon sa kanyang mga chismis.

Tama namang bumukas na ang elevator kaya pumasok na siya doon. Dumeretso siya sa parking ng building para kunin ang kotse niya. Agad siyang nagmaneho patungo sa shop ni Shynne.

Alam niyang naroon ito sa shop dahil nagtext ito sa kanya kanina na nasa shop na ito.

Pagpasok niya sa shop, agad napatingin sa kanya ang dalaga at ngumiti. Nasa harap na naman ito ng kaha.

Damn that smile!

"O, bakit andito ka?" Nakangiting tanong ng dalaga habang naglalakad palapit sa kanya. "Miss mo ako agad?" Panunudyo nito na ikinangiti naman niya.

"Yeah." Agad niya itong nilapitan at sinapo ang mukha nito saka hinalikan. Napakurap-kurap pa ito kaya mahina siyang natawa. "Tara sa mall." Aya niya saka iniyakap ang mga braso sa baywang nito.

Lumingon ito sa kaha na ngayon ay si Hope muna ang nag-aasikaso. "Busy pa kami."

Hinawi niya ang buhok nito. "Mamaya na ang interview."

Branded Series Book 4: Shynne (Soon)Where stories live. Discover now