10 "The Dare"

56.8K 878 20
                                          

10

"The Dare"

PARK

Ordinaryong araw lang naman 'to pero sobrang tamad na tamad ako. Dati naman masaya na ako kahit kami lang ni Katy. Kahit nga mag-isa lang ako okay na ako. Ang weird lang ng nararamdaman ko ngayon, hindi naman ako ganun kasaya, pero hindi rin naman ako naiyak or nasasaktan.

Gusto kong sumigaw kaso wala naman ako sa gazebo, kaya wag na lang.

Maitext nga si Katy, sana wala syang klase.

***********

To Bes:

Bes, kung wala ka nang klase punta ka naman dito sa park. Wait kita. :'[

********

Dahil may kotse naman si Katy madali syang nakarating sa park. Ang bait talaga ng bestfriend ko, nagdala pa ng sandwich, lays, apple at drinks.

"Bakit ka naman nandito? Kanina pa kita hinahanap sa school." Usisera nyang tanong tsaka sya tumabi sa'kin.

"Madami kasing nangyari sa'kin. Alam ko namang may klase ka pa kaya hindi na muna kita inistorbo." Kumain na ako. Feeling ko may halimaw sya tyan ko na galit nag alit.

"Hmmmmm. Si Cliff ba ang dahilan ng ipinagmumukmok mo?" Tiningnan nya ako ng am-I-right-look.

"Alam mo kasi bes, si Cliff yung nagpapasaya ng araw ko. Kaya okay lang kung sya din yung magiging dahilan ng pagkalungkot ko." I sighed.

"Eh yun naman pala eh, anong dinadrama mo?" Sabay kagat ng sandwich.

"Nakwento ko na ba sa'yo yung mayabang na customer sa store?" Naiisip ko palang nag-iinit na agad ang ulo ko.

"Hindi pa." Binuksan na nya yung lays at sinimulang kainin habang nakikinig sa'kin.

"Naku grabe bes, ang kapal ng mukha. May patanong-tanong ng mga best seller tapos ang hanap lang pala eh silver necklace." With annoyed facial expression talaga yung pagkukwento ko sa kanya.

"Naku baka naman first time nya sa ganung store." Natatawang sabi ni Katy.

"Eh okay lang naman kung first time, pero sana magbayad sya ng tama. Aba tinakbuhan ako nun. Pinagabono pa ko ng 500 pesos!" Halos maiyak na naman ako dahil dugot pawis ko na bago kitain yung 500 pesos.

"Ay kawawa ka naman. Ang kuripot mo pa man din. Five pesos nga masakit na sa bulsa mo, yung 500 pesos pa kaya." At hindi na talaga nya napigilang tumawa. Sino bang hindi magkukuripot eh hindi naman ako mayaman. My goodness.

"And guess what bes! Sa Airman Academy din sya napasok. Akalain mong dun ko pa sya makikita. Napakabastos pa ng bibig nun. Sobra! Tapos – tapos hinawakan pa yung pwet ko! Sa susunod na bastusin pa nya ako may mangyayari ulit sa kanyang masama." Pagbabanta ko.

Sabay batok ni bes. "Aysus, bes mayaman yun. Baka ikaw pa ang ipakulong nun."

"Naku, kapag talaga ako naging mayaman ikaw ang gagayahin ko. Mabait pa din at hindi matapobre." Tapos I hugged her kasi sobrang naappreciate ko talaga 'tong si Katy despite of her brutality.

"Bolera naman ng bes ko. Kumain ka na nga muna para naman bumalik yang sigla mo." And she hugged me back.

Tahimik lang kaming kumakain ni Katy. Para kasing wala pa din ako sa mood. Para ngang wala akong ganang kumain kahit na gutom na gutom na ko.

"Nga pala bes, kelan mo balak magtapat kay Cliff?"

"Baka hindi na bes. May mahal na kasi syang iba. Yung babae na tumulong sa'kin kaninang tumayo, yun ang mahal ni Cliff. First love nya ata yun eh." Yes! I surrendered! Besides hindi ko naman din talaga alam kung gusto ko sya o mahal ko sya or what. Wala akong kahit anong idea kung anong dapat gawin ko kung tama ba yung mga pinagagagawa ko.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon