Author's Note: Follow Siel Alstreim on Twitter! @sielalstreim.


Chapter 21: The Lion in its Cage

I had a terrible headache today. Meron ba akong hang-over? Yeah, mukhang naparami ang inom ko kagabi. Kagabi? Ano'ng meron kagabi? Party! Yes. I was on a party. I was gorgeous last night. I was on a masquerade party. Pero isang glass lang ng champagne ang nahawakan ko. At isa pa, bakit pati katawan ko masakit? Napaaway na naman ba ako? At bakit natutulog ako nang nakaupo? Bakit nakatali ang mga kamay at paa ko?

Tila isang malamig na tubig na bumuhos sa akin ang reyalisasyon ng totoong nangyari kagabi. Shit! Bakit ba pinairal ko na naman ang katangahan ko? Bagama't tumututol pa ang mga mata kong magmulat ay pinilit ko itong buksan upang makita ang paligid. I should have stuck with the plan. Bakit ba hindi ako nag-iisip? Sana'y makagawa ng paraan si Detective Penber upang ma-remedyuhan ang kapalpakan ko. We don't even have a proper contingency plan!

Sa una ay madilim ang paligid. Unti-unting nasanay ang aking mga mata sa kadiliman at napagtanto kong nasa isa akong kuwarto. Walang bintana. May isang pinto lang. Tanging isang kulay dilaw na bumbilya lang ang nagbibigay ng liwanag. At hindi ako nag-iisa sa kuwarto. Sa gitna ng kuwarto ay nakahiga ang katulad kong nakagapos ding si Tres Freniere. He still had that gorgeously rogue features bagama't may mga pasa ang kanyang katawan. Ngayon ko rin lang napansin na pareho pa rin naming suot ang mga damit namin mula sa masquerade party. We just lost our masks. And his inner dress was half-unbuttoned exposing his thinly haired, smooth muscled chest. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Walang posibleng daan upang tumakas maliban sa kaisa-isang pinto na malamang ay may bantay sa labas. Damn. Sinikap kong ilapit ang sarili ko sa walang malay na si Tres at pinilit na gisingin sa pamamagitan ng pagsanggi ng aking nakagapos na mga paa. Umungol lang ito bilang tugon.

"Sebastian! Wake Up!" Nilakasan ko pa ang pagsanggi sa kanya hanggang sa mauwi iyon sa sipa.

"Argh!" Daing nito at dahan-dahang nagmulat ng mata. His eyes were reddish at napapalibutan ng maitim na marka. He looked so tired and blank. Ganito ba ang after effects ng Elixir of Life? He looked terrible, but well, still gorgeous. Subalit para siyang lifeless, ancient persona na na-stuck sa time. Tila wala siyang buhay subalit may imortal na eksistensya. Lifeless, immortal. Frankenstein... The Elixir of Life.

Nagtiim ang mga bagang ni Tres nang rumehistro sa medyo pundido pang utak nito ang kinasasadlakang sitwasyon.

"You've been tricked, Sebastian! Hindi ka dapat nagpapadala on your lust for power and money!" Seryoso kong wika. Isang matalim na sulyap ang ibinigay niya sa akin.

"I don't take advise from stupid girls who should have been at home in the first place. Hindi ka dapat nagpapadala sa curiousity and emotions mo!" Seryoso rin niyang sagot. Gusto kong matawa sa sitwasyon namin. Tricks and stupidity. Pareho naming sinasabi sa mukha ng isa't isa ang mga bagay na hindi namin dapat ginawa. And then I remembered Van telling me that Tres and I were the same. Brash and rogue. Maybe he got some points right. Just some points. Mas mabuti naman ang character ko kesa sa kriminal na ito.

"Maybe Van is right," mahina kong nasabi. Kunot-noo akong tinitigan ni Tres at saka biglang tumawa. Oh, he's returning back to normal.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!