Entry#47: Destiny♥

Magsimula sa umpisa

'' Pinapatawag ka daw sa gym may sasabihin daw sayo si Sir Tacata ''

'' Bakit daw? ''

'' Hindi ko alam eh basta pumunta ka na lang daw doon ''

'' Ah sige salamat '' sabi ko.

Bakit kaya ako pinapatawag ni Sir Tacata? Teacher kasi namin yun sa MAPEH.

*Prince Dansom's POV*

'' Tama ba 'tong gagawin natin? '' tanong ko sa barkada.

'' Oo! Hahaha ang sweet nga eh! Tska first monthsary nyo ngayon dude! Monthsary! Dapat pinaghahandaan nyo un! '' sabi ni Neil.

'' Ehhhh diba dapat anniversary lang? ''-Ako.

'' Hahahaha! Tanga insan! Bobojow! Hahaha! Nag cecelebrate din ng monthsary 'no! ''-Khalil.

'' Oo na. Tama na kayo na panalo '' sabi ko.

'' Guys! Okay na ang lahat! Mag bihis na lang tayo! '' biglang sigaw ni Kate.

Nag handa kasi kami para nga sa monthsary namin ni Princess ngayon, ang bilis ng panahon parang kahapon lang hindi kami mag kakilala strangers nga kumbaga.

'' Chloe! '' tawag ko sa classmate ni Princess na isa rin tumutulong sa amin dito sa gym.

'' Oh bakit dude? ''

'' Paki sabi kay Princess pumunta syang gym sabihin mo pinapatawag sya ni Sir. Tacata :) '' utos ko sa kanya.

'' Osige :) '' sabi naman nya.

'' Diegs! Okay na ba yan? '' tanong ko kay Diego.

'' Oo dude! Takte di bagay sa akin mag pari! Hahahaha '' sabi nya.

Naka pang-pari kasi sya ngayon para sa gaganapin dito sa gym.

 '' Hahaha! Okay na yan yung iba okay na ba? Naka pag bihis na ba sila? '' tanong ko.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon