9 "Alone, Together"

50.5K 955 29
                                          

9

"Alone, Together"

GAZEBO

Dahil sobrang sama ng loob ko naglakad ako ng lakad hanggang sa dinala ako ng mga paa ko dito sa gazebo sa likuran ng school.

Okay palang tumambay dito, napapaligiran ng puno, tahimik, at masarap ang simoy ng hangin. Mag-isa lang ako. Walang masyadong pumupunta dito dahil dulo na 'to ng school.

Umupo lang ako sa isang sulok. Naalala ko si Cliff na ibang babae ang gusto at yung manyak na lalaking palagi kong nakikita.

Bigla akong naawa sa sarili ko. Hindi ko napigilang mapaluha.

Malas ba talaga akong babae? Bakit walang ibang taong may gusto sa'kin sa lugar na 'to? Bakit kailangan masaktan ako ng taong gusto ko? Bakit kailangan kong maranasang mabastos ng ganun? Hindi naman malaswa ang mga sinusuot ko pero nababastos pa din ako?

"Bakit!!!!" At napahagulgol na lang ako.

Hindi ko mapigilang umiyak ng malakas. Parang bata ang pag-iyak ko. Nakita ko ang kamay ko na dumudugo. Nasugatan pala ako sa pagsuntok sa lalaking bastos. Mas lalo akong naiyak. Paano na ako magsusulat kung may sugat yung kamay ko?

"Ayoko na. Hindi ko na kaya!"

Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko mapigilan. Kusa lang natulo ang mga luha ko. Parang naipon lahat at ngayon ko lang nailabas. Hindi lang ako nasasaktan emotionally, pati physically, pati na rin morality.

Niyakap ko ang mga tuhod ko na parang isang kawawang bata na nasa lansangan. Sobrang naaawa ako sa sarili ko. Ang sakit sa dibdib, hindi naman ako ganito. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko.

"Sige lang iiyak mo lang yan."

May nagsalitang lalaki sa tabihan ko.

"Umalis ka dito. Iwanan mo ko!"

Sinigawan ko sya kahit hindi ko alam kung sino yung nagsalita. Hindi ko sya tinitingnan dahil punung-puno ng luha ang mga mata ko.

Umupo lang sya sa tabihan ko.

Hindi ko sya pinansin at umiyak lang ako ng umiyak. Wala na kong makita dahil sa mga luha sa mata ko.

Nabawasan na ang pag-iyak ko dahil meron nang ibang tao. Pero puro luha pa din yung mga mata ko. Hindi ko ugaling magdala ng panyo, dahil tissue ang lagi kong dala-dala.

Malas naman talaga naubos na nga pala yung tissue ko kanina kakapunas na mga braso at binti ko nung mapasubsob ako nung binuksan ni Cliff yung pintuan nung classroom.

"Pwede mong gamitin 'tong jacket ko." Sabi nya tsaka iniabot ang isang clothing. Di ko masyadng makita dahil sa mga luha ko.

"Sa – salamat."

Pinunasan ko ang mga mata ko at suminga na din ako sa tela na iniabot nya, jacket ata tulad ng pagkakasabi nya.

"Wag kang magalala lalabhan ko naman 'to."

"Sa'yo na yan. Kung gusto mo itapon mo na lang." Parang malungkot din yung boses nung lalaki.

Hindi pa din ako natingin sa nagsasalita.

"Madalas ako dito kapag gusto kong mapag-isa. Ito ang secret hide out ko. Dito walang gumugulo sa'kin. Walang kumakausap. Nakakapag-isip ako ng ayos." Nagbuntong hininga sya.

Wala naman akong pakialam kung anong ginagawa nya dito sa gazebo. May sarili akong problema. Isa pa school property 'to. Subukan nya akong paalisin bibigyan ko sya ng flying kick. May sugat

"Kung gusto mo pwede kang pumunta dito any time na kailangan mong umiyak."

"Hindi na ko iiyak. Masyado lang hindi maganda ang araw na 'to. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko dahil akala ko mag-isa lang ako dito." Pagmamataray ko sa kanya. Oo. Magsusungit na ako sa lahat ng lalaki ngayon!

"Nandun kasi ako sa bubong kaya hindi mo ako nakita. Pero ikaw, nakita kita. Akala ko nga sinusundan mo na naman ako. Pero hindi pala."

Sinusundan daw? Aba aba!

"At sino ka naman para sundan k─" lumingon ako sa kanya. At laking gulat ko sa nakita ko.

Si Cliff? Si Cliff ang kasama ko dito?

"Cliff? Hi – hindi naman ki – "

Eh ano kung si Cliff sya. Ayoko na sa kanya dahil may iba syang mahal. Galit na ko sa kanya.

"Hindi kita sinusundan. Kung alam ko lang na nandito ka eh di sana hindi na ako pumunta dito." Alam mo yung tono ko na hindi ako masayang makita sya.

"I know."

Tumahimik lang sya. Nakita ko yung kamay nya, putok pala yung balat at hindi pa din nababalutan. Napatingin naman ako sa kamay ko, parehas pala kami.

"What happened to your hand?" tanong ni Cliff.

"Sinuntok ko yung makapal na bakal. Sobrang badtrip na kasi ako eh." Naalala ko na naman yung pangmomolesya sa'kin nung basagulero na yun at naiyak na naman ako.

"Tss. Lakas mo talaga. Ako nga yung desk lang yung sinuntok ko eh." Pinipilit nyang igalaw yung kamay nya. Pero parang masakit talaga. Hindi ko naman tinatanong pero sinabi nya pa rin.

Wala na kong masabi. Wala ako sa mood ngayon. Mabigat ang pakiramdam ko.

"Aalis na ko. Pasensya na kung naistorbo kita." Papatayo na ako.

"Pwede kang pumunta dito anytime. Pero 'wag mo nang ipagsasabi na dito ang secret hide out ko. Ayoko kasi ng palaging may sunod ng sunod sa'kin." Medyo tinamaan ako sa sinabi nya. Wala naman talagang mag-iisip na ang isang Cliff ay pupunta dito. Bukod sa maraming kalat na dahon, may mahahabang damo, madumi at luma na rin yung gazebo.

"Okay." Hindi ko na nagawang magsorry sa nagawa ko. Hindi ko na din inopen up dahil baka mabadtrip lang sya sa'kin.

Umalis na ko sa at iniwanan ko si Cliff mag-isa. Wala ako sa mood ngayon. Pero nalaman ko na malalim na tao pala si Cliff. Mas gusto nyang ienjoy ang simoy ng hangin at mapagisa sa kesa makijamming sa mga tropa nya. Meron na naman akong bagong dahilan kung bakit hindi ako dapat sumuko.

Wag kang susuko. Ngayon pang welcome na ko sa secret hide out ni Cliff.

Hindi ko na talaga kilala yung sarili ko at kung ano 'tong mga pinaggagagawa ko. Ayokong maging katulad nung ibang mga babae na stalker ni Cliff. I should be unique, unique stalker.

Joke lang.

Pero sana wag na kong pumalpak at wag ng salihan nung bwisit manyak na yun!!! Sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko, pero hindi ako magpapatalo. Lalaban ako, at bukas babangon ulit. 

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon