"Angelica!!" Napalingon naman ako sa likod ko at nakita roon ang pinaka ayoko sa squad si Heather. "Sabay na tayo!" Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot. Hindinko sinasabe na ayaw ko sa kanya dahil kapag nangyare iyon
magagalit siya sa akin at tanggalin pa niya ako sa squad. Siya kase yung bumuo ng grupo namin, at nung binubuo ung pangalan ng group ayaw niya nasa pangatlong letra siya gusto niya nasa unahan pero no choice siya magandang pakinggan ang Axhra kaya ako ung nauna.
Alam ko namang peke din siya sa akin kaya pinepeke ko rin siya. Akala mo kungnsinong mabait yun pala hindi. Nakita na namin sila sa playground at nag lalaro sila kaya tumakbo na ako palapit roon at iniwan si Heather. Umupo ako sa swing at pinag masdan sila. Normal lang kaming mga bata mukhang mga inosente na hindi kayang gumawa ng masama. Nakita ko si Heather kasama siya. Biglang uminit ang ulo ko dahil mag kasama sila ng crush ko. Isa sa mga Axhra ang crush ko at tanging ang crush ko lang ang nakakaalam nun. Bat hindi niya ako nilalapitan? Alam naman niyang crush ko siya? At dahil sa inis ko agad akong tumayo sa swing at nag lakad palayo. Malakas ang simoy ng hangin ngayong hapon kaya nakaantok pero sa nakita ko nagising ang buong diwa ko.
"Hija!" Agad akong napahinto sa pag lalakad nang may tumawag at humigit sa braso ko. Tiningnan ko ang matangkad na lalake na medyo may katandaan na pero mukhang mayaman. Kunot noo ko siyang tiningnan dahil mukha siyang pamilyar. "Sino po kayo? Kikidnapin niyo po ba ako? Tulo--" Hindi natapos ang sasabihin ko nang tinakpan niya ang bibig ko. "I'm Mr. George Laketon." Pag papakilaka niya. Aahhh kaya pala pamilyar ang mukha niya dahil nakikita ko siya sa TV na ineesponsor ung school niyang malaki ung Laketon Academy at dahil narin sa sikat ung school niya dahil sa patayan. Pero bakit naman ako matatakot? Hindi naman niya ako papatayin dahil wala ako sa eskwela niya.
"Ano pong kailangan ninyo Mr. Laketon?" Pag tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito at sinabe ang kanyang kailangan na ikinagulat ko.
"Im finding my grandson, Russel Gold."
Akala ko ba wala silang mga magulang? Bakit sila nag sinungaling?
Pababa na ang araw at napag isipan na nila na umuwi na. Mag kakahiwalay sila ng daan at nakita kong kiniss ni Russel ang pisnge ni Heather. Hanggang ngayon hindi parin maalis sa isipan ko ang narinig ko kanina.
"Russel! Teka lang!" Huminto naman si Russel tyaka tumingin sa akin. "Bakit ba ayaw mo sa akin!! Ano bang meron si Heather na wala ako?" Pasigaw king sambit sa kanya. "Maganda siya." Sambit niya. "So panget ako?" Takang sambit ko sa kanya. "Maganda din naman ako ah! Pero bakit hindi mo ako pinapansin?! Mas may hinaharap ako kesa sa kanya pero bakit siya parin ang nakikita mo?!!" Sambit ko sa kanya. "Hindi naman lahat ng lalake tumitingin sa hinaharap ng babae kahit gaano pa yan kalake o kaliit! Hindi ako ganun Angel! Ganun ba tingin mo sa akin? Malibog? Dede yung tinitingnan? Kung ganun ang tingin mo sa akin pwes mas nakakababa kang mahalin! Tyaka parehas kaming mahilig sa Red! Bakit ayaw mo sa kambal ko? Tutal mag kamukha naman kami at mas malibog yun kesa sa akin!" Sambit nito bago tumalikod at nag lakad palayo!
"Sabihin mo ginayuma ka lang ng Heather na yan! At bakit hindi mo sinasabe na lolo mo pala si Mr. Laketon?! Na may mga magulang kayo! Sabi mo sa orphan kayo lumaki! Pero lumaki pala kayong Laketon!!" Sigaw ko sa kanya na nagpahinto sa kanya. Agad itong tumingin sa akin at naglakad palapit sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi ko inaasahan angnginawa niya sa akin. Agad niya akong sinampal sa pisnge. "Huwag kang maingay kung ayaw mong sumunod sa 3-C ni lolo." Sambit niya at agad nag lakad palayo.
YOU ARE READING
Class 3-C Has A Secret 3
Mystery / Thriller'New Batch, New School, New Secrets' Class 3c Has A Secret 3 (Fanfiction)
C15: AXHRA
Start from the beginning
