“What do you wanna be when you grow up?”
I blinked thrice habang nakatitig sa babaeng may pink headband. Her smile is contagious and her eyes is glimmering with happiness.
And I can't help but adore her cuteness.
“I don't know. Architect maybe?” I shrugged sabyay pout at kamot sa ulo.
Ano nga bang gusto ko paglaki ko? Masyado pa naman kaming bata para pag-usapan yun. Atat na atat na yata si Gabriela grumaduate eh.
“That's great! Now it's my turn, Ask me!” She beamed kaya napatawa nalang ako.
“Ikaw Gabriela, what do you want to be when you grow up?” I asked sheepishly sabay kindat sa kanya. She giggled a bit bago ako hinampas sa braso. Medyo masakit ha.
“That's gross, Gabriel!” Asar nito.
“Sagutin mo nalang.” I said as I roll my eyes at her.
“I want to be the girl by your side when you became an architect.” She said as she gave me an uptight smile. Natigilan ako ng wala sa oras at napatingin sa kanya. She's giving me an uptight smile but her eyes seems so sincere. I can almost hear my heart beating!
“Ano yaya kita?” I joked. My sweat is dripping from my forehead and my heartbeat is still unstable. Baka may sakit na ako?
“I want to be your wife, dummy!”
“GABRIEL!”
My eyes snapped open and the white ceiling of my room greeted me.
Weird enough, my heart is beating so fast and sweat is also dripping from my forehead.
Tangina anong panaginip yun? Why would I dream about that female dog? That was like how many years ago pa! Bakit bumabalik mga alaala niya? She gave me a curse and I should not care about her at all. Tae naman.
“GABRIEL!”
Bumukas ng marahas ang pintuan at iniluwa nun ang nanggagalaiting muka ng aking mamsikels. Jusko bad mood nanaman yata si mamsy. Ako nanaman pagdidiskitahan nito.
“Uso yung katok, mamsy.” Pagbibiro ko. Pero maattitude si mamsy dahil inirapan lang ako! Aba maattitude ka mamsy?
“Kanina pa kita tinatawag, hapon na tulog ka parin.”
“Ha?”
Napatingin agad ako sa orasan ng kwarto ko at tama nga si mamsy, alas dos na ng hapon! Buti nalang talaga weekend ngayon ampucha. Kinabahan ako dun.
“Hakdog? Maligo ka na nga! May bisita kapa sa baba.” At umalis na siya sa kwarto ko habang humahagikhik.
Did she just, giggled?
Labag man sa kalooban ko ay naligo nalang ako. Syempre di ko binilisan dahil duh kasalanan ko pang pumunta sila ng sabado? Kung kailan paniguradong sleeping beauty ang peg ko. Tsk.
“Ma! Asan sila?” Sigaw ko habang pababa ng hagdanan namin. Wala akong naaninag sa sala eh, pero naririnig ko na na may kausap si mamsy sa may kitchen. Pano pala kung budol budol lang yun?
“Ma—”
OH MY GAWD!
Halos lumabas ang puso ko nang makita kung sino ang kausap ni mamsy. Nakaharap sa banda ko ang isang lalaki, nakangiti ng malapad habang kausap si mamsy. Betlog yung dimple niya sumisilip!
“Gabriel, andito sina Kean.”
Napalingon sa akin si Kean, may ngiti parin sa labi. Parang slow motion pa nga ang nangyari eh. My gawd! Ang gwapo niya parin.

BINABASA MO ANG
She's into Gays
Teen Fiction🌈 Gabi has always been gay, and every sane person knows that yet there she was a sweet tease for him. Oh well like she said, "I'm into gays." She's into gays. /completed.