Chapter 22: I Felt It

299 4 6

Chapter 22: I Felt It

Josh’s POV

                Kinilig ako sa sinabi ni Dane at least alam ko na may pag-asa ako sa kanya, at mutual yong feelings namen.

                Anyways, pagkatapos nung Spin the Bottle game namin, nagyaya na yong girls na magpapahinga na daw sila, so sumunod na ren kaming mga boys. Pumasok na kami sa sari-sarili naming kwarto. Paghiga ko sa kama, hinde nakapag-pigil si Kyle. Sobrang saya daw niya, sobrang kilig naman si utol.

Kyle: Grabe, the best tong araw na to!

Carl: Ano naman Josh masasabe mo at mukhang gusto ka nga ni Dane.

Josh: Basta, masaya ako.

Kyle: Pero hinde naman kayo ahh!

Josh: Hinde naman kailangan ng label eh. Sabi niya nga diba, maybe not know, but certainly sooner or later.

Kyle: Sabagay, hinde naman talaga dapat minamadali yan eh.

Josh: Mismo!

Carl: Matulog na nga tayo, bukas sigurado sakit ng ulo natin.

                Nakatulog na si Carl, pati yong girls ata nakatulog na ren eh, wala na kasing maingay eh. Pero kame ni Kyle, giseng na giseng pa ren. Aburidong aburido na nga si Kyle eh, kanina pa nagyayayang lumabas at bored na daw siya.

Kyle: Boring talaga dito, tara na kase Josh labas tayo.

Josh: Tara na nga.

                Paglabas namin, nakita namin sina Jasmine at Dane naka-upo sa couch nanunuod ng Tv.

Kyle: Sakto.

                Bumaba kami ng hagdan tapos nilapitan sila. Umupo si Kyle sa tabi ni Jasmine, ako naman sa tabi ni Dane.

Dane: Bakit gising ka pa?

Josh: Can’t sleep eh. Ikaw?

Dane: Same.

                Nanunuod lang si Dane ng tv, habang ako nakatingin lang kina Jasmine at Kyle. Ang sweet nila, holding hands habang magkatabi. Nagkukulitan pa tapos nagtatawanan. Nakaka-inggit, kaya naman niyaya ko si Dane lumabas.

Josh: Tara labas tayo.

                Hinila ko siya tapos pinaupo ko muna sa upuan habang gumagawa ako ng bon fire. Lumapit siya saken, tapos tinanong ako.

Dane: Pano ko natuto gumawa ng apoy?

Josh: Ahh, boyscout ako date eh, sa States.

Dane: Oh, I see.

                Pagkatapos ko gumawa ng apoy, umupo kami sa may buhangin tapos tumabi siya saken. Hinawakan ko kamay niya.

Josh: Hinde mo lang alam kung gaano mo ko napasaya ngayong araw na to.

Dane: I’m glad that I made you happy.

Josh: Salamat.

Dane: Salamat din.

Josh: For what?

Dane: For teaching me how to trust.

Josh: I don’t get it.

Dane: I was a man-hater before. Pero simula nong nag-cross yong paths naten, nagbago ako bigla. Natuto na akong mag-tiwala at humanga sa mga lalaki, akala ko kasi noon sakit ng ulo lang madudulot saken ng mga lalake eh. Pero nung nakilala kita, don ko na-realize na meron pala akong isa pang side. The lighter side of me, yong marunong humanga sa lalake, yong marunong mag-appreciate ng mga bagay na dati hinde ko na-aappreciate.

Josh: I’m honored.

                Tumayo ako tapos hinila si Dane para makatayo din siya.

Josh: Dane can I ask you a favor?

Dane: Ano yon?

Josh: Can I hug you? Please?

                Lumapit siya saken tapos niyakap ako. Naramdaman ko yong puso ko, tumatalon.

Josh: Hug Me Tight and Never Let Go *I whispered*

                Naramdaman kong niyakap niya ako ng mas mahigpit, tapos yong ulo niya nasa shoulder ko. Parang at ease siya

Josh: Thank you *I whispered*

                Hinawakan ko yong right hand niya, habang naka-yakap pa ren kami sa isa’t isa.

Back To Where It Started, Back To YouBasahin ang storyang ito ng LIBRE!