Chapter 3: The Heist

Magsimula sa umpisa
                                                  

Sa balkonahe, nakaupo sa maliit na rocking chair si Miss Poppy at sumisimsim ng tsaa.

"Aalis ka na?" baling niya sa'kin nang may ngiti.

Humarap ako sa kanya, and for the sake of honesty, sinabi ko ang takot ko. "Paano kung hindi ako makabalik, anong mangyayari kay Lola, paaalisin mo ba siya?"

She pushed her chair gently for it to rock back and forth. Tila nagiisip siya.

"Hindi ako humihingi ng imposibleng bagay," muli niyang sabi habang nakatingin sa kawalan. Saka siya ngumiti ng makahulugan at muling sumimsim sa tasa ng tsaa. "Maghihintay kami." Kaway niya nang maglakad ako paalis.

Masyado siyang tiwala na kaya ko ang pinapagawa niya. Pero pag-gising ko palang ng umagang 'yon, alam kong may hindi magandang mangyayari.

--

Hapon bago ang pagtitipon. Nasa likod kami ng pub and Demetre was loading his old rickety truck with boxes of alcohol, beers, booze. Pinapanood ko siya sa gilid.

"Ang dami niyan," puna ko.

"Being the supplier to the guards of Night Court isn't bad business," kindat ni Demetre. In the past few days, hindi ko mapigilang magduda. Pakiramdam ko alam niya ang pagkatao ko.

Nang matapos siya, tumungo ako sa likod ng sasakyan at pumwesto sa mga kahon at lalagyang gawa sa kahoy. Demetre made a space enough for me to sit and sprawled my legs.

"Okay ka na dyan?" tanong niya habang pinagmamasdan ako.

Isa sa magandang ugali niya, kahit punong puno siya ng yabang, at kahit hindi niya alam ang eksaktong rason kung bakit ko ito ginagawa, hindi niya ako pinipigilan.

He might think I'm crazy, and he often tell it out loud to my face. Pero tinutulungan niya parin ako. Kahit pa pwede siyang mapahamak din kapag nagkamali ako dito. Pero tulad ng pinangako ko sa alak, hindi ko siya hihilain kasama ko.

Dumilim ang paningin ko nang takpan niya ng tela ang buong likod ng truck. Now nothing existed other than the smelly boxes of liquor beside me.

Umandar ang truck papunta sa direksyon na kailanman hindi ko pinangarap na marating.

If I tell you I'm not afraid, I would be lying. Sa sobrang takot ko sa araw na ito hindi ako nakatulog buong gabi. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang aking plano, naghahanap ng butas kung saan ako pwedeng magkamali para pigilan ito.

But not knowing about the Night Court gave me a foolish sense of confidence. Hindi ko alam ang aasahan ko, kung anong klase ng mga tao ang makakasalamuha ko. The supposed to be loyalty towards these people disgusts me the most.

Tinaas ko ng bahagya ang tela para sumilip sa labas. Lumubog na ang araw and the truck was heading up to a hill. Mula sa village madalas makita ang tuktok ng palasyo ng Night Court, pero natatakpan ang kabuuan nito ng nakapaligid na kakahuyan.

Bakit hindi nalang ang kakahuyan 'yon ang sinunog nila para madamay sila?

Bahagyang huminto ang sasakyan and I know we've arrived at the first gate. Sinabihan ako ni Demetre tungkol dito. May tatlong gate kaming dapat daanan bago makarating sa palasyo. Isa paglampas mo ng kakahuyan, pangalawa kapag narating mo ang palasyo, at isang gate sa likod kung saan dumadaan ang mga tulad ni Demetre. The main gate is only for the royalty and People of the Halls.

I was holding my breath the entire time habang nakatigil ang sasakyan. Pero hindi sila strikto dito basta may hawak kang gate pass mula sa palasyo. Demetre has one kaya madali kaming nakaalis.

Nagpatuloy ang byahe namin and I could make up the silhouette of looming trees on the side of the road. It must be the cold breeze nipping my skin dahil habang tumatagal, unti unti akong nanginginig.

Pagdating sa pangalawang gate, the guards started to check the back of the truck. Ini-angat nila ang tela para malaman kung ano ang laman nito. Inasahan na ito ni Demetre kaya nilagay niya ako sa pinaka-gitna, pinaliligiran ng mga kahon at hindi naabot ng mga kamay ng mga gwardiya.

Demetre, after all, is the supplier of their merriment. Kaya hindi na nakapagtataka na hindi sila mahigpit sa kanya. I little joke around, a little charm from him, and we were through once again.

Nakahinga ako ng maluwag nang magsimula ulit kaming magbyahe. Ngayon alam kong nakapasok na kami sa estate ng Night Court, lugar kung saan nakatayo ang mga Halls at ang mismong palasyo.

Ang huling gate ay sa palasyo kung saan namamalagi ang Hari at Reyna. Doon magaganap ang pagdiriwang. Sa oras na pumasok kami sa back gate, isa-isang ibaba ng mga guard ang laman ng sasakyan. Dito ako mahihirapan, ang pag-alis nang hindi nila napapansin.

Demetre has a plan in hand, at dahil din ayaw niyang madamay sa ano mang gulong dala ko. He would keep the two guards for a single minute and those sixty seconds must be enough for me to sneak out of the truck. Sixty seconds.

Ilang liko ang ginawa ng sasakyan bago dahan dahang huminto ng marating namin ang back gate. Through the fabric, I could see the shadows of the towers of the castle, the golden lights from the high conspicuous windows, and the busyness of the people at the back of the castle- their shouting and hurried steps.

Kapag huminto ang engine ng sasakyan, that's when my sixty seconds would start. Pero hindi pa man ako nakakapaghanda ay naputol ang engine nito at narinig ko si Demetre na may kausap.

Ito na ba 'yon? Should I start?

Several seconds had pass. Wala pang gumalaw sa tela o sa mga kahon sa likod ng truck. I keep my body still as I remove the fabric. I quickly scan what's in front of me. Ang likod ng palasyo, isang pinto kung saan labas-pasok ang ilang tao.

I slipped my body between boxes, careful not to cause any large movement, mingling my move among the noise. I was already on the edge of the truck, isang galaw nalang. Isang mabilis na talon and I could blend in with the people.

Natigilan ako nang maramdaman ang mga yapak. "Ito na ba ang mga 'yon? Mukhang madami ka yatang dala ngayon."

Napamura ako. Shit shit shit.

I forced myself to jump out of the truck, and I land on the ground, face first. I quickly raised my head and saw the pairs of dark booths made out of metal and leather walking towards me.

Out of terror and panic, I raised my open palm to the nearest source of light. In split-second we were envelope by darkness.

"Anong nangyari?"

I rolled out of the ground, tumayo, at tumakbo paalis. Sandaling nagkagulo ang paligid dahil sa pagkawala ng ilaw sa gates. Humahangos na tumakbo ako sa gilid ng palasyo, palayo sa kanila. Pumasok ako sa isang maze garden at doon hinabol ang hininga ko.

Pinagmasdan ko ang palad ko. A fading golden light still sits on it like a fog on the lines of my palms. Tulad ito ng bagay na lumabas sa kamay ni Miss Poppy nang gamutin niya ako.

Ito ang dahilan kung bakit ako ang napili niya.

***

#TheWickedCrown
Twitter: breatheapril

The Wicked CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon