8 "Fate, Hate"

53.1K 1K 39
                                          

8

"Fate, Hate"

AFTER CLASS

Hindi ako nakapagfocus sa class kanina. Kapag naaalala ko yung itsura ng mukha ni Cliff. Ang maamo nyang mukha, ang maganda nyang ngiti. Pero kanina, parang nanlilisik ang mga mata nya na puro luha. Natandaan nya kaya ako? Sana hindi sya galit sa'kin. Kamusta na kaya ang mga kamay nya. Sana nalinis na nya yun.

Iniisip ko pa din yun habang naglalakad ako. Kung makikita ko sya ngayon magsosori ako. Papagaanin ko ang loob nya, makabawi man lang ako sa pagtreat nya sa'kin.

"Ouch!"

Dahil nakatungo ako sa paglalakad at malalim ang iniisip hindi ko napansin na may kasalubong na pala ako. Nabangga ako sa pader – este dibdib ng isalng lalaki.

"Sorry sir. Hindi ko po sinasadya."

Hindi ko sya tiningnan para hindi nya makita ang mukha ko.

"Hoy miss, bulag ka ba? Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!!" sigaw nya sa'kin. Wala ako sa mood makipag-away.

"Sorry na nga po." Mahinahon ko pa ding sagot.

"Sorry? Kung nasaktan at nasugatan ako magagamit ko ba yang sorry mo? Bubulag bulag."

Eh ang sama pala ng ugali nitong lalaking 'to eh. Ako na nga ang nakayukong magsorry eh ayaw pang tanggapin. Pasensya sya, mainit ang ulo ko.

"Mas bulag ka. Ikaw 'tong nakatingin sa dinadaan eh binangga mo pa rin ako!!!!! Anong tingin mo sa'kin pader?" Tumingin ako sa kanya. "Ikaw? Ay kaya naman pala antipatiko." I folded my arms over my chest. "I am taking my sorry back."

"Ah, ang pwet ng baso." Bungad nya sa'kin.

"Hoy lalaking afro na parang walis tambo ang buhok, baka hindi ka pa nadala sa ginawa ko sa'yo." Alam kong nakapuntos ako sa kanya last time, kaya hindi ako natatakot.

"Aba, kung makapagsalita ka akala mo kung sino kang maganda. Hoy babaeng walang dibdib, hindi mo na ko ulit maiisahan. Dibdiban kita dyan makita mo."

Babaeng walang dibdib?! Napatakip naman ako sa dibdib ko. Napakabastos talaga nitong lalaking 'to. Napakawalang modo. Hindi marunong gumalang sa mga babae.

"Hindi ako magaaksaya ng panahong makipagusap sa'yo dahil yang lumalabas sa bibig mo ay kasing pangit ng mukha mo pati yang buhok mong kasing tigas ng walis tambo!"

Inirapan ko sya at umalis na ko. Pero nakakadalawang hakbang pa lang ako ng biglang may humawak sa pwet ko? Pwet ko ba?

"Wow, siksik. Virgin ka pa no?" habang tumatawa sya.

Humarap ako sa kanya. Gusto kong kumuha ng bato at ipukpok sa ulo nya. Napakamanyak nya. Sobrang bastos.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! BASTOS!"

Sisipain ko sana sya ulit sa eggs pero nakailag sya.

"No no no. Hindi mo na mauulit ang nagawa mo na." Nakaporma pa sya na parang tuwang-tuwa.

"Ah ganun ba. Eto hindi ko pa nagagawa!" Isang matinding bwelo ang uppercut na binigay ko sa kanya.

Upper cut na punong-puno ng galit, inis, at gigil sa manyak na katulad nya. Naibuhos ko din sa suntok na yun ang sakit na nararamdaman ko para kay Cliff.

Hindi man lang natumba yung manyak na lalaki. Pero natamaan ko sya.

"Babae ka ba talaga. Para kang lalaki kung sumuntok ah." Humawak sya sa baba na at para talaga syang nasaktan.

"Hindi lang dyan ang kaya kong gawin sa'yo manyak! Sa susunod na bastusin mo pa ko, hindi lang yan ang aabutin mo!"

Hindi agad nakakilos ang bastos na lalaki at nakahawak sa ulo na parang nahilo. Iniwanan ko syang nakatayo dun na nakahawak sa kanyang baba. Mabuti na lang at wala syang kasama. Baka pinabugbog na ko nun sa ginawa ko sa kanya.

Sobrang bastos. Ang kapal ng mukha. Naiiyak tuloy ako dahil sya yung kauna-unahang nakahawak sa – AAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Kill me now! Sobrang depress na ko. Binaboy nya ang pagkababae ko! 

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon