6 "Indirect Kiss"

60.5K 1.1K 35
                                          

6

"Indirect Kiss"

CAFETERIA

Kung pwede ko lang picturan 'tong moment na 'to ginawa ko na. Pamfacebook kaya 'to. Kaya lang ayoko namang isipin nya na pandisplay ko lang sya. Isa pa ayoko ding mabash ng mga fans nya.

Umorder na kami ni Cliff. Sandwich at white spaghetti ang inorder namin. Nagkaiba lang kami sa inumin, green tea kasi ang inorder nya at coffee naman sa'kin.

"So mahilig ka pala sa tea?" Pasimple kong tanong pero hindi ako nakatingin sa kanya.

"Yeah. Green tea ang iniinom ko every morning." Sabay zip sa cup of tea nya. Sobrang gwapo, parang commercial model ng green tea. Lahat kumikinang habang nainom sya. Napapanganga na lang ako.

"Talaga? Hindi ko pa kasi natry maggreen tea kasi hindi daw masarap." Umiwas ulit ako ng tingin bago nya pa ako mahuling nakatingin sa kanya.

Di ko kasi alam kung may mali ba sa sinabi ko. Hindi ko nga alam kung yun ba dapat ang sinasabi kapag ganitong situation. Ugh!

Magbasa ka kasi ng book about this Torrence.

"No. Masarap ang green tea dito. Try it. For sure magugustuhan mo." Pag-alok nya sa'kin.

Gosh! Itry ko daw yung green tea? Parang gusto ko yun ah.

"Okay lang bang itry ko?" Sobrang nahihiya kong tanong.

Parang nagulat naman sya. "Of course."

Kahit nahihiya ako kinuha ko pa din yung cup of tea nya at tinikman ko yung green tea. Grabe, para na din kaming nagkiss ni Cliff. Kakatuwa talaga. Kinikilig ako at parang baliw habang naiisip na nagkiss kami ni Cliff.

Parang nagulat si Cliff sa ginawa ko kaya naman ibinalik ko yung tea sa kanya.

"No no, sa'yo na yan." Itinulak nya yung cup papalapit sa'kin.

"Huh? Bakit? Ayaw mo na ba? Sabi mo kasi itry ko." I wiped my lips. Grabe nakakaoffend, ayaw na nya kasi ininuman ko na.

"Yeah itry mo, yung oorder ka ng isang cup of tea para sa'yo. Tss." Parang disappointed sya. Grabe na naman 'tong kahihiyan na ginawa ko.

Tsk. Hindi naman nya kasi nilinaw. Grabe naman ang katangahan ko, sumasagad.Syempre mayamanin nga pala 'tong si Cliff malamang hindi sya nainom sa ininuman na ng iba.

"Sorry. Ioorder na lang kita ng bago." Tatayo na sana ako para umorder ng bago.

Biglang tumunog ang cellphone nya. May nagtext ata, napangiti kasi sya.

"Wag na. Kailangan ko na din kasing umalis." Sagot nya sa akin habang nakatingin sa cellphone nya at nagrereply.

"Kasalanan ko ba kaya aalis ka na?" I feel so terrible. Grabe, siguro nandidiri na si Cliff sa'kin ngayon. Asal kalye ko kasi.

"Hindi. May gagawin pa kasi ako. Okay lang bang iwanan na kita dito?" Tanong nya habang nakatingin sa orasan.

Tumango ako."Sure, no problem."

"Okay." Tumayo na sya.

"Cliff." Ano bang sasabihin ko. Wala akong maisip. Bahala na nga.

Lumingon sya."Yes?"

Magtapat na kaya ako? Pero seryoso ba ako? Sa personal ko ba talaga sasabihin?

Parang hindi ko pala kaya. Makita ko lang yung mata nya na nakatingin sa'kin nauutal na ko. Hindi ko na alam ang sasabihin.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon