Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (I)

77.4K 1.8K 462

Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (I)

Divided Ch 71 in 2 parts kasi.. basta. Medyo mahaba kasi 'to kaya dinalawa ko na XD

Again, no soft copies for If I Fall. Wag na po kayong mangulit, di na talaga magbabago isip ko.

Comment and vote if you liked the chapter. Thank you so much for reading! Buti nakaabot kayo rito =))

**


Wala pang Graduation pero eto na ata ang pinakastressful na linggo para sa kanilang lahat. Kung kelan 3 weeks na lang bago mag-Graduation tsaka nagkaganito.

Bawat araw ay importante, lalo na pag palapit na ang pagtatapos ng isang bagay na importanteng bagay. Sa kanila, high school life ang magtatapos na yun.

Syempre, kelan pa ba nagkaron ng pagtatapos na di mahirap? Parang walang thrill pag natapos mo ang isang bagay na wala ka man lang pinagdaanang hirap.

Tama na nga 'tong preamble! Simulan na natin ang linggo na 'to, sa Student Teachers Week.


**


"Bagay ba sakin?"


Pangalawang outfit na itong suot ni Rocky na pinarada nya sa bestfriend nyang si 

Janine. Mga 1 hour na rin silang nagsusukat ng damit para sa first day nila as Student Teachers mamaya, at syempre 1 hour kasi mabagal magbihis si Rocky.

"H-ha?" spaced out pa rin si Janine. You know why. "Go for the pencil skirt and the red top na lang, ang hot mo dun."


Sinilip ulit ni Rocky ang itsura nya sa salamin. "Bakit ba di bagay sakin ang color blue? I always look good on red."

"At least you look good on something."


Habang nagpapalit si Rocky ay di nya maiwasang isipin kung may problema ba ang bestfriend nya. After kasi ng birthday celebration kahapon ni Chester medyo tumahimik ito. The couple didn't even bother to explain anything. Basta may something off sa dalawa. Yun lang.


Nang lumabas na si Rocky sa CR, tinanong na nya ang bestfriend. "Jan, are you okay?"


Janine resisted to roll her eyes before answering, "Yeah, I'm fine. Medyo agit lang ako kay Mrs. Yap. You know her, control b*tch extraordinaire."

Rocky laughed. "Oo nga eh. She's scary noh? To think she teaches 

speech to pre-school kids. Pero sakin kung makasigaw parang wala na tayong pagkatao."

Tumawa na rin si Janine, para marelieve ang tension sa loob nya. "Tama ka dyan! Dali, aayusan na kita. Alam mo naman yang boyfriend mo, masyadong hapit sa panunundo. Pagsabihan mo nga!"

"At pagsabihan mo rin yang si Chester, ang aga-aga manundo! Grabe, excited?"


Nakahinga na rin nang maluwag si Rocky. So her bestfriend's fine, kabado lang pala ito. That should be it. Sort of.

**


Sa kabilang dako naman tayo, kay Miss Values Teacher.


"ETO NGA KASI SUOTIN MO!! MUKHA KANG TAGA-SALBAKUTA DYAN!!"

"ANONG SALBAKUTA, CIELO? ANG LUMA NAMAN NG REFERENCE MO! FLIPTOP NA USO NGAYON!"

"EH MUKHA KA NAMANG GUSGUSIN!"

"DI PA TAPOS ANG ARRIVE KO! WALA PA AKONG ULING PARA MAGING KUMPLETONG GUSGUSIN NA!!"


Kanina pa kasi nag-aaway sina Cielo at Barbs. Masyado kasing na-excite si Cielo sa pagiging student teacher ng kapatid kaya pinamili nya ito ng damit. Knowing Barbs.. pahirapan bago nya isuot yan.


"Barbs naman! May dress code kaya yan!" frustrated na sabi ni Cielo. Hawak pa nito yung pencil skirt na binili nya for Barbs. "Kahit isang araw lang! Well wala ka namang isusuot na iba kaya eto na lang mga binili ko!"

"CIELO NAMAN!! AYOKO NGA MAGSUOT NYAN!!"

"Eh anong susuotin mo?"

"Jeans. Problema?"

"Yuck, feeling John Keating lang Barang? Di ka pang Dead Poets Society!! Values ituturo mo!"

Konti na lang at mababato na ni Barbs ang ate nya. She could be very very annoying sometimes. "Trip ko pang maging Salbakuta kesa magganyan. Ate ayoko talaga."

Defeated, binalik na lang ni Cielo ang skirt sa paper bag. "May slacks ako dyan, kasya naman ata sayo yun since pumaya--"

"DI AKO PUMAYAT!!"

"FINE!! Basta may slacks ako dun! Kahit yung tops lang ang suotin mo dyan okay na. Wag mo lang sayangin yan, si Mama nagbigay ng pambili nyan."

Medyo nakonsensya si Barbs dahil dun, excited din kasi ang Mama nya. After ng Prom may katiting na hope sa nanay nya na magiging babae na sya. 

"Tch. Kainis ka. Akin na nga yung purple na top. Peram na rin ng slacks, yun na gagamitin ko."

Todo ngiti naman ang ate nya sa sinabing yon. "Sure na yan ah? Basta mamaya may p--"

"ANONG PICTURE!? EXCUSE ME LANG!!! DALIAN MO YUNG SLACKS!!!"

**

Kanina pang walang imik si Wes. Since nung sinundo nila ni Chester sina Rocky at Janine di na sya nagsalita.


"Beh, okay ka lang?" tanong ni Rocky sa kanya pagkarating nila sa classroom. "Kanina mo pa ako di pinapansin. Is something bothering you?"

Umiling si Wes. "Wala.. wala. Kinakabahan lang ako para mamaya. Di ko alam gagawin ko."

Rocky reached out for this hand and squeezed it. "Student Principal ka, Wes. The highest spot. Wag ka na mag-alala."

"Tss.. di ako kinakabahan dun."

"Eh para san? You're weird."

He stared at her for awhile. "I'm worried about you."

"Ha!? Why? Hoy, if you're worried na mahirapan akong maglipat ng classroom, I assure you I'm fine. Though it's weird wearing flipflops in school."

"No, not that."



Naloloka na minsan si Rocky pag nage-English si Wes. "Naks. Sige nga, bakit?"

"You look so beautiful today. Baka kasi magkagusto sa'yo yung mga taga-Soc, mauupakan ko sila."

Di alam ni Rocky kung dapat ba syang kiligin o matakot sa sinabi ni Wes. "Teka lang ha, that's overboard. But thank you. Red's my color, right?"

"Kahit ROYGBIV pa suotin mo bagay na bagay sa beh ko! Ay wait, I have something for you," at inabot ni Wes ang isang pin kay Rocky. "Wear this."

"HOY GRABE KA NAMAN!! WHAT'S THIS!!" she exclaimed. Pano ba naman, binigyan sya ni Wes ng pin na may "BEH". "Isusuot ko 'to?"

"I must protect my territories. Aba, mahirap na atang masakop."

"So you think papasakop ako sa iba? Wow lang ah."

"Alam ko namang di ka papasakop. Para lumayo lang sila sa'yo, diba? Minsan lang e. Wear it, please?"

Since ang gwapo ni Wes sa mga mata nya ngayon, she obliged. "Fine. Pero dito ko ilalagay sa may ID ko. Grabe ka, kung anu-ano naiisip mo."

Wes grinned at her. "Dapat lang! Anything for my beh."

**

Si Chester ang nagpreside ng morning assembly since sya ang counterpart ni Panot. After ng assembly, isa-isang pinakilala sa student body ang student teachers.

Of course, sigawan dun sa mga poging student teachers (pero may ilang nag-"Aaww" nang iannounce si Wes kasi di naman sya magtuturo). Pero ang pinaka-epic sa lahat?

Ay nung inannounce na Values teacher si Barbs.


"Grabe B, I can't believe it!" natatawang sabi ni Janine habang pababa sila ng stage. "Literal na nganga sa'yo lahat!"

"Psh. Kasalanan ko ba? Leche sino bang maniniwala na Values ang ituturo ko!? Psh. Values? Kagaguhan!" Sinitsitan sya ni Chester, naks Panot na Panot.

"May gagawin ka na ba for your class? Alam mong boring talaga ang Values!" sabi ni Rocky. "Di ko nga alam ituturo ko sa Physics. Nasa circuits ata yung last."

"Magbabasa na lang kami ng Bible!!"

"B, di theology ang ituturo mo." - Vivien

Natawa bigla si Wes. "S-sorry Pugs, naimagine ko lang na nagtuturo ka ng Old Testament."

Sumama agad ang tingin ni Barbs kay Wes. "Sunugin ko office mo mamaya eh! Para dagdag na sa resumé ko ang pagiging arsonist!!"

**

Okay naman ang first day of classes nila. Si Cyrus, as expected, ay pinagkaguluhan ng Junior girls, lalo na kasi basketball ang last PE nila for the year. Si Chester naman feel na feel ang pagiging Prefect of Discipline, marami syang nasasagap na kung anu-ano sa Guidance Office. Busy naman si Janine sa pag-aayos ng details for their Graduation Ball. Mabait naman na Math teacher si Vivien. Si Rocky parang barkada lang ang tinuturuan sa Physics.


Eh si Barbs?


*kruuu kruuu*


Unang klase nya ngayon ay 1st year, saktong klase nina Jenica.

At first nakalimutan na nya yung mga batang yun, pero nang marinig nya ang mga boses nila.. nainis sya. Napaka unruly ng klase!


"HOY GALILEO DI BA KAYO TATAHIMIK!?"


Agad na tumahimik ang klase, natakot ata kay Barbs. Good, she thought. "Isang araw lang ako magkaklase sa inyo kaya makisama na lang k--"

"Buti isang 

araw lang!"


Uminit talaga ang tenga ni Barbs dahil sa sinabing yun. Alam nyang si Jenica yun. Syempre, natatandaan pa rin nya ang rule: dapat kung may aawayin ka, maintain your class. Of course madalas nyang makalimutan yan pero ngayong sya ang Values teacher, dapat nyang ipakita yun. "Anong sabi mo, Ms. Maniego?"

Tinaasan sya ni Jenica ng kilay. "Wala po, Ms. Ramirez."

Nahalata ni Barbs na pinipilit ni Jenica na gayahin si Janine nung first year sila. Malandi si Janine, kasi di naman sya bastos sa teachers, kahit sa student teachers.

"Ah wala? Excuse me," medyo natawa pa si Barbs," if you're hoping that I would send you to the Prefect's Office, you're wrong. Magkamatayan na tayo bago ka malapit sa bestfriend ko. Geddit?"

At dahil dun namutla sa takot si Jenica. Pati ang buong klase. Evil vibe kasi talaga ang meron si Barbs. Tinignan nito ang oras sa phone nya. "45 minutes to go, class. Anong gusto nyong gawin?" Umupo pa sya sa teacher's table.

Walang nagsalita sa klase. Sino 

ba ang may gusto na mabara ni Barbs?

Nakaramdam na rin si Barbs ng awkwardness kaya nagsalita sya. "Never kong inimagine na magiging student teacher ako ng Values. I always wanted to be the History teacher. Marami akong matuturo about sa History kesa Values. Tch, Values? Kailangan bang ituro ang Values? Who says yes? Raise your hands!" walang nagtaas ng kamay. "Di ako mangangain o mamamato ng eraser. Taas ng kamay!" May ilan na nagtaas ng kamay. "Good. So di lang ako nag-iisa. I firmly believe na di naman kailangan ng Values sa HS curriculum. Sana tinuruan na lang tayo ng iba pang subject na makakatulong sa college. Sayang pera!

Pero don't ever take this subject for granted, lalo na ako. Isang oras lang hinihingi ko sa inyo, kahit wala akong alam na gagawin natin. Kahit ayaw nyo, may grade pa rin 'tong subject na 'to. Kahit ayaw o takot kayo sakin, tandaan nyo na mas mataas ako ngayon kesa sa inyo kasi ako ang teacher nyo. So what kung mas magaling kayong sumayaw o sobrang genius nyo sa Math? I don't effin care. Sa trabaho, fine magagamit nyo yan. Gamitan nyo ng Law of Cosines or whatever ang pagbibiyahe nyo. Pero pag kinaharap nyo na ang "harsh realities" tignan na lang natin kung magamit nyo yan.

That's why we need values, we need experiences. Wag tayong maging booksmart forever. Be streetsmart also. And the values. Learn to respect people, especially those who are older than you. Kasi kung magaling ka nga sa isang field pero mas lamang sya sayo in terms of life experiences, kulang ka. At least sya naenjoy nya ang buhay. Ikaw? Subsob mo yang mukha mo sa Math book forever."


Di alam ni Barbs kung saan nya nahugot ang mga pinagsasabi nya. Basta she felt right about what she said. At least napoint out nya sa mga batang 'to kung ano ba talaga ang dapat.


Surprisingly, may pumalakpak sa likuran. Followed by some in the front row. Then the whole classed clapped, syempre pilit lang si Jenica.


"Okay one rule, don't kiss my @ss. Not literally, though. Kung 

ayaw nyo talaga sakin, then don't clap. Di ko kailangan ng fake sa 33 minutes ko pa sa klase na 'to."


"Okay nga po kayo Ms. Barbs eh! Astig!!"

"Kwento pa kayo, Miss!!"

"Ang dami nyong alam!"


She can't believe it. Students actually liked her. Unexpected talaga 'to. "Fine, what do you want to know?"


After ng ilang kwento at sharings, natapos na rin ang first class ni Barbs. In fairness natuwa talaga sa kanya ang I-Galileo (ewan lang nya kay Jenica). So pwede naman pala syang magturo, iba nga lang ang style. Feeling nya tuloy sya si John Keating sa Dead Poets Society, minus the poems tho.

She could survive this week!

**

Sabay namang naglunch sina Chester at Janine sa canteen. Of course, dun sila sa space for teachers tumambay.


"So.. what happened?"

Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Janine. "No avail, Chester. Ayaw patinag ni Papa."

"Did you talk to him? As in talk na talk, di yung pacute na usap?"

"I did everything I can! Wala talaga. This sucks!" she took a large 

scoop of ice cream and stuffed it inside her mouth. "Di mo kilala si Papa. He's such a control freak."

"Kaya pa yan, Ja. End of the month pa naman yung d--"


"Ba't ang seryoso nyo ata dyan!?"


Medyo nagitla ang dalawa sa biglang pagsulpot nina Rocky at Wes. Buti na lang di masyadong narinig ang usapan nila. "W-wala! We're just talking about the Grad Ball," Janine lied.

Naging interested naman si Wes. "Kamusta na nga pala yun? Tuloy ba?"

"Yup, tuloy na tuloy. Hoy bru, I need a good mixtape for that event!"

"On it! Alam mo naman, that's my specialty!! And besides, babawi ako noh. Mas gagandahan ko pa yung playlist kesa nung Prom! Last na eh!"

May konting kirot kay Janine nung pagkasabi ni Rocky ng 'last na eh'. Di nya masabi sa bestfriend ang problema nya. As usual ayaw nyang makadagdag sa alalahanin nito, but knowing Rocky, she'll do everything para di sya matuloy sa balak ng daddy nya.

**

TUESDAY


Everything's going well.. except..


"Ano ba yan, Bibi! Paranoid much?"

Sinamaan ni Vivien ng tingin ang kausap. "Eehh kasi.. it's weird! Nag-aalala lang ako noh!"

Sila lang kasi ang tao sa makeshift teacher's lounge sa high school library. Break time nilang dalawa ngayon. "Teka nga.. so you're telling me he's avoiding you since Prom?"

She nodded. "Pero hinatid pa nya ako sa bahay. Out of courtesy siguro. But it's weird! Like yesterday, nagkulang ako ng chalk nung nagtuturo ako sa Archi. Then sya yung teacher sa Soc, right? Nanghingi ako ng chalk pero di nya ako binigyan. What's with that?"

"Di naman kaya.."

"Barbs wag kang mambitin, please?"

Natawa naman si Barbs. "Sometimes nakakatuwa kang makitang frustrated, alam mo yun? Maybe he likes you. You know, the romcom clichéd sht stuff. Boring."

"He likes me tapos iiwasan nya ako? That's weird."

"Maybe he's wired that way. Nako, wag mo nang pansinin yang si Karl. Pasalamat ka di kayo magkasama sa Diliman. Akalain mo, Bio yun dun? Psh."

Saktong pumasok si Karl sa lib, kaya tumahimik silang dalawa. 

Para di awkward, kinausap ni Barbs si Karl. "Yo mamehn! Musta Econ? Kasuka ba?"

"I can manage, thanks."

Napa-Freeza imitation face bigla si Barbs. The fck is that sht? Ba't ang icy ng epal na 'to? Kinuha lang nito ang class record at umalis na rin.

"Shet na malagket seriously mukha syang gago. Ice Prince ang peg? Di bagay!"

"Sshh Barbs! Ano kayang problema nun? May ginawa ba akong masama?"

Napailing na lang si Barbs. "Nako, kung nung mismong Prom okay pa kayo tapos di ka na nya kinausap after.. baka may nangyari something in between? I dunno, di ko naman kayo napansin nun eh. Mag-isip ka nga! Baka ikaw may kasalanan."


Saglit na napaisip si Vivien. At sa pagkakatanda nya, wala naman syang nagawang masama.

**

Lumakas ang loob ni Barbs sa pagtuturo ng Values. Wala syang sinusunod sa lesson plan nya. Instead iba pa ang naisip nya: nagpa-Amazing Race sya sa school nung 2nd year class na ang hawak nya. Saktong team work ang topic sa discussion ng adviser ng 2nd year classes 

kaya approved ang activity nya.

At kumalat sa buong HS department: effective teacher si Barbara Ramirez. Wala pa ang teacher's evaluation pero isa na sya sa matunog na pangalan na may Top Performance according to the students.


(_ _ ) Itsura ni Barbs nang makarating sya sa 'lounge' nila. Nandun kasi si Cyrus. Nakalimutan nyang break din ng loko ngayon. She managed to close the door quietly, at buti na lang naka-earphones ang lalaki.


"Ninja ka ba?"


Nagitla na naman sya dun. "Pakyu, don't scare me like that." Umupo sya sa pwesto nila, na sobrang layo sa pwesto ni Cyrus; halos dulo-dulo sila ng room.

"Galing mo raw na teacher ah," puna ni Cyrus habang nagchecheck sya ng quizzes. "Talo mo pa raw si Rocky sa performance. Nice."

"Tch. No sweat. Bata lang naman kasi y-- hey. Why are you staring at me like that? Look away."

Natawa na lang si Cyrus. "Wala lang. Nakakapanibago lang na makita kang naka..ganyan."

Pasimpleng tinignan ni Barbs ang outfit nya, slacks at red blouse. "Napilitan lang. Baka mapatay ako ni Cielo pag di ko 'to isusuot."

"You should wear skirts. Para magmukha ka namang babae. Akala ko crew ka sa isang restaurant."

"UMAYOS KA D--"

"I'm kidding!" wala na, tumawa na si Cyrus. "Di na mabiro 'to!"

"Akala mo nakakatawa ka, gago." Pero she found herself smiling, for 3 seconds. "Magcheck ka na lang dyan."

"Skirt or dress, para mabago naman. Oh, Grad Ball. Magdress ka dun."

"Kelan ka pa naging stylist, ha?"

Tinignan na ulit sya ni Cyrus. "Masama ba? Pambawi lang dun sa gown na tinapon mo nung Prom. Sige, magchecheck pa ako. Matutulog ka lang naman dyan."


Marami pang sinasabi si Barbs na pang-iinis kay Cyrus kaso the guy ignored her, pero nakangiti ito. But the weirdest part of that talk?

In the end, she found herself considering his suggestion.

**

Busy day sa Guidance Office ngayon. May ilang students kasi na magcocommunity service, may ilang nagsuntukan at kung anu-ano pang offense. Gusto na ngang mamato ni Chester sa sobrang stress.

"Uuhh Mr. Sison!" greet sa kanya ni Panot bago sya pumasok ng office. May dala syang maliit na box.

"Bakit po, Sir?"

"Eto nga pala yung confiscated phones today. Mga bata talaga! Porke student teachers ang nasa klase nagcecellphone na!" umiling pa ito. "Oh, parecord na lang nyan sa log book, yung color red. May list dyan sa box."

Nakahinga naman ng maluwag si Chester, at last magaan na trabaho! Marami-rami ring phones ang naconfiscate si Panot.

Nasa kalagitnaan sya ng paglilista nang may magring na phone.

iPhone 4s.

He tried to unlock the phone, kaso may passcode. Ibabalik nya sana ang phone when something caught his eye.


Si Barbs. Na nakadress.


"What the.." he can't believe it. Akala nya kahawig lang ni Barbs yun. Pero hindi, si Barbs talaga yun. Alam na alam nya ang hugis ng mukha ng bestfriend nya.

Kaninong phone 'to? Hinanap nya ang may-ari ng 4s sa listahan. And lo and behold, he couldn't believe it.


Seth Bello owns the phone.

"What's going on!?"


**

WEDNESDAY


(O____O)


"Hoy. Bakit?"


(O____O)


"Ah pucha ano bang problema nyo sakin!?"


(O____O)


"HOY KINAKAUSAP KAYO!!!"


Nakailang sigaw na si Barbs pero ayaw pa ring patinag ng mga tao sa library sa pagtitig sa kanya na may meaning. Una kasi di nila dapat papansinin, pero kapansin-pansin talaga!


Muntik nang maibato ni Barbs ang planner nya sa mga 'yon. "What's wrong?"


"BAKIT NA NAKA-SKIRT?!"


Gusto na nyang palamunin ang sarili sa lupa. Actually trip lang nya na mag-skirt ngayon kasi wala nang slacks si Cielo at nasa labahan pa yung mga ginamit nya. Alangang magbasketball shorts sya, diba?

"Pucha bawal magskirt?" pa-cool pa syang umupo sa silya. "Wala na akong slacks. Tapos. Now go on with your lives please?"


Manghang-mangha pa rin si Wes sa itsura ni Barbs. "Grabe Barbara.. dapat pala matagal ka na nagganyan."

"Hoy gago wag mo akong landiin puputulin ko yang glorya mo," pananakot nya. "Rachel Anne pagsabihan mo nga yang syota mo masasapak ko yan."



Hinihintay ni Barbs na magreact si Rocky kaso wala. Yun pala..


"I totally agree with you, beh! She looks so beautiful!! B always do that ha?"


(_ _ ) "Lul! Tumahimik ka nga dyan! Magsyota nga kayo!!" Saktong pumasok si Chester sa lib. "Hoy Chester, inaaway ako ng mga gunggong na yan. Awayin mo nga!"


He was taken aback by her appearance. Di pa rin kasi nagsisink-in sa kanya yung picture ni Barbs sa 4s ni Seth. Ngayong nakita nya ulit na bihis-babae ang bestfriend.. nagtataka na talaga sya. Ano bang meron kina Barbs at Se--


"Sison! Hoy!!" paninigaw na ni Barbs. "Wala bang backup dyan?"

Of course, he hid his suspicions. "Wala. Kasi ang ganda mo nga ngayon."


"CHE!! MGA HESTAS KAYO!! Sana kunin na kayo lahat ng Kepler!!"

"Pano naman napunta si Kepler dito, B?" natatawang tanong ni Vivien.

Kinuha na ni Barbs ang gamit nya, may klase na kasi sya sa 3rd year ngayong umaga. "Ogags, wala lang akong masabi!! Byeee!!" at umalis na sya sa lib nang nagdadabog.

**

Natutuwa si Barbs 

sa outcome ng pagtuturo nya ng Values. Wala syang pake sa evaluation, at least alam nyang naeenjoy ng mga bata yung ginagawa nya. Tulad ngayon sa klase nya sa 3rd year, pinapanood nya sa klase ang Breakfast Club at pina-identify ang values na makukuha dun. 2 in 1 na nga ang klase nya.


"Pano ba yan class," medyo nang-aasar nyang sabi sa klase, "Bye na ah? Wag kayong pasaway! Next teacher nyo si Ms. Padilla, barkada ko yun. Uupakan ko mang-alipusta don."

"Grabe naman maka-alipusta, Ma'am Barbs!" sabi ng isang kadete nya. "Mabait naman kami, diba guys?" Sumang-ayon ang klase.

"Che! Basta, ayusin nyo pagbibigay ng evaluation sa teachers nyo. Wag kayong pacute, sasapakin ko kayo."

Medyo natagalan pa nga sya sa paglabas sa room, todo goodbye kasi sa kanya ang mga estudyante. Si Vivien nga, napasali pa sa trip ng mga yon.


Deep inside naiiyak si Barbs. Akala nya walang makakaappreciate sa kanya sa pagiging teacher. Next class nya ay sa.. Socrates. Dammit, klase nina Seth. Okay lang, sabi nya sa sarili, may one hour break pa naman sya bago magklase na yun. She decided to go back to the lounge, matutulog na lang sya.


Pero pagkabukas nya ng pinto, she felt something weird. No, may weird talagang nangyayari. Pinagtitinginan sya ng mga nakakasalubong nya, must be because of her attire. Di na lang nya pinansin.

"Tanginaaaa! Ayoko na ta--" natigilan sya sa pagbubukas ng pinto nang may marinig syang familiar na boses..

Atin-atin lang to ha? Alam mo ba yung Wattpad? Website yun for online stories. May isang story dun, yung You're The One That I Want. Shet ang corny ng title diba? Alam mo ba kung sinong author nun?


Nanlamig sya agad.

No. This is not happening.


Si notanotherfairytale.


Ako si notanotherfairytale ng Wattpad. Isa akong teen fiction writer. That's right. Ang isa sa non-conformists ng Charleston Academy, maton.. ay isang writer. Based yon sa buhay ko, ng mga kaibigan ko.. at lalo na nung eps na si Cyrus Casabueno.

Yung time capsule.

Pinapanood nina Rocky. Sa isang laptop.

Magsasalita na sana sya nang maramdaman nyang may tao sa likuran. "Sht, sht what the fck."

Si Cyrus pala yun, hinihingal.

At dahil dun, napunta ang atensyon ng mga nanonood sa dalawang taong nasa pinto.

This is how it started.

Barbs' worst day ever.


************

I'll try to update this weekend! Try lang ah XD Comment and vote if you liked the chapter!

If I FallRead this story for FREE!