SDTR: Kabanata 19

133K 3.1K 261
                                    

SDTR: Kabanata 19

Nakipag sukatan siya ng tingin saakin pero pinagtaasan ko lang siya ng kilay..

"My God. Ikaw na nga itong kabit, ikaw pa ang may lakas ng loob na maging matapang?!" Medyo tumataas na ang boses niya at nakikita kong naiinis na rin siya saakin.

"Bakit? Gusto mo manahimik ako? Well I'm sorry, Briana? Hindi ako katulad ng iniisip mo." Pagtataray ko atsaka tinalikuran ko na siya dala dala ang laruan na pinapabili ni Seb saakin, naramdaman kong sumunod siya saakin hanggang sa cashier, dala niya rin ang laruan na napili niya.

Cash ang ibinayad ko, "Here, card ng asawa ko." Inabot niya doon sa cashier ang card na may pangalan ni Ethan, bumaling siya saakin na may nakakalokong ngiti.

"Mahirap talaga kapag umaasa ka lang." Bulong ko at naglakad na ako paalis nang maiabot saakin ng kahera ang plastik na may lamang laruan. Sa totoo lang nanginginig ang kalamnan ko, ni hindi ko alam kung saan ko nahihila ang lakas ng loob para makipag sagutan kay Briana. Hindi ko alam kung bakit nakakaya kong sikmurain ang mga panunuyang sinasabi niya saakin.

Nakalabas na ako't lahat ng mall pero hindi niya pa rin ako tinantanan, bubuksan ko na sana ang taxi na huminto sa harapan ko pero hinila niya ang kamay ko at tinitigan niya ako ng sobrang talim.

Hinila ko ng marahas ang kamay ko, "Tandaan mo, hangga't kasal kami sa batas hinding hindi mo siya maaagaw saakin!" Pagmamatigas niya, matapang si Briana kitang kita ko iyon sa mga mata niyang nag aalab ang galit saakin.

Hindi ako nagbitiw ng tingin sakanya, at bago ako sumakay ng taxi sinabi ko sakanya ang mga salitang nagpagulat sakanya.

"You are just wasting your time Briana my dear. Because you and your beliefs doesn't matter as long as I am here." Mariin na pahayag ko sakanya.

Halos humugot ako ng napakalalim na paghinga para lang masabi kong humihinga pa ako. Hinawakan ko ang kaliwang bahagi ng dibdib ko, buong buhay ko ngayon lang ako nakipag agawan ng hindi ko pag aari. Masakit palang talaga. Pero kinakaya ko dahil mahal na mahal ko siya.

____

Napatigil sa pag inom ng tubig si Ethan nang mapansin niyang pumasok ako sa unit niya, nakabihis na siya at mukhang handa nang pumasok sa school.

Lumapit siya saakin at kaagad akong binigyan ng sandaling halik sa labi. "Tagal mo baby, maya maya papasok na ako. Kumain ka na ba?" Litanya niya at kinuha niya ang dala kong plastik saka hinila niya ako papunta sa sala.

"Busog ako." Sagot ko sakanya, pinilit kong siglahan ang boses ko. Ayokong malaman niya na nagkikita kami ni Briana ng hindi sinasadiya at nagkakaroon ng pagtatalo. Hangga't maaari kailangan kong iwasan na madagdagan ang pinoproblema niya.

"Pumasok ka na, malelate ka na." Suway ko sakanya, tumingin siya sa wrist watch niya at napangiwi siya. "Alright, isa lang naman ang klase ko. Kumain ka kapag nagutom ka, nagluto ako baby. Sinigang." Sabi niya saka kinindatan ako.

"Masarap ba yang sinigang mo?" Pang aasar ko sakanya, "Kumain ka, baka mas lalo mo akong mahalin kapag natikman mo." Natatawang sabi niya, kinurot ko siya sa tagiliran niya na naging dahilan ng paghalakhak niya.

"Sige na pumasok ka na." Ulit ko sakanya, tumango siya at niyakap ako saka hinalikan ang labi ko. "Spoiled na sayo si Seb, binilan mo pa talaga ng laruan. Pasok na ako." Aniya atsaka hinalikan ang noo ko bago pa siya tuluyan umalis.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa sofa at humugot ako ng humagot ng malalim na paghinga. "Kaya mo pa ba Claire?" Bulong ko sa sarili ko, buong buhay ko ngayon lang ako walang nakakausap sa problema ko. Madalas kong sabihan si Jenica, pero heto kami ngayon hindi nagkakaintindihan. Si Ara naman alam kong may pinoproblema rin siya kaya naman ayoko nang dagdagan pa iyon.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon