CHAPTER ONE

121 3 1
                                    

A/n: Dahil nakulangan kayo sa book 1 dito ko na itutuloy ang lahat ng pangyayari,  kung matutuloy pa ba ang kasal nila o hindi? May nabasa ba kayo sa huli na ikinasal na sila? Sa totoo lang inedit ko yun.. Ayoko na talagang maging spoiler so support it and goodluck sa mga readers ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mahigit tatlong taon ang naging relasyon nina Harry at Allison.

Patuloy ang pananahimik ng buhay nila.. Sunud-sunod din ang mga trahedya na nagdaan sa kanila... At sa kabutihang palad natapos din yun..

Pero hanggang kailan pa ba ang pananahimik nila?

[POINT OF VIEW : ALLISON]

     Matagal na kaming engaged ni Harry,  after 3months na gaganapin ang kasal namin..

Di ko alam,  na sa kabila ng mga pagbabangayan namin,  kami pa ang magkakatuluyan,  kaya totoo ang kasabihan na,  the more you hate,  the more you love.

Actually nag-stop na ako sa pagtuturo. Si Harry naman nagtatrabaho bilang CEO sa company na iniwan ni Thyler.

Di pa kami magka-live in actually nakatira parin naman ako sa bahay nila mama.

So kasama ko si Harry,  galing kasi siya sa trabaho at dumeretso muna dito.

"Hon,  alam mo papalapit na papalapit na ang kasal natin,  di na ako makapaghintay. "Sabi nito na hawak ang kamay ko.

"Hon? "Tanong ko.

"Oo,  from now on yan na ang tawagan natin okay? Pag babe kasi para sa panandaliang relasyon lang yan eh. "

"Oh? Talaga ba? Naku kala mo talaga nagkaroon na ng maraming ex eh.. Pero sa totoo lang ba as in wala ka pa talagang niligawan?"

"Sa buong buhay ko never pa ako nanligaw ." Harry.

"Sabagay nga naman no? Di mo naman ako niligawan "pairap na sabi ko.

"Alam mo hon,  kahit di ko ginawa ang bagay na yun sa'yo,  atleast ikaw lang ang minahal ko. "Niyakap niya ako.

"Talaga lang ah? "

"Ehem! Give respect to me naman! Ako lang single dito eh.! " andyan pala si Timothy nanonood din pala dito sa sala. Pinsan ko sa side ni papa.

Kaya napakalas kami sa pagyakap.

"Andyan ka pala ba't di ka kasi nagsasalita? "Tanong ko sa kanya.

"Aba alangan namang istorbohin ko kayo? Ngayon lang naman ako nakapag-react dahil kinakagat na ako ng langgam dito eh. "Pabirong sabi nito.

"Ewan ko sa'yo Timmy,  bakit di ka na lang kasi maghanap? "Harry.

"Choice ko maging single bro.. "

"Ang sabihin mo babaero ka lang,  naku naman.. "Sabi ko.

"You can't blame me cousin,  I'm just friendly.. "

"Ewan ko sa'yo Timmy.. "Binato ko siya ng unan.

"Alam mo sayang kung di lang kita pinsan sineryoso kita. "

"Kaya pasalamat ako dahil naging pinsan kita,  diba? "

"Kasi pogi? "

"No.. Mabubugbog kita. "

"Aray ha? Napakabrutal mo naman,  Harry napagtiyagaan mo yan? "

"Oo kapag mahal mo... Kailangan pagtiyagaan mo kahit ano pa ang ugali niya. "

"Bahala kayo.. "Timothy.

Tumayo na si Harry.

"Ahmm hon kailangan ko nang umalis para makapagpahinga na. May meeting pa kami bukas eh.. "

JUST FIGHT FOR US [BOOK II OF THAT LITTLE GIRL IS OUR BUTLER?] (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon