[3] Chili Con Carne

Start from the beginning
                                    

"Ayan okay na" Pero pinipigil nya padin tawa nya. Suntukin ko to eh, pero di pala pwede. Baka ako pa nabugbog.

"Oh tapos ka na? Una na ako." Nagsmirk nalang ako at iniwan sya

"Wait!" ano na namang problema nito?

"Mukhang gutom ka, libre na kita. Para naman quits na tayo." Libre? Hmmm. Sumama na kaya ako? Gutom na kasi ako eh. Pero pag ayoko nga, pachix ako eh.

"Wag nalang." 

"Pakipot ka pa, alam ko namang magsasalita na naman yang tiyan mo." At tumawa na naman tong babaeng to.

"Tara!"

Naglakad na siya at syempre, sinundan ko nalang. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad. Sexy pala to, tsaka maganda buhok. Ano ba yan bakit ko ba sinasabi to? Nahawa na siguro ako sa kaadikan ni kuya.

Napansin kong tumigil siya sa tapat ng isang korean restaurant. Wow, di pala to kuripot.

Papasok na sana ako sa restaurabt ng biglang..

"Hoy singkit! San ka pupunta? Dito tayo oh!"

Nanlaki yung mata ko nung nakita kong sa karinderya nya ako dinala. Adik to! Baka may balak lasunin ako.

"Tara na!" Pumasok siya dun sa karinderya at umorder na.

"Ayoko na aalis na ako." paalis na sana ako ng bigla siyang sumulpot sa harap ko.

"Oi san ka pupunta? Umupo ka. Ako na oorder ng kakainin mo. Yun yung favorite ko eh."

"Tsss. Sige na." No choice, baka bugbugin na naman ako nito. Naupo nalang ako.

Pumunta siya at umorder. Nginitian nya yung sa may counter at alam na agad nila yung order nya. Lagi siguro yong nandito. Di naman sila mahirap, laki nga ng bahay eh. Kuripot lang talaga siguro.

Umupo na sya sa harap ko at dumating ung waiter. Hinanda na ung pagkain at ito namang panget na to, parang patay gutom. Ako nga tong tumutunog na yung tiyan tapos siya pa ung parang baboy kumain.

"Oh kain na! Masarap yan!" Nagsasalita sya habang may laman yung bibig nya. Ano bang babae to. Walang manners. Kakaiba talaga, di katulad nung mga babaeng nakabuntot sa akin na grabe mag-make up at grabe magpacute sakin.

"Baka may lason to ah!" 

"Sus. Wala kumain ka nalang." Nagpatuloy lang sya kumain at ako namab sumubo na ako.

SHET

SHET TALAGA

PAPATAYIN AKO NITONG BABAENG TO. BAKIT CHILI CON CARNE PINAKAIN NITO SAKIN?!?!?! ALLERGIC AKO SA MAANGHANG!

"tu..big" nanlaki mata ni panget. Hindi ko na masyado marinig yung paligid ko, nagdidilim na ung paningin ko. Pag ako gumaling na, lagot talaga to sa akin.

Raine's POV

*Flashback March 21, 2005*

"Aki...*huk* wag ka mamamatay. *Huk* di ko naman sinasadya na *huk* pakainin ka ng chili con carne*huk*" Dinala na si Aki sa emergency room ng nga nurse at doctor. Tanga ko kasi, hindi ko man lang alam na allergic sya sa maanghang.

Umiiyak padin ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Ang pula-pula ng buong katawan nya at namamaga yung mukha niya. Kasalanan ko to :(((

Pabalik-balik ako sa ospital ng isang linggo. Hehe joke lang. Dalawang araw lang. Ano bang magagawa ng isang 9-year old na katulad ko sa ganitong sitwasyon?

Lumabas si kuya doctor galing sa kwarto ni Aki. Tinanong ko siya kung okay na. Buti nalang at medyo okay na daw.

Pumasok ako sa kwarto niya at tinabihan sya. Unti-unti nyang binuksan yung mga mata nya at nginitian ako.

"Sana pala lagi nalang ako may sakit para ikaw agad unang nakikita ko." Eh dahil crush ko siya (shhhh. readers quiet lang kayo ha), blush naman ako :*>

"Aphrodite, masyado ka ng masaya. Ngiti mo abot tenga na." Napatawa si Aki. Tss. Kainis to, halata ba talaga? Hinampas ko nga.

"Aray, aray. Tama na." Namula na naman tuloy. Nako, tama na nga. Baka mamamatay na to.

"Wag mo naman ako patayin. Ayoko mamatay ng hindi pa tayo kinakasal." Nakooooo. Wala na ako mapaglagyan ng kilig :"""> magwa-walk out na nga lang ako. Pero bago pa ako makatayo, hinila nya yung kamay ko.

"Wag mo ako iwan... please?"

*end of flashback*

Same scenario to way back nung 2005. Ano ba yan, bakit ba pareho kayo ni Aki? Sinugod namin si singkit sa emergency room. Pinalabas nila ako kasi ewan ko kung ano ginagawa nila. Di namab ako medicine major.

Nagintay nalang ako sa labas ng ER at after 45 minutes approximately. Lumabas yung doktor at sabi na okay na daw si singkit.

Pumasok na ako at nagiwan ng note sa table nya. (Sorry, hindi ko alam na allergic ka pala sa maanghang. Binayaran ko na hospital fee mo. Get well soon) Aalis na sana ako ng bigla kong maalala yung mga nangyari nung bata pa kami ni Aki.

Umupo ako sa upuan at pinagmasdan yung mukha nya. Kamukha nya talaga si Aki. Ang galing lang talaga. Tumayo na ako at bumalik sa building namin.

Nung uwian na, mga 7 pm. Bumaba na ako para umuwi ng biglang may mga humarang sa daan ko. Tinignan ko, mukha silang pamilyar.

"Miss, may sasabihin lang kami sayo."

Kinakabahan ako sa mga to, sila yung katropa ni singkit eh. Gising na ba siya at pinahunting ako?

"Sorry, next time nalang."

"Wala ng next time e." Pumunta yung lalaki sa likod ko at tinakpan ang bibig at ilong ko ng panyo. Pagkatapos nun, wala na akong maalala.

-----

Tsk2. Ano kayang nangyari kay raine? 

(Raine's picture sa sidebar ☺ Sexy daw at maganda buhok sabi ni Hiro eh :)) )

Sorry nga pala guys, ang hirap lagyan ng POV ni hiro. Ginapang ko lang yan xD

Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted GuyWhere stories live. Discover now