5 "Payback Time"

65.9K 1.2K 57
                                          

5

"Payback Time"

KINABUKASAN SA SCHOOL

Sana swertihin naman ako ngayong araw na 'to. Malayo sa kahihiyan kay Cliff. Sabi nga always start your day with a smile.

Papunta na ko ng first class ko. Konti na lang late na ko kaya binilisan ko na ang paglalakad.

Kapag sinuswerte ka naman na parang minamalas eh makakasalubong ko pa si Cliff.

Didiresto ba ko o magiiba ng daan? Kaso male-late na ko kapag hindi pa ko dumiretso. Naglakad na lang ako ng mabilis habang nakatungo ako. Iniharang ko yung notebook ko sa mukha ko para hindi nya ako mapansin.

Yung lakad ko kasing bilis ng tibok ng puso ko. Hindi nya ako makikita, makikilala at kakausapin.

Please wag mo akong pansinin!

"Torrence."

Mga paa ang una kong nakita. Paa ng lalaki. Paa ni─ Cliff.

"I'm invisible." dire-diretso pa din ako. Kunyari hindi ko alam na sya si Cliff.

"You're not invisible. I can see you." Hinarangan nya ako. "What are you doing?" tanong nya.

"Pasensya na male-late na kasi ako." Nakatungo pa din ako.

"Hindi ka male-late." Sagot nya.

Hindi ko pa din sya tinitingnan. Sa floor pa din ako nakatingin at hindi ko pa din inaalis yung pagkakatakip nung notebook sa mukha ko.

"Ah ka..kase 8am ang start ng klase ko eh." Umiwas ako sa kanya.

"I know. We're classmates, remember?" sagot nya.

Oo nga pala. Magkaklase nga pala kami kay sir Von. So hinarang nya lang ako para sabihin yun? Syempre, alangan namang may iba pang dahilan. Ayoko nang magassume.

"Ganun ba? Sige salamat." Medyo nauutal na ako habang kinakausap sya. Na-stroke na ata ako.

Tumalikod ako kaagad tsaka naglakad papunta sa kabilang direction. Bahala na ang klase ni sir Von, sanay naman sya na late ako palagi. Ayoko nang makipagusap ng matagal dito kay Cliff dahil baka mauwi na naman sa isang malaking kahihiyan.

"Torrence wait!" Sigaw nya sa akin. Teka, baka hindi naman si Cliff ang kausap ko. Sobrang haba na ng napag-usapan namin. Hindi ako sanay at alam kong imposible.

Pero pagkasigaw nya ng wait ay mas lalo akong nagmadaling maglakad.

Useless din, naabutan din nya ko.

"What's wrong with you? And why are you covering your face?" Inalis nya yung notebook ko sa mukha ko.

So kunyari hindi ko pa din alam na sya si Cliff.

"Oh hi there Cliff. Kanina ka pa?" Pagpapanggap ko. Dapat great pretender na lang ang title nitong story na 'to, tutal dun naman ako magaling – ang magpanggap.

Nagwave sya sa mukha ko. "Kanina pa tayo magkausap. Bakit ka ba tumatakbo?"

Lumingon ako sa likuran ko. "Ah ikaw ba yung kausap ko kanina? Akala ko kasi yung mga bullies. Sige na, alis na ako." Tumalikod ako bigla pero hinarang nya ako ulit.

"I said wait." Sabi nya sa'kin. Mukhang naiinis na sya. Eh bakit ba naman kasi nya ako sinunsundan? Sinabi ko na nga di ba na aalis na ako ng ilang beses. Sobrang kulit nya.

Huminga ako ng malalim tsaka bumwelo. Bakit naman kasi kung kailan ayaw ko syang makita tsaka sya nagpapakita!

"Cliff, hiyang-hiya na ko sa'yo. Wala na nga akong mukhang ihaharap sa mga tao eh." Ibinalik ko ulit yung notebook sa mukha ko.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon