4 "He's A Gangster"

65.7K 1.3K 39
                                          

4

"He's A Gangster"

JEWELRY STORE

Sobrang pangit ng araw na 'to. Mabuti na lang at wala na ako sa school. After kasi ng klase ko ay dumidiretso ako dito sa jewelry store.

Dito ako nagta-trabaho after ng class ko. Hindi naman kasi lahat dapat iasa sa scholarship ko. Isa pa gusto kong makatulong kay papa. Ayaw nya ngang magworking student ako kasi ayaw nyang may masabi ang family ni mommy sa kanya na di ako kayang buhayin. Atupagin ko daw yung pag-aaral ko, tsaka humanap na daw ako ng insipiration, in short boyfriend. Hindi nya lang alam nakahanap na ako, kaso ayaw naman sa akin.

Ang malas ko naman talaga ngayon! Absent kasi yung kasama kong naka-duty. All around din kasi ako dito. Halos dapat araw araw nililinis ko ang mga alahas. Natatakot pa naman ako mag-isa dito kasi baka may mangholdap. May CCTV nga eh kung patay na naman ako eh di wala din.

"Here's your order ma'am. Kakadating lang po nyan kanina. Yan lang po ang item namin this month. Ni-reserve ko po para sa inyo dahil valued customer ka po namin." Iniabot ko ang order ng customer. May online shopping din kasi kami. Mas maganda yun kasi online na sila nagbabayad, wala na akong kailangang hawakang pera. "Balik po ulit kayo sa susunod. Please check your emails for coupons na din po." Pahabol ko habang papabalabas ang customer.

Balik simangot ako pagkaalis ng mga customers. Pagod na kasi ako ng sobra.

Grabe ang klase ng alahas dito. Iba ibang klase, eh kwinstas, bracelet, hikaw, singsing and relo lang naman sila pero madaming brand. Sobrang hirap tandaan noong nagsisimula palang ako dito. Nakakatakot kasi kulang ang sweldo ko pambayad kapag nawala ko or nasira ko ang kahit alin sa mga 'to.

"Miss, may kalat sa daanan ko. Pakilinis nga!!" Utos ng isang customer at dali-dali din naman akong lumapit. Hindi na lang kasi 'to jewelry store, parang gift shop na din. Pinalakihan na nung may ari para madali na daw sa mga customers makahanap ng ibang panregalo bukod sa alahas. Meron kaming items para sa kahit anong okasyon. Tapos may relaxing area, na kapag napagod ang customer or naghihintay ng order, pwede silang maupo, magkape at magpahinga. May libre kasing beverages dito, kaya minsan ang daming tao pero nagpapalamig lang naman tsaka nakikiinom.

Grabe natataranta na ko. Yung isang customer nagagalit na. Balik counter agad ako.

"Good afternoon sir. Welcome sa Rockpile Jewelry Store. What can I do for you?"

"Sa sobrang tagal mo hindi ko na maalala yung bibilhin ko!" sigaw nung customer. Sobrang nakakatakot sya. Kung walang ibang tao dito sa store iisipin ko holdaper 'to. "Pasensya na po sir, may ginawa lang po ako saglit."

"Hindi ko naman tinatanong!!" Pagsusungit nya ulit.

Kainis 'tong lalaking 'to ah. Hindi naman ako ganun katagal. Napaka-OA. Smile pa din ako dahil customer sya.

"Sorry po sir kasi absent po yung kasama ko dito kaya ako po ang nagawa ng lahat." Nakuha ko pa ngang magexplain na naman kahit di nya ulit tinatanong.

"Wala akong pakialam! Customer ako dito kaya dapat ako ang inuuna mo." Pabarumbadong sagot nung customer.

Hindi ba nya naintindihan yung sinabi ko? Baka bingi sya kaya parang wala syang narinig. Tumataas yung dugo ko. Konting pasensya pa.

"Sir nauna po kasi yung isang customer─"

Grrrrrrrrr. Nagsasalita pa ko, bigla kong tinalikuran. Bastos lang. Nakakabwusit.

"Ano bang pinakapopular nyo na item dito?" Tinitingnan nya yung mga nasa estante.

"Depende po sir sa kung anong okasyon ─"

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon